Chapter 22: Kazuto

132 60 19
                                    

Nakita ko si Sachi na wala pang malay habang nakahandusay sa damuhan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakita ko si Sachi na wala pang malay habang nakahandusay sa damuhan.

Lumuha ako at agad ko siyang linapitan.

"Sachi! Sachi! Gumising ka please!" Pagkatapos hinawakan ko ang kanyang pulso.

Naramdaman kong tumitibok kaya buhay pa siya.

"Sachi please! Gumising ka!" Sinabi ko ito habang ako ay umiiyak.

Lumapit ang aking mga summon at naisip kong si Kyaru lang ang paraan para siya ay gumaling.

"Kyaru! Pagalingin mo si Sachi! Please." Pakiusap ko.

"Sige po master!" Halakhak nitong sabi.

Ginamit niya ang kanyang healing magic pero nahirapan si Kyaru ng sobra.

"Kyaru! Ituloy mo lang!" Sigaw ko.

"Master! Mahirap siyang pagalingin  dahil critical ang kanyang sitwasyon!" Sabi niya.

Napansin ko nalang na unti-unting gumalaw ang kamay ni Sachi.

"Kyaru! Ituloy mo lang iyan! Gumagalaw na siya oh!" Pamimilit ko.

"Master! Wala na akong mana! Hindi na ako makakagamit ng mahika. Matagal pa bago magrecharge ito." Sabi nito sa akin.

"Ano?!" Disappointed ko.

Dito ay naigalaw ni Sachi ang kanyang leeg at saka tinignan ako.

"Sachi! Buti naman, medyo okay ka na!" Patuloy pa rin ang aking pag-iyak.

"Ikaw ba iyan ate Ayane?" Tanong nito.

"Oo Sachi. Nagtransform na ako bilang hero. Kaya huwag mo na akong tawaging Ayane, tawagin mo akong Asura." Sabi ko.

Narinig ito ni Sachi at pati na rin ang aking mga summon.

"Masaya ako ate Asura dahil hero ka na." Nakita kong naluha sa saya si Sachi sa akin.

"Naku Sachi, mas masaya ako dahil nagkamalay ka na no. Sorry dahil hindi kita naligtas kanina." Matapos iyon ay agad ko siyang yinakap sa saya.

Tapos sinabi nitong, "Salamat ate dahil sinubukan mo akong iligtas kanina."

Nang kumalas na ako sa kanya ay may malungkot na sunod na sinabi sa akin si Sachi.

At, biglang may emotional na tunog kung saan-saan.

/Video not mine but you can hear it.../

"Ate Asura, huwag ka ng umiyak. Please ate, naiiyak tuloy ako," ngiting luhang sabi sa akin ni Sachi.

The Rise Of The Pervert HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon