Chapter 44: Babalow

59 19 2
                                    

Sa oras na ito ay wala akong anumang armas dahil binawi ito ni Tanjiro sa katauhan ni Tanjealust.

Kinuha kasi niya kasi ang Excalibur Sword ko.

Wala akong magawa kundi gamitin ang aking mahika. Tsaka, mayroon naman akong Shidou na dedepensa sa akin.

Biglang humalakhak si Tanjealust sa amin at sinabing, "Ano ka na ngayon, Asura? Paano ka na lalaban niyan?"

Dito ay nginitian ko lang ito at sinabing, "Sinungaling ka na nga, madaya ka pa. Pero sige, hindi mo magugustuhan ang susunod na mangyayari."

Naisip kong gamitin ang aking mahika para makalikha ng aking sariling sandata.

"Swor-da Dar-ka A-pi-ra!"

Nagulat bigla si Tanjealust dahil nakagawa ako ng itim na sword na siyang wawasak sa kanila.

Dito ay isinigaw kong, "The Fairy of Mana! Restore my magic!" Sana nakuha ito ni Akemi.

Mukhang narinig at nakuha naman ito ni Akemi dahil unti-unti kong naramdamang lumalakas ang aking mahika na dumadaloy sa aking katawan.

Dito ay agad akong umatake sa kanila gamit ang aking Magical Dark Sword!"

Tapos, sabi kong, "Shidou my loves! Cover me!"

"Sige master!" Sigaw niya. Tapos pumunta siya sa aking harapan.

Agad akong tumakbo papunta kay Tanjealust kasama si jowa.

Syempre may jowa na ako dahil insipirado ako kaya feel ko mas lumakas na ako kahit mas malakas pa ang aking kalaban.

Sa aking bilis ay hindi alam ni Tanjealust kung saang banda ako aatake.

Hindi ako tuloy matamaan habang ginagamit niya ang sandata kasama na rin ang kaniyang magic.

Hindi siya makaatake sa akin dahil na rin denedepensahan ako ni Shidou gamit ang kanyang shield kahit na mabagal siya.

Sa kasamaang palad, dahil sa lumalakas ang atake ni Tanjealust ay naitaboy bigla si Shidou.

Dito ay agad akong umaksyon at nagpakita ako ng mas mabilis at mas malakas para atakihin ito.

Dahil dito ay dominado kong sinugat-sugatan ang katawan nito.

Sobrang epektibo pala sa kanila ang aking atake sa pamamagitan ng aking mahikang sandata.

Sa sobrang dami ng kanilang damage ay hindi gumana sa kanila ang fusion magic kaya naghiwalay din sila.

Tinawanan ko nalang silang dalawa at sinabing, "Mga mahina lang pala kayong dalawa kahit magsama pa kayo!"

Dito ay nagalit bigla si Tanjiro sa akin habang si Jealust ay walang malay na nakahiga sa damuhan.

"Hindi ko inaasahang mapaghihiwalay mo kami Asura! Lumakas ka na talaga!" Sigaw nito sa akin.

"Syempre, ako pa boy! Don't underestimate me!" attitude na sabi ko.

Dito ay humalakhak na naman si Tanjiro at nakita kong may lumalabas na red awra sa kanyang katawan habang humalakhak.

Isinigaw nito sa aming, "Ito na ang katapusan!"

"Anong katapusan?!" Agad nalang akong nanginig.

Dito ay nakita ko ang kanyang information.

Siya pala ay The Brain of Eight Deadly Anger! Tanjiro, level 100!

"Kuya Tanjiro! Ano ang ibig sabihin ng Eight Deadly Anger!?" Tanong ko habang kinakabahan.

"Hi-hi-hi... Ako lang naman ang nagpalabas sa mga malalakas na halimaw sa mga walong path ng bansang ito!" Sigaw nito habang tinatawanan ako.

"Baliw ka na talaga kuya Tanjiro! Ba't mo ginawa iyon?" Tanong ko.

"Nagawa ko iyon dahil sa galit ko sa pagsisinungaling mo sa akin Asura. Hindi ko nakayanan ang galit at selos ko kaya inilabas ko na lamang sila sa pamamagitan ng Taboo Magic!"

"Ano? Walang hiya ka! Sinuway mo ang sinabi ng aking tatay noon sa iyo!" Sigaw ko.

"Paano mo naman nalaman Asura!?" Tanong nito sa akin.

"Dahil ikiniwento mo sa akin noong una tayong magkasamang nanirahan sa iisang bubong! Noong wala na si tatay Tyrantado!"

Dito ay humalakhak nalang si Tanjiro sa akin at sinabing, "Hindi ka pala makakalimutin Asura. Hindi rin sana mangyayari ito kung ako lang ang minahal mo!"

Dito ay sinabi ko sa kanyang, "Hindi ka nakita mahal!"

"Ulitin mo nga?!" Inis na sabi niya sa akin.

"Hindi na kita mahal dahil pinili mo ang bruhang iyan. Baliw ka! Ikaw ang sinungaling at hindi ako. Paulit-ulit ka nalang. Sinuway mo pa si daddy!" Sigaw ko.

Dito ay humalakhak lang siya at nainis nalang bigla hanggang sa gumamit siya ng isang malakas na mahika.

"Tatapusin ko na ang laban na ito!" Sigaw niya.

Agad na may lumabas na napakalakas na kulay pulang kidlat sa kanyang dalawang kamay hanggang sa nakita kong tatamaan ako nito.

Nagulat ako ng lumihis ang kidlat na iyon at napunta sa pinagtataguan nila Akemi at Misaka.

Isinigaw ko nalang na, "Umilag kayo! Akemi at Misaka!"

"Oops, hindi ikaw Asura ang tatamaan ko kundi ang nagpalakas ng mahika mo!"

"Ang sama mo kuya!" Sigaw ko kay Tanjiro.

Dito ay nakita ko nalang na imbes na si Akemi ang natamaan ay si Misaka na mismo ang nagprotekta sa kanya kaya siya na mismo ang natamaan ng pulang kidlat na mahika.

"MISAKA!!! ANAK!!! HINDI!!!" Sigaw ko nalang at napaiyak. Nakita ko ring tumakbo si Shidou palapit kay Misaka.

Nagpatuloy na humalakhak si Tanjiro at nagtawag pa siya ng summon.

"Hindi pa iyan sapat! Tinatawag kita! Southern Path Monster!"

Biglang yumanig ng napakalakas at nagsummon pala talaga siya habang ako ay nakaluhod na lamang at umiiyak.

"Master! Ipinapatawag mo ako! Ano ang gagawin ko sa kanila?"

"Babalow! Ikaw na mismo ang tatapos sa kanila!" utos nga ni kuya Tanjiro sa kanya.

Humalakhak nga ang monster na malaki ang baba at sinunod nito si Tanjiro.

Habang ako ay umiiyak at nakita ko na lamang na binuhat ni Tanjiro ang bruhang kasama niya kaya dito ay nagalit talaga ako ng sobra.

Dito ay naisip kong pigilan sila.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Someone only needs you if you have someone."

Ano ang bago kong transformation sa susunod na kwento?

Abangan ang next chapter. Salamat.

The Rise Of The Pervert HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon