SAMPU

43.2K 556 98
                                    


WARNING! PAKIUSAP BAWAL PO ITO SA BATA. HINDI PO ITO ANG TAMANG ISTORYA PARA SA'YO. PAKIUSAP. SALAMAT PO. ENJOY!

Chapter 10


Lumipas ang mga araw, hanggang sa maging isang linggo na hindi pa rin nagpaparamdam sa akin si Aki. Alam kong galit siya dahil kahit mga tawag at text ko hindi niya sinasagot.

Isa lang ang hindi ko maintindihan, bakit iyon ginawa ni Aiko sa sarili niyang kapatid? May galit ba siya kay Aki para gawin niya ang mga bagay na 'yon?

“Miss Talia? Saan ko po ipadadala itong mga kahon?”

Napatingin ako kay Lily na parang nawawala sa sarili. Bigla na lang kasi siyang sumusulpot kung kailan may malalim akong iniisip. Hindi na talaga nagtanda ang babaeng 'to.

I frowned and took a deep breathe. “Akihiro Esguerra mo 'yan ipadadala. Siguraduhin mo lang na makakarating 'yan sa kan'ya dahil kung hindi --- hindi ka na rin makakabalik dito. Naiintindihan mo?”

She nodded inimitably. “Opo, Miss Talia. Ipadadala ko na rin po ito agad. Mauna na po ako.” Tumango siya at agad na nagpaalam.

Hinayaan ko lang siya umalis bago tumayo para sana mag-cr nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Nakapatong ito sa table ko habang patuloy na nag-ri-ring. Tinitigan ko lang ito at ang caller ID na hindi naka-register.

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag o hindi. Masasayang lang oras ko kung hindi naman iyon importante, lalo na at kadalasan scammer lang ang mga iyon.

Namatay ang cellphone ko pagkatapos nitong mag-ring sa unang call. Hinintay ko muna kung tatawag ba ito ulit bago ko ito sasagutin. Kapag tumawag siya ulit, which mean importante.

Muling umilaw ang cellphone ko at may dumating na text. Kaagad ko itong dinampot para tingnan kung sino iyon, ngunit bago ko pa ito mabuksan ay may isa pang text na dumating galing kay Tiyo Caloy.

Napasinghap ako nang imbis na alisin ang text ni Tiyo Caloy ay aksidente ko pa itong nabuksan. Mag-ba-back na sana ako nang nakuha ng atensyon ko ang word na 'pera' sa text niya.

Wala akong nagawa kun'di basahin na lang ang text niyang tungkol na naman sa pera.

From: Caloy
Kmusta kn natalhia? sory s abala manghihinge sna ulet akung pera naksednte kac younh pincan mung c paulla. Naobks na kc yyng benigay mu nng nakraan mrami kc kminh benayran.

Mariin akong napapikit at napahilot sa sintido ko. Ang sakit sa mata at ang hirap basahin ng text ni Tiyo Caloy. Bukod sa mali ang spelling, para akong nagbabasa ng puzzle.

Kaya ayaw na ayaw ko rin na binabasa ang text niya at ng asawa niyang mas mukhang pera. Ayoko siyang pagbintangan, pero napaghahalataan din kasi talaga sila. Paano sa lahat ng word sa text niya, 'pera' lang talaga ang tamang spelling, kahit pangalan ng anak niya mali rin.

Ilang beses pa kayang ma-o-ospital at maaaksidente si Puala bago sila tumigil sa paghingi sa'kin ng pera? Kulang na lang patayin na nila ang anak nila para lang may dahilan sa'kin.

Hindi ako nag-reply, baka scheme na naman nilang mag-asawa 'yon para lang makapagsugal. I know what they're doing, hindi nila ako maloloko. Pinagbibigyan ko lang sila minsan para tumigil na at matahimik ang buhay ko.

Binaba ko ang cellphone ko at tuluyan nang nagtungo sa cr. Nasayang na naman ang oras ko sa mga walang kwentang bagay.

“Miss Talia, nasa labas po si Engr. Esguerra. Papapasukin ko na po ba?”

✔ || Midnight Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon