LABING ISA

36.9K 485 76
                                    


Chapter 11


I can't lose Aki, he's the only family I have. I know, we didn't end up with each other, but when my parents died, he's the first person who accepted me with all my flaws.

I didn't see him as a person who I end up with, but I see him as a family who will be there for me as time goes by. He's my best friend too.

“Uuwi na ako.” Kinuha ko ang aking bag sa mesa at ang cellphone ko.

Katatapos lang magbihis ni Aiko matapos niyang magising dahil sa pagpapaalam ko kanina. Pinauwi ko na si Aki at sinabing huwag niya na akong hintayin. Nahihiya na ako sa ginawa kong pagpapaasa sa kan'ya, ayokong dagdagan pa nang ilang minuto.

“Ihahatid na kita. You left your car, remember?”

I shook my head. “Huwag na, may magsusundo na sa'kin.”

I texted Lily to fetch me here. Working hours pa naman kaya p'wede ko pa siyang tawagan.

“Who?” tanong pa niya at lumapit sa akin.

“Basta,” tipid ko namang sagot.

Hinawakan ko ang doorknob at lalabas na sana nang bigla niya akong hinawakan sa braso. Natigilan ako at nilingon siya.

“Uuwi na ako, Aiko.” I repeat myself baka hindi niya ako naintindihan kanina.

“I know...” he said with his soft voice as he looked at me hoping that I might accept what he's going to say. “Sorry for my recklessness. I know, I got jealous, but I didn't mean to hurt you. Please, forgive me.”

“B-bakit ka nag-so-sorry?“ I was confused and surprised. I'm not ready for this kind of conversation. He's too fragile and soft hearted.

“'Cause I know what I did, and I'm being so jerk to you and Aki. Napangunahan kasi ako ng selos at takot na mawala ka sa'kin.” He explained himself and bit his lower lip.

Napabuntong hininga ako bago hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. “I'm fine. Just don't do that again, Aki is the only family I have and I can't handle to lose that again. And as long as I'm with you, you have nothing to worry about. Okay?” I assured him and smiled a bit.

He smiled back and rubbed my arm using his thumb. “Okay. I love you.” He mumbled and smack a kissed in my shoulder.

“W-what?” Parang nabingi ako sa huli niyang mga sinabi. Did he just say 'I love you'?

Nag-angat siya nang tingin at tiningnan ako diretso sa mga mata. “I love you, Talia.”

Kumalabog bigla ang dibdib ko kasabay nang pagbilis nang tibok ng puso ko. Hindi nga ako nagkamali nang narinig. He said it. He said it infront of my face with an eye to eye contact.

Did he really mean it? I can't believe this.

Nagising ako mula sa pag-iisip nang bigla akong matapilok sa kinatatayuan ko. My knees are shaking, and I'm trembling like hell.

“A-aalis na ako. Bye!” Agad kong hinawakan ang doorknob at nagmadaling lumabas ng condo niya.

Bago pa siya makasunod sa'kin sinarado ko na agad ang pinto, at lakad-takbong nagtungo sa elevator. Mahirap na at baka sumunod nga siya sa akin.

Saglit lang akong naghintay sa harap ng elevator bago nagmadaling pumasok sa loob. Pinindot kong maigi ang ground floor button. Pasarado na ang pinto nang bigla ulit itong bumukas dahil sa kamay na biglang pumigil dito.

“Ihahatid na kita sa baba.” Si Aiko, pinagpapawisan at hinahangos. Talagang hinabol pa niya ako.

Hindi ko na magawang magreklamo dahil sa bilis ng mga pangyayari. Nandito na rin naman siya, kaya wala na akong magagawa.

✔ || Midnight Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon