Chapter 8: I choose not to love...

17 4 0
                                    

Midnight's POV

Alam ko na may iniisip si Alexis samin ni Poison. Don't get me wrong. Poison and I are just good friends. Kapatid na Ang turing ko sa kanya at siya rin sakin. Actually may girlfriend nga si Poison eh. At mahal na mahal niya yun. Poison is the one who saved me from myself, he gave me another reason to live. He is my key to know who I really am. Siya nalang Ang pag asa ko. Natigil ako sa pag iisip nang may taong nagsalita sa likuran ko.
"Grabeh kakabreak niyo lang nang boyfriend mo tas may bago ka na agad" sino pa nga ba ang parang kabute na sulpot nang sulpot.

"Ano ba Ang pakialam mo, are you that interested in me?"seryosong tanong ko. Na ikinasinghap niya.
"W-what? K-kapal mo ah!"sigaw niya na ikinainis ko. Napaka hilig talaga neto umepal. At grabeh Ang tinis nang boses nito. "I'm just disgusted, dahil sa room pa talaga kayo nag lalampungan! Alam mo ba bawal Ang PDA dito! At bakit nakapasok yun! Trespassing na Ang ugok na Yun ah!"inis na Saad niya.

"Trespassing? May nakalagay ba na no trespassing sa gate? At bakit ba napaka pakialamero mo!"iritable Kong tanong. Nakita Kong bumubulong Siya sa sarili niya. Baliw ba toh! " Tabi, aalis na ako." He just looked at me. Tang'ina talaga tong kupal nato! " I said get out of my way! Ano gusto mo bang masagasaan ha!"sigaw ko sa kanya. Inuubos niya talaga Ang pasensiya ko tang'ina!
"Is he really her new boyfriend?"rinig Kong bulong niya. Ano bang klaseng tao toh. Pinaandar ko na Ang baby AXCEL ko at dumaan sa gilid niya. That idiot is really something. Sa kabila nang ginagawa niyang pambubwesit diko Siya kayang saktan , though sinuntok ko Siya pero di ko yata kayang bugbugin Siya.

Nakarating na Ako sa tambayan namin ni Poison. Aldrin Noah Velasquez, poison Ang tawag ko sa kanya Dahil Ang pangalan niyang Aldrin ay poisonous. Kaya ayun at tawag niya Naman sakin meshuga Dahil sa codename Kong bloody Psycho, meshuga is like crazy . Oh dibah Ang cool.

"Ang tagal mo Naman meshuga!"reklamo niya. Lumapit Ako sa kanya at tinapon Ang bag ko sa Mukha niya. "Hey, ansakit non ah!" Pinanlisikan ko Siya nang mata.
"Akala mo ba kinalimutan ko Ang ginawa mo sakin sa paaralan! Tang'ina ka talaga Noah! Bakit mo ko hinalikan!"sigaw ko sa kanya. Alam niya galit Ako Dahil tinawag ko siyang Noah.. "Alam mong andaming tao! At Isa pa alam mong andun si Alexis, alam mo naman na iba mag isip yun! Puros malisyoso Ang mata nang kaklase ko! And mainit Ako sa kanila! Tang'ina mo talaga poison!"inis na singhal ko. He just laughed at me. Suddenly he became serious.

"Normal na sakin yun meshuga, at palagi ko Naman ginagawa yun sayo! And infact sa pisnge lang kita hinalikan. And don't give me that damn reason meshuga dahil alam natin na Hindi ka nag rereact sa ginagawa Kong paglalambing sayo! Normal satin yun! "Inis na singhal niya din sakin. Minsan lang mainis at magalit sakin si Poison. At tama Siya bat ba ako nag rereact... "Let's talk another time Night, mukhang Hindi maganda Ang mood mo at sinira mo narin Ang sakin"Saad niya at nag lakad papunta sa kotse niya. Hindi ko kayang magalit sakin si Poison. Kaya pinigilan ko Siya at niyakap.

"S-sorry."paumanhin ko sa kanya at kumalas na Ako sa yakap "Ano ba Ang pag uusapan natin poison?"mahinang tanong ko.

"Bumawi ka sakin meshuga, magiging teacher niyo ako sa loob nang tatlong linggo. Dahil minamanmanan ko si Drake Saavedra. Kelangan ko nang tulong mo, Kilala mo ba yun?"seryosong Saad niya.
"Tsk! Kaaway ko yun poison. Pinatikim ko siya nang Isang Psycho Punch."nakangising sagot ko.

Tumawa si Poison sa sinabi ko.. "Pero Hindi naman namin Siya kaklase. Pano mo Siya mamanmanan?"tanong ko.

"Mas mabuti at Hindi niyo Siya kaklase. Mas magagawa ko nang maayos Ang trabaho ko."

Chase's POV

Naiwan akong nakatunganga sa parking lot. Nang dumating si Alexis. She looked at me.

"Boyfriend niya bayun?"diko mapigilan itanong sa kanya Yun. She just looked at me and then laughed.
"Grabeh, gugunaw na ba Ang mundo ? Why the sudden care Echavez?"Di makapinawalang tanong niya... I just smirked at her and left. I don't care about that tomboy. Im just really curious about her life. Her eyes maybe cold but if you look at them there are stories who are waiting to be told.

House

Nakita ko si Tito Lhorton wearing headphones and smiling while looking at his phone. Lumapit Ako sa kanya without he noticing me, and I looked at his phone and I saw Tita Max's stolen picture.

I just smirked and went upstairs. People go crazy for love. And because of love they get hurt. If I would be in a situation, I would choose not to love at all. Love is very complicated, and you'll surely end up crying and in pain.

Vape Calling

"Zup, bro!"

"What do you want Vape?"

"Bar tayo my treat, andito na si Trev at Reve." At narinig ko Ang mga boses nang dalawang ugok kung kaibigan.
"K. I'll be there!" I said and ended the call.

Nag bihis na akong simple shirt at jeans lang. Kinuha ko ang wallet at susi nang kotse ko. Bumaba Ako at nag paalam Kay Tito.

"I'll be out, tumawag sila Vape." Saad ko. "Enjoy, wag umuwi kung di na kaya nang katawan mag drive."paalala niya. I just nod and went to the garage and drove to the famous bar.

Happy bar

Pag pasok ko nalanghap ko agad ang mga usok na nagmumula sa mga hinithit na sigarilyo nang mga tao sa bar. Umakyat ako sa VIP spot. At nakita ko Ang tatlong kaibigan ko.

"Mr. Echavez is finally here. Ang tagal mo Naman bro, para ka namang babae kung kumilos."natatawang tukso ni Vape.

"Shut up Vape, naligo pa Ako tas traffic. Oh bakit ka pala nag yaya uminom? At himala libre mo pa."sarkastikong tanong ko. Nakita ko umiba Ang ekspresyon nang Mukha ni Vape. At Nakita ko Ang dalawang kaibigan namin na umiling.

"Wala na kami ni Nicole, tang'ina ginago niya ako! Akala niya siguro kinaganda niya yun. Wag lang talaga sila mag pakita sakin." kahit tumawa si Vape, makikita mo parin Ang lungkot sa mga mata niya. Kaya ayaw ko umibig eh. Konting saya palaging nagdudusa. Uminon kami nang uminom. Hanggang may Nakita akong Isang pamilyar na pigura nang dalawang tao. Alexis and Midnight. Tiningnan ko si Night, pinagmamasdan ko Ang kilos niya. Nakita kong seryoso din si Alexis habang umiinom nang beer. May tinuro si Alexis, at tiningnan ko kung sino. Nakita ko si Drake Saavedra papalapit sa magkaibigan. Umayos nang upo si Alexis at nananatiling kalmado pero seryoso Ang Mukha ni Night. Nakita kong umismid si Night at parang may sinabing masama Dahil nakita ko Ang gigil sa Mukha ni Drake. Napatayo Ako nang biglang kwelyuhan ni Drake si Night. Nakita kung nagulat Ang mga kaibigan ko sa inasal ko kaya tinuro ko sila Night at Nakita Kong bumagsak Ang mga bunganga nila.

HELLACIOUS VENGEANCEWhere stories live. Discover now