Chapter 45: DETENTION

10 0 0
                                    

Midnight's POV

Umalis  na sila papa. At kakarating lang ni Tyler.

"Hoy, anong papa pinagsasabi mo!?" tanong ni Alexis.

"Erpats ko yun. I'll introduce you later. Sama ka sa lakad ko." bored na aya ko. Nakita ko ang excitement sa mukha ni Alexis.

"Dad mo yun beautiful? Bigatin ka pala. Kilala yun sa online world at sikat ang pamilya nila." Saad ni Tyler.

"Hoy, Ikaw. Bakit napaka FC mo?" inis na tanong ni Alexis.

"Hindi naman masyado. Friends na kami ni beautiful.... Dibah?"kumislap mata niya. Napailing lang ako at nagpatuloy na sa pagkain. Nag bangayan c Tyler at Alexis a harap ko, parehas silang maingay at walang preno ang bibig. Hinayaan ko na lang. 

Bumalik na kami sa classroom at nakita ko si Stephanie nakatingin samin or sakin. I smiled at her. Not a friendly smile. Yumuko siya.
Umupo na ako at afterwards dumating na din si Chase at ang ga kaibigan niya.

"Kumain ka na b-ba Chase. Binili kita ng sandwich."mahinhing Saad ni New Girl. I smirked, tumingin sakin si Chase. And I looked at him. Intently looking at him.

"Nah... I'm good." sagot niya at napakamot sa likod ng ulo niya.

"Akin na lang." Saad ni Vape. Binigay niya ito at nakita ko ang pag dilim ng Mukha niya. Psh what an actress....

"How's practice?"tanong ko. Lumapit Siya sakin at humalik sa noo ko.

" It was tiring, but it was good." nakangiting sagot niya. I nod and give him a water bottle. He smiled and drank the water. "Any plans later?" tanong niya. I nod.

"Yeah, I'm having dinner with my father." bored kong sagot. Sasagot pa sana Siya ng pumasok na ang prof. Prof. Katakutan my favorite professor.

"Good afternoon everyone." panimula ni Mr. Katakutan. Tiningnan niya ako at ngumisi.

"Ms. Santillan.Ano ang wika? Bakit ito mahalaga? Ano ang naunawaan mo sa intelekwalisyun?" sunod sunod niyang tanong. Napaka init talaga ng ulo ni prof sakin.


" Ang wika ay isang instrumento ng pag-iisip, sa pamamagitan nito ay umuunlad ang ating kaisipan. Mahalaga ito dahil magiging rason ito para sa ating kalayaan. At sa pamamagitan nito nagiging malikhain at mapanuri ang ating kaisipan. Ang naunawaan ko sa intelekwalisyun ay ito ang wika na susi para sa pag- unlad ng intelektwalismo ng bawat Pilipino. Ito dapat ay nakadepende sa sariling batis ng kaalaman at tiwalag sa dayuhang tradisyon ng kaalaman. Importante ito dahil  ang paggamit ng wikang katutubo sa ibat ibang anyo sa sining at kultura tulad ng mga akdang pampanitikan, radyo, telebisyon, at iba pa, ay isang paraan ng wika para sa malalim na pag-iisip." sagot ko sa tanong niya. Nakita ko Ang pag Daan ng inis ng Mukha niya.

" Ano ang Globalisasyon? Bakit pinamagatang. Ang Wikang Filipino at ang banta ng Globalisasyon? Ano ang maganda at di- maganda dulit nito sa atin? Paano natin mapangangalagaan ang ating wika dahil sa globalalisasyong ito?" tanong niya ulit. Tumingin ako sa kanya.

"Ako parin ba Ang sasagot?"matabang ing tanong.

"May tinawawag ba akong iba?"pilosopong balik tanong niya.

"Ang globalisasyon ay pananalakay ng mga kapitalistang bansa ng kanluran na naghahanap ng pamilihan para sa kanilang kalabisang produkto. Kunwari‘y binubuksan ng mga ito ang kanilang mga pamilihan sa mga produkto ng mahihinang ekonomiya. " pigil inis na sagot ko. " Bunga ng malalim na ukit ng impluwensyang mananakop lalo na ng Amerika sa usapin ng wika, naging hadlang ito sa paggamit ng katutubong wika sa mga mahahalagang porma ng komunikasyon, mas mataas ang pagtingin sa paggamit ng Ingles, na katawa-tawang realidad sapagkat sa totoo’y kung tunay ngang tulay ito sa pag-unlad, bakit tila ito pa nga ang nakakapagpabansot sa tuluyang pagpaparunong ng kamalayan at pag-iisip ng bawat Pilipino? " patuloy ko dito.  " Ang di maganda ay maaring maimpluwensiyahan ang mga pilipino na kung saan ay malilimutan na nila ang kanilang pag ka pilipino dahil gumagamit na sila ng ibang wika o wikang dayuhan. Pero ang maganda din dito ay dahil sa ibang wika o wikang dayuhan ay nadadagdagan ang ating kaalaman." saad at pumunta sa harap at tumabi sa Kay prof. " Maaalagaan natin ang ating wika kung ibahagi din natin ito sa ibang bansa, gaya ng aking tiya na dating OFW ay tinuturuan niya ang kanyang mga alaga paano mag salita nang tagalog at ano ang kahalagaan ng kultura natin." Patuloy ko sa pag sagot. Tumingin ako sa kanya t ngumisi.

"Anong nginingisi mo diyan!?" asik niya.

"What if we switch places. You go there and sit. While I do the talking here. Para kasing ako lang ang dada ng dada dito eh. And then I'll report to the dean that she'll fire you 'cause all you do is sit there and teach us nothing. What a marvelous idea.. Right Mr. Katakutan?"pang-iinis ko sa kanya  nakita ko nangunot ng todo ng noo niya at pinaupo na ako sa pwesto ko.

"Walang respeto." rinig kong bulong niya.

"If you want to  be respected then you should also respect me. Or baka gusto mo I discuss ko pa ang golden rule sa harap. Mukhang di mo alam eh." pang insulto ko sa kanya. Nakita ko tumayo si New Girl. Humarap siya sakin. Hmm interesting....

"Learn to respect h-him. P-prof natin s-siya, at w-wala dapat ni Isa s-sa atin b-bumastos sa kanya." Kunyaring nanginginig niyang Saad.

"And meddling isn't rude?" sarkastikong tanong ko sa kanya. " Hindi Ikaw ang kausap ko kaya wag kang mangialam. " malamig kong sagot sa kanya. "And Hindi parin nawawala ang inis ko Sayo kaya wag mo ko simulan" asik ko sa kanya.

"I'm just c-concern." Hikbi niya. What an actress!

"Concern mo Mukha mo." bulyaw ko sa kanya.

"Go to detention immediately. Santillan and you." sigaw ni Prof sa amin. Kinuha ko ang bag at unang lumabas .. Pesti! Napaka OA Akala mo naman bagay sa kanya mag inarte! Pag pasok ko nakita ko agad si Tita Nathalie. Hindi ako umimik at umupo nalang. Naramdaman ko ang pag-upo ni New Girl. Hindi ko nalang siya pinansin.

"Why are you both here?" tanong ni Tita.

"Seriously?! You're gonna ask me that stupid question?" sarkastikong tanong ko.

"Don't talk to me that way. I'm asking you both to tell me everything so we can go home." Pigil inis na saad ni tita.

"K-kasi po b-binastos niya ang prof namin. Pinagsabihan k-ko lang po s-siya." humihikbing saad niya. Ang hilig talaga mag drama.

"Is it true Midnight?" tanong niya. I just shrugged my shoulders. Mag sasalita pa sana si Tita ng tumunog ang cellphone niya.

"Babalikan ko kayo after 2 hours. I hope by that time magka-ayos na kayo." Saad ni tita at umalis. Nakita ko ang pag iba ng reaksiyon ni New Girl. Finally she took her mask off.

HELLACIOUS VENGEANCEWhere stories live. Discover now