Chapter 49: Goodbye

14 0 0
                                    

A/n :
I love you all. BTW I'm sorry for the long wait medyo hectic talaga schedule ko at tsaka medyo madaming iniisip sa layp. Mahal na mahal ko kayo. Please vote and comment for your reaction.❤️

Music: Let Me Be The One
Keiko Necesario's Cover.

Maxine's POV

Nakita ko hinatid ni Bonjie sila Night. Mahal ko pa talaga siya, kailan man ay hindi yun nawala. I was just...... Just angry at him at kulang Ang galit para tuluyan ko siyang makalimutan. I know I'm being unfair to Steven. Mahal ko si Steven pero iba ang pagmamahal ko Kay Bonjie. Bonjie was my first best friend, my first love and he was my comfort zone. He still affects me.... Big time!

Natigil ako sa pag iisip ng may biglang yumakap sa bewang ko. Steven. He's so damn nice to me and all I do is hurt him. Damn it.....

"I miss you so much.."saad niya at hinalikan ako sa leeg. Little kisses papunta sa mukha ko at sa labi ko. Naramdaman ko ang bawat haplos ng kamay niya sa bewang ko. When he's about to take off my shirt I stopped him.

"P-Pagod ako." mahinang saad ko.  Matagal na kami ni Steven but we never made love. Make out lang kasi Hindi ko kayang makipagsex sa kanya ng si Bonjie ang palaging naiisip ko. We never ever did reach to that kind of intimacy. Ayoko lang. Hindi ko mapaliwanag pero alam ko sa sarili ko na si Mark Bonjie Incarnate ang nag iisang dahilan.

"You still love him, don't you?"mahina ngunit may diing tanong niya. I wasn't able to look at him. And nervously change the subject.

"Let's get to sleep."pag iwas ko sa tanong. Hindi ko kayang sagutin Ang tanong at hindi ko alam kung bakit. He sighed heavily.

"Answer me Max."nag mamakaawang Saad niya. Damn it Maxine!! "Actually, you don't have to answer. Dahil kahit hindi ka magsalita alam ko na ang sagot. Masakit lang dahil sa tagal ng panahon siya parin pala talaga. Akala ko malalamangan  ko na siya eh. But who am I kidding. Hindi ko nga magawang pantayan, lagpasan pa kaya. You know how much I love you Max. Kaya ko itaya ang buhay ko para sayo. At kahit alam ko na dehado talaga ako pag dating sa kanya, sinubukan ko parin. Hoping na dumating yung araw na pag pinapili kita sa'min ay hindi ka na magdadalawang isip na piliin ako."umiyak na saad niya.

"Mahal kita."naiiyak na saad ko.

"Mahal mo nga ba talaga ako?"malungkot na tanong niya. "Or napilitan ka lang na mahalin ako?" he sighed. "Sana matignan mo rin ako gaya ng pag tingin mo sa kanya. Honestly, ibang iba ang paraan ng pag titig mo sa kanya." tuluyan napahagulhol si Steven. Nilapitan ko siya.

"Hey, mahal kita. Mahal na mahal kita."saad ko. Tumingin Siya sa mga mata ko. Umaagos ang luha sa mga mata naming dalawa. Bakit napakasakit ng nararamdaman ko? Bakit ba kasi ganto? Nahihirapan ako makita kang nasasaktan Steven. God knows how much I cared for you.

"Kaya mo ba akong pakasalan?"biglaang tanong niya . Natigilian ako sa tanong niya. Hindi ako makapagsalita "Nakikita mo ba ang kinabukasan mo sakin?" pagpapatuloy  niya. I have to make a choice. It's now or never. Huminga ako ng malalim. I looked at him.

"If you're asking me to marry you then my answer is yes." pilit akong ngumiti. Nakita ko ngumiti siya at hinawakan niya ang pisnge ko.

"I wanted to be selfish for once. Gustong gusto ko mapasakin ka. But I wouldn't risk seeing you sad and miserable Max. Always remember that I love you. And I'm now letting you go. Maybe today is not for us, but I will continue hoping for tomorrow. Until destiny sees we are worth to be together."saad niya habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata. He kissed my forehead and wave goodbye.

I was left dumbfounded. I don't know what to feel anymore. I hurted him and he rejected me. Umiyak lang ako ng umiyak. Damn these tears! I received text from Lhorton.

Lhorton:

Andito si Lenzey. She's staying here, lasing kasi si Chase.

Hindi na ko nag reply. I just layed at my bed crying. Lolo please guide me. Hindi ko na po talaga alam ang gagawin ko. I tried everything to make it work but it didn't. Nag ring ang cellphone ko.... Hindi ko nalang singot gusto ko mapag isa, gusto ko mag isip. Magulo parin ang underground at Hindi ko parin kilala kung sino ang nasa likod ng mga death threats. Everything is a huge mess. Dibah dapat okay na ako dahil natagpuan ko na naman Ang anak ko. But my responsibility in the organization. The organization needs me and they are looking forward for my success. Ayoko naman na umasa sila sa wala. Nag ring na naman ang cellphone ko kaya sinagot ko na. Si Nathalie pala.

"Na aksidente si Steven." Hysterical  bungad niya. Sinabi niya kung anong location nila ngayon. Dali dali ako nag bihis at pumunta sa hospital. Pag karating ko sinalubong agad ako ni Nathalie.

"Where's Steven?" Tanong ko.... She just hugged me..

"He lost, lots of blood. He didn't make it." naiiyak na saad niya. Umiling ako ng umiling. No this can't be... No ..... Tumakbo ako papuntang ER kung nasan si Steven. And I saw him there with a white fabric covering his body.
"S-Steven....."nanginginig na saad ko. Lumapit ako ng dahan dahan. I was literally shaking. Nasa likod ko sila Nathalie at ang mga kaibigan namin. "N-No... Tell me this isn't real. B-Bakit ka ba kasi u-umalis. Sabi mo hinding hindi mo ako iiwan, andaya mo naman. W-Why did you not fight to survive!?"hagulhol ko. "Wake up Clark Steven Thompson! Damn it, open your eyes!!" nag Wala ako at Hindi ako pinigilan ng mga kaibigan ko. "P-Please wake up... I-I am so s-sorry for everything. Steven naman kasi eh, please just wake up. " napaupo na ako sa sahig na parang batang umiiyak.

"Max, Tama na yan. Steven w-wont like seeing you like that. Hindi maibabalik ng luha si Steven" saad ni Rhealene. I glared at her!

"How would you know!?"bulyaw ko sa kanya. "Hindi mo alam ang pakiramdam na paulit ulit mawalan ng mahal sa buhay! Don't you ever command me to feel nothing. Kasi kung pwede lang sana Hindi nalang makaramdam ay pinili ko nalang maging manhid para hindi ako masaktan." umiiyak na Saad ko. " Hindi mo alam gaano kasakit mag luksa at maisip na bukas ay hindi ko na siya makakasama! Don't you ever dare mock me!"bulyaw ko.

"Hindi lang Ikaw ang nawalan Max! Kami rin! And you know what kung hindi dahil sa pride mo Hindi mamatay sila Abbey, Aliyah at Jake!" paninisi niya sakin. Huli na ng ma realize niya ang binitawang salita."M-Max...." I stopped her from talking by raising my hand.

"I know. Pero hindi ko yun ginusto. Kung sana kaya ko lang balikan ang pangyayaring yun ay ginawa ko na. I was wishing na sana ako nalang ang nawala. Araw-araw ko sinisisi ang sarili ko alam mo ba iyon. Kung sana ay hindi ko nalang kayo dinamay, buhay pa sana sila." Saad ko habang humihikbi. Pinahid ko ang mga namumuong luha at umalis. Tinawag nila ako ngunit Hindi na ako nag abalang lumingon. Umalis ako ng hospital at dumirecho sa sementeryo kung saan nakalibing sila Lolo, Mom and Dad.

Umupo ako sa damuhan. Maliwanag dito dahil pinalagyan ko ng ilaw. Umiyak lang ako ng umiyak sa mga puntod nila. Hoping na mag pakita sila sakin. Humagulhol ako ng iyak.... Ng maramdaman ko ang simoy ng hangin. I wish you were here Lolo, Mom and Dad. My life is a huge mess guys, Kunin niyo nalang ako oh. May biglang tumawag sa pangalan ko. Isa sa mga taong tinatakbuhan ko noon pag nalulungkot ako....

"Ella?"

HELLACIOUS VENGEANCEWhere stories live. Discover now