Chapter 67

1 0 0
                                    


New chapters ahead my beloved readers!!!!

                                                                  - A/n



Maxine's POV



Dahil wala akong magawa at may kailangan din akong asikasuhin sa opisina umalis ako ng bahay, nagulat ako dahil pag pasok ko nakaupo doon si Bonjie, nakangiting tumayo siya at nilapitan ako, hindi ko siya pinansin at umupo sa swivel chair. I opened my laptop and checked the files I received from Nathalie.


"What are you doing here?" malamig na saad ko sa kanya umupo siya sa couch ko at nilapag sa table ang mga dala niya.


"I'm here because of you." Matamis na saad niya, hindi ko alam kung ano ang dapat I react. I sighed and tumingin sa kanya. "I miss you Ella." Saad niya at lalapit sana sakin.


"Leave Incarnate." Malamig na utos ko sa kanya, hindi siya nag patinag. Nginitian ako at lumapit sakin.


"I told you, hindi mo na mababago ang desisyon ko. I want you back and I will do everything for you to love me back. Please let me prove myself again" Malungkot na ngiti ang binigay niya sakin.


"Prove yourself?"saad ko "Nagpapatawa ka ba?" I hissed "Para saan pa? Para saktan at lokohin naman ako?" bulyaw ko sa kanya. He held my hand pero winaksi ko yun. Pagod na ako, hindi ko na kayang maniwala sa mga pinagsasabi niya. Dahil sa pagmamahal ko sa kanya nawasak ako, nawala ang mga mahal ko sa buhay. "Pagod na pagod na akong mahalin ka, utang na loob wag mo na akong pahirapan!"


"It was never my intention to hurt you Ella." Mahinang saad niya. I saw how his emotion suddenly shifted, but he remained standing in front of me. "I did that to protect you! To get you to safety!"


"But the pain you caused me is unforgivable, pinaniwala mo ako sa isang kasinungalingan." Naiiyak na saad ko, "Dahil sayo namatayan ako ng magulang, namatay si Lolo." paninisi ko sa kanya nanatiling tahimik siya. I know I'm being unfair, pero it's better this way. "Dahil sa lintek na pagmamahal ko sayo naubos ako. I was left with nothing Incarnate, at ayaw ko maranasan ulit ang impyernong iyon. Dahil baka hindi ko na kayanin at baka ikamatay ko na!" I broke into tears.


"I know that you hate me so much, pero sana naman wag mo ipaako sa akin ang ganyang kabigat na kasalanan Daniella. Yes, I hurt you when I left you hanging down the aisle pero hindi ko kasalanan ang pagkamatay nila Lolo David. Dahil kung alam ko lang na mangyayari iyon iniwasan ko na." he said sadly. "We were just kids back then Ella, hindi ko alam paano I handle ang ganung klaseng sitwasyon." Hindi ako umimik, I remained silent. "Naubos ka ng mahalin ako? Inisip mo ba kung gaano kahirap ang ginawa kong pagsasakripisyo? Inisip mo ba gaano nakakabaliw ang mamili between your safety and marrying you?" umiiyak na saad niya. "Nasaktan din ako, at nasasaktan pa rin ako. I wish the world wasn't that cruel to us dahil kung naging mas mabait pa ang panahon masaya sana tayo ngayon kasama ang anak natin. Like a normal family." Pilit siyang ngumingiti para itago ang sakit na nararamdaman niya, I know him to well.


"We are not in a fairytale Incarnate, happy endings doesn't exist in reality." malamig na saad ko, tumutulo parin ang mga luha sa mga mata namin. "Please, leave my office." He sighed and smiled sadly.


"Maybe you're right. Happy endings doesn't exist, but my love for you does." Malungkot na saad niya. "I'm sorry for coming here unannounced, and I'm so sorry dahil kahit anong gawin ko hindi ko parin kayang hindi ka mahalin. Just let me love you, and maybe one day my heart will get tired eventually." Saad niya at lumabas, I locked the office door and cried my heart out.


We were happy back then, kung siguro hindi ko siya minahal hindi mangyayari sa amin ito. And we still be best of friends. Love can sometimes ruin you kahit gaano man kasaya ang pagsasama niyo dadating din ang araw na papait at mapapalitan ng masasakit na pagsasama.


The hardest part in loving is when you lose them. I lost everything because of love, my family and even myself. I want to forgive Incarnate but looking at him reminds me of my dark past that I badly want to forget. Nahihirapan akong patawarin siya dahil kahit ang sarili ko ay hindi ko magawang patawarin. How could I forgive him when I can't even forgave myself? Maybe time will come that every pain will eventually heal. And I'm still hoping for that day, getting rid of the trauma and negativity. When peace and love just prosper within my heart and soul. Someday.

HELLACIOUS VENGEANCEWhere stories live. Discover now