CHAPTER 25

15 2 0
                                    

Chase's POV

Nagising ako na masakit ang ulo at katawan. Hindi ko kwarto to ah. Ano ba kasi ang nangyari kagabi. All I remember was Night smiled when I sang. Natigil ako sa pag-iisip ng may kumatok.

"Pasok." mahinang saad ko. Nakita ko si Midnight na pumasok. Kulang ang salitang gulat sa ekspresyon ng mukha ko. May bitbit siyang pagkain.

"I brought you some food and medicine, alam ko na may hangover ka kasi naparami inom mo kagabi." seryosong saad niya. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Para kaming mag-asawa.. You're making me fall for you harder Midnight....

"Why are you grinning?" seryosong aniya niya. Umiling lang ako. Nilagay niya na Ang pagkain sa bedside table. "If you want to take a shower, andun na mga damit. Kay Tito Steven yan. Hindi niya pa nasusuot at my underwear nadin jan." Turo Niya sa couch. Tumango lang ako at lumabas na siya. Naubos ko yung hinanda niyang pagkain. At uminom nadin ako ng gamot para sa sakit sa ulo. Naligo nadin ako at nag toothbrush. Ang gwapo ko talaga, pwede na akong humarap sa baby ko. HAHAHAH. Bumaba ako sa kwarto at nakita ko si Tita Max na nakabihis at yung mga friends niya.

"You can stay here muna Chase. May business meeting pa kasi akong dadaluhan at kung gusto niyo gumala it's okay. Basta don't drive when you're drunk. Am I clear?" seryoso ngunit nakangiting aniya niya. Nakangiting tumango ako at niyakap si Tita.

"Ingat po kayo." paalam ko sakanila. Hinanap ng aking mata si Night. At nakita ko siya doon sa may gym. Pinagsusuntok niya ang punching bag. Tumatagaktak ang pawis sa kanyang katawan, seryoso din siya sa ginagawa. Naka basketball jersey shorts siya at naka white sando. Pero ang ganda niya paring tignan. Tumingin siya sa gawi ko.

" Good morning." nakangiting bati ko. At tumango lang siya at bumalik sa ginagawa. Pumunta ako sa kusina. Nakita ko na nagluluto si Alexis.

"Oi Chase. Kumain kana?" nakangiting tanong niya.

"Oo, hinatiran ako ng pagkain ni Night." nakangiting sagot ko na ikinagulat ni Alexis.

"Kaya pala maaga gumising yun. Himala at pinagluto ka. Ikaw pa lang pinagluto nun."umiiling na tukso nito. Napangiti ako at natawa. Kinikilig ako sa sinabi ni Alex.

"Talaga?" nagningning ang mga mata ko. At yun natawa na ang Alexis. Ngumuso nalang ako.

"Laugh trip ka talaga. HAHAHA pinagluto na kami nun. Minsan nga lang. Tamad kasi si Night. Kaya ako yung palagi sa kusina. HAHAHAHA" tawang tawa anas ni Alexis. Napakamot ako sa batok at ngumuso nalang. Narinig namin ang mahinang tikhim ni Night.

"Oh bossing kain na."tukso ni Alexis sa kaibigan. Hindi na umimik si Night at derechang umupo at nag sandok ng pagkain.  "Here's your coffee and maaghang na suka." nakangiting sabi ni Alex at nilagay sa tabi ni Night ang kape at suka. Nakakamay siyang kumain.

"Stop staring." inis na baling niya sakin. Napakamot ako sa leeg ko at ngumiti ng pagkatamis-tamis sa kanya. Narinig ko na naman ang tawa ni Alex. Psshhhh aga-aga naman high blood ni baby ko. Umalis ako sa kusina ng mag ring ang cellphone ko. Tito Lhorton.

"Yeah.... Andito ako kina Tita Max natulog. Naparami inom ko kagabi hindi ko na nga alam na andito ako eh...... Psshhhh ... Sige na Tito... Uuwi ako mamaya...... Pssshhhhh Bye."inis ko binaba ang cellphone. Napakahilig niya talaga manukso.

From: Trev
Hey dude, gala tayo. Boring sa bahay. 🥺

From: Vape
Mr. Bully, nagyaya si Reese....  Ano na?😎

From: Reve
Gala daw.🙂

Nag reply ako at sinabi ko andito ako kila Night. At sabi ko hindi ako makakasama dahil sosolohin ko si Night WAHAHAHAH. Nagulat ako ng may biglang tumikhim sa likod ko. Si baby pala.

"Sabi pala ni tita na dito na muna ako. Gusto niyo bang gumala?"nakangiting tanong ko. Umiling lang siya at pumunta sa Movie room. Sumunod si Alexis may bitbit na popcorn. Sumunod na din ako. Nanood sila ng Vampire Diaries.

"Maganda daw toh. Usap-usapan sa Twitter eh." excited na saad ni Alex. Nanood lang kami ng may pumasok na katulong sa Movie Room.

"May mga bisita po kayo sa labas ma'am."nakayukong saad nito.

"Midnight nalang po. Papasukin mo nalang."seryoso ngunit nakangiting sabi niya. Nagpatuloy na kami sa pananonood ng marinig namin ang pamilyar na mga boses.

"Good morning everyone."malakas na saad ni Vape. Aiisshh bat andito ang mga toh. Tiningnan ko sila ng masama. "Hep... Bago ka magalit. Sabi mo kasi hindi ka sasama sa amin, kaya kami nalang pumunta dito. We brought tequila and beer. Nabitin ako sa inuman kahapon eh. Okay lang naman yun dibah Night?"nakangiting sabi niya. Tumango lang si Night.

"Kukuha na muna kami ng mga baso at pambara."saad ni Alexis. Lumabas sila ni Night papunta kusina. Isa isa ko silang binatukan.

"Aray" sabay nilang reklamo.

"Sabi ko dibah. Sosolohin ko si Night! Panira naman kayo ng diskarte."inis ko silang sininghalan. Tumawa lang si Vape.

"Yaan mo na dre. Sa ibang araw ka nalang mag pakitang gilas HAHAHA" ani ni Reve. Inis akong umupo sa isang couch at ngumuso. Dumating sila Night at tumabi sakin kaya napalitan Ng ngiti Ang mukha ko.

"Don't drink. Uminom ka ng gamot dibah, bawal yun."seryosong saad niya sakin. Kinilig naman ako at tumango. Kumain lang ako ng chips at sila nag inuman. Ayaw ko magalit baby ko kaya hindi na muna ako iinom... Be a good boy Chase hihihihi. Nakita ko siya seryosong umiinom ng beer. Pumasok uli ang katulong dahil may naghahanap kay Night. Inutusan niya itong papasukin yung naghahanap at laking gulat namin ng makita ang kuya ni Alexis na ex ng baby ko. May bitbit itong dalawang paper bag at isang bouquet na tulips. Nakita ko na tinutukso ni Alex ang kuya niya. Nangunot ang noo ni Night. Dahil sa inis kinuha ko ang tequila at nag salin sa baso. Bago ko paman mainom yun nagsalita na si Night.

"I said don't drink."seryosong pigil niya sakin. Bumuntong hininga nalang ako at lumabas sa movie room. Nawala na yung kilig dahil napalitan na ng selos. Shetams naman andaming panira ng moment.

HELLACIOUS VENGEANCEWhere stories live. Discover now