CHAPTER 43

24 3 2
                                    

Midnight's POV

Dumirecho ako sa mansion, pag pasok ko sinalubong agad ako ni Alexis....

"What the f**k Night! Saan ka ba nagsusuot!?"inis na tanong niya. Tinapik ko lang siya at dumirecho na sa kwarto ko. Wala ako sa mood makipagtalo, may tama pa ako ng alak. 

Naligo na ako at nag bihis ng pangtulog ko. At natulog na.

Kinabukasan.......

Medyo late na ako nagising kaya naligo na agad ako at nag sepilyo. Kinuha ko na ang susuotin ko tas nagbihis. Lumabas ako ng kwarto at dumirecho sa kusina. Nakita ko sila Mama, Tito Steven, mga kaibigan nito at si Alexis. Hindi ko sila pinansin, kumain nalang ako. Tanging mga kutsara lang ang maririnig mo sa loob ng dining room. Binasag ni Mama ang katahimikan.

"You're driving while drunk again, Lenzey." mahina ngunit may diing saad ni Mama. Tinapunan ko siya ng tingin at nag patuloy sa pagkain.. " Alexis said you didn't attend your afternoon class. Why is that?"seryosong tanong niya.

"Do I really have to report everything to you?"sarkastikong tanong ko. Nakita ko nag angat siya ng tingin gayun din ang ibang naroroon. "Look, I'm used to being like this. And I won't change for anyone. Kung ayaw niyo sa ugali ko, wala akong pakialam."seryosong saad ko. "Again, thank you for ruining my peaceful breakfast."saad ko at tumayo. Umalis na ako doon at dumirecho na sa garahe para kunin ang motor ko. Pumunta na ako sa skwelahan.

Pinarada ko ang motor ko at bago pumasok humithit muna ako ng yosi. Sisindihan ko na sana ang pangalawa kong yosi ng may umagaw dito.

"Tangina!"bulyaw ko tiningnan kung sino ang umagaw. Tyler?

"Hi beautiful."nakangiting saad nito. "Dito ka pala nag aaral? Hmm nice...." saad niya napailing lang ako. Naglakad na ako papuntang classroom, ng maramdaman ko na sumunod siya. Lumingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Hehehe, I just want to ask kung saan tong section na to." napapahiyang tanong niya. Pinakita niya ang schedule niya.....

"Sumabay ka na." tipid kong sagot... Nakita ko naman nagliwanag ang mukha niya. Kinukulit ako ni Tyler habang naglalakad, tanong ng tanong kung anong section ko daw. At Anong year  kainis apaka ingay nito ansarap nila iuntog ni Alexis.  Naglakad kami at may nagbubulungan na namang mga inutil at walang magawa sa buhay kundi mang chismis kaasar.. "Quit staring will you!?"bulyaw ko. Agad sila nag iwas ng tingin. Narinig ko pag bungisngis nitong si Tyler.... Huminto na kami sa classroom namin.

"Ibig sabihin ba nito ay mag ka klase tayo beautiful?" excited niyang tanong.... Tumango lang ako bilang sagot, pumasok ako at napansin ko agad ang matalis na mata ni Chase.

"Good morning Night."bati ni Vape at Reese. Tumango lang ako at umupo na sa pwesto ko. Nagulat ako ng tumabi sakin si Tyler. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat, bakit ba ang kulit ng lahi nitong ugok nato.

"Vacant ba to?" nahihiyang tanong niya. Hindi ako nakasagot ng tumikhim si Alexis sa may tabi.

"That's my seat Mr. whoever you are."sarkastikong saad niya. "Tangina Santillan! Bat mo ko iniwan." reklamo ni Alexis. Tumayo si Tyler at nag sorry kay Alexis.  Tinanguan lang siya ni Alex at pumwesto nalang siya sa likuran ko bakante kasi yun. Tumingin ako sa gawi ni Chase, hindi niya parin ako pinapansin. Aba't bahala siya sa buhay niya. Siya ang biglang nambibintang jan eh. Napansin ko rin wala pa si New Girl... Hmmm sana hindi na siya pumasok, nakakawala siya ng mood. At baka hindi ko mapigilan ang sarili kong masapak siya o di kayang mapatay siya.

"Beautiful, sabay tayo lunch. Treat ko... Sige na, please." nakangusong saad nito. Tumingin si Alexis at tinaas ang isang kilay. Hindi ako nakasagot ng may biglang lumapit samin at nagsalita. Nilingon ko ang pamilyar na tinig ng seloso kung shota.

"Here." tipid na saad ni Chase at may binigay na paper bag sakin. Pag tingin ko ay adobo pala iyon. Tiningnan ko siya and he just sighed. Yumuko siya para halikan ako sa pisnge. " I can't join you at lunch. May basketball practice kami, kumain ka ng marami. "paalam niya. "Babe...?" saad niya. Tumango lang ako hinawakan niya ang kamay ko. "I love you."malambing niyang saad. At bumalik na sa upuan niya.

Narinig ko pang tinukso siya ni Vape. Binatukan niya lang ito kaya napangiti ako.

"Chase ngumiti na prinsesa mo."sigaw ni Alexis. Pinanlisikan ko siya ng mata. Nag peace sign lang siya at tumingin ako kay Chase nag flying kiss ito . Tumango lang ako kaya ayun ngiting tagumpay na naman siya. Hindi ko kayang magalit kay Chase, nainis lang ako pero hindi ako galit.





























HELLACIOUS VENGEANCEOnde histórias criam vida. Descubra agora