CHAPTER 39: NEW GIRL

14 4 0
                                    

Midnight's POV

I don't know, but my instincts tells me that the new girl can't be trusted. Pag tumitingin siya kay Chase ay parang matagal niya na itong kilala and that trigger my curiosity. Natapos ang pagdada ni Noah sa harap.

"I need to talk to you." singit niya sa klase. Napatingin naman sakin ang mga kaklase ko sakin including the new girl.

"Later, sa tagpuan." saad ko. Ngumiti siya at tuluyan ng lumabas.

Lumapit si Chase sakin.

"Babe, I invited her to join us."nakangiting saad nito. I frowned and then raised my eyebrows.

"Hindi mo siya kilala. Bakit iniimbitahan mo siya?"malamya kong tanong. Tumikhim sila Vape at natawa si Alexis. She knows I don't like this girl.

"Babe--" hindi natapos si Chase dahil sumingit ang new girl.

"It's okay Chase. Mauuna na-" hindi siya natapos dahil sumabat si Alexis.

"Don't mind her. You can join us, nagbibiro lang si Night. Dibah Night?" pinalakihan niya ako ng mata. Wala akong nagawa kundi tumango. Kinuha ko ang bag ko akmang kukunin ni Chase yun ngunit pinigilan ko siya at una nang lumabas papunta cafeteria.

Naiinis ako dahil inaasar ako ni Alexis. I know what she thinks. She thought I'm jealous, but I'm not. I just don't like the new girl. Umupo na ako sa pwesto namin. Naramdaman ko sila sa likod ko.

"Kami nalang ang oorder..."saad ni Reese at umalis sila. Naiwan kami nila Alexis at ang new girl.

"I know you don't like me." mahinang saad niya.

"I don't like anyone new. New girl....."sarkastikong saad ko at tumawa si Alexis. "Don't worry, I won't bite."dagdag ko. Humalakhak si Alexis nakita ko siyang umirap... Hmmm I need to provoke her to really know her. She's not a damsel in distress. She's just a good actress. Ngumisi ako. Nag excuse si Alexis dahil may tumawag sa kanya. " I like your acting skills" seryosong saad ko. Nakita ko ang pagtigas ng panga niya at paglalim ng kanyang paghinga.  Pinanlisikan niya ko ng tingin. I smiled devilishly.

"Matalino ka nga. I'll ruin your life.."bulong niya ngunit sakto lang para marinig ko.

"You're messing with the wrong person."seryosong saad ko. "And don't even try it NEW GIRL, you'll end up dead."banta ko.

"The food is here."rinig kong saad ni Chase. Agad nag iba ang awra niya. The devil became an angel.

"Chase, magkano?"nakangiting tanong niya. Tsk tsk...

"It's on me." Saad ni Chase. Nilapag ni Chase ang adobo sa harap ko. Nginitian ko siya. Nagsimula kaming kumain, nakita ko ang mga simpleng titig niya Kay Chase. This girl is such a great pretender.

"So, why did you transfer here?" seryosong tanong ko nakita ko natigilan ang mga kaibigan ko. And ramdam ko ang kaba niya. "Oh bat parang nakakita kayo ng multo?"sarkastikong tanong ko.. Peke silang tumawa.

"This is my dream university."tipid niyang sagot. Ngumiti ako sa kanya. Did she think I'll buy her crap? HAHAHHA

"Bakit ngayon mo pa naisipan pumasok? Bakit hindi noong kakasimula ng klase?"tanong ko ulit.

"Ahhh. I have errands to deal with." sagot niya. Ngumisi ako.

"Hmmm.... You can be a good actress, dibah Alexis?"saad ko.... Tumingin si Alexis sakin at binalingan niya ito ng tingin.

"Yeah. Maniwala ka kay Night. Napupuna niya ang mga kakaibang talento ng isang tao."sagot nito.

"Ahh. Thanks"naiilang niyang sagot.

"But an act can never fool me."seyosong saad ko. Natigilan siya at napatingin sakin sila Chase.... "What I mean is acting is never a reality, so I don't enjoy watching others pretend." nakangiting bawi. Nakita ko ang sunod sunod nitong pag lunok... Nakakatawa ang mukha niya.

"Salamat sa lunch.. Mauuna na ako." paalam niya.

"Leaving so soon?"pigil ko sa kanya. Tumingin siya sa sakin. "Hindi mo pa masyadong nagalaw ang pagkain mo, NEW GIRL." sarkastikong saad ko...

"May kukunin ako sa library.. See you around. Salamat ulit"pekeng ngiti niya. Umalis na siya at hindi narin ako umimik.

"I can sense that you don't like her." Puna ni Vape. Tiningnan ko siya at nginisihan.

"Alam mo, ayoko sa mga taong maraming tinatago. Lalong lalo na sa mga taong mapagkunyari."nakangising sagot ko. Napakamot si Chase sa batok niya.

"Give her a chance Babe. She seems nice." nakangiting suhestiyon niya. Tiningnan ko siya ng seryoso.. "Don't get me wrong. She looks so innocent and sweet." dagdag niya na ikinangisi ko.

"That's the point. She looks innocent but the way she acts hits different."sarkastikong sagot ko. "Don't worry,. I won't be harsh to the NEW GIRL. I'll be nice .."pigil inis na saad ko at kumain.

"Babe--" hindi ko na siya hinayaang makatapos dahil tumayo na ako at umalis. I was pissed, very pissed... Dumirecho ako sa rooftop at humithit ng yosi.

Nakita ko si NEW GIRL naglalakad patungo sa parking lot. Dali dali akong lumabas at sinundan siya patungo sa parking lot. Maingat akong naglakad para di niya ako mapansin... Nagulat ako ng may nag paputok ng baril. Natamaan ako sa braso, nakita ko siya... I think I was right all along.

"Well, if it isn't the NEW GIRL. "sarkastikong saad ko. Umiling iling ako.

"I could kill you, but I was told to ruin your life."inis na saad niya.

"Hindi ako namamatay sa isang bala lang." seryosong sagot ko.

"HAHAHAHA. Wag kang mag patawa." saad niya at dahil sa inis  lumapit ako  at sinakal siya. Nagulat ako ng hindi siya lumaban. At tinapon niya kung saan ang baril. Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Chase. Kaya binitawan ko siya sa pagkakasakal.

"Babe!?"tawag niya. "What the hell is wrong with you!?"sigaw niya. Nangunot ang noo ko. Imbis na sakin siya lumapit dumirecho siya sa pwesto ni Elena. "Are you okay?" bulong niya dito .

"O-okay lang ako."humikbing saad niya.

"What happened?" tanong ulit ni Chase. Hindi ako sumagot dahil sa pag iisip.

"I was just walking here, and then nagulat ako ng bigla niya akong sinakal." umiiyak na sumbong niya. "I didn't d-do anything t-to h-her.."pekeng utal na saad niya. What an actress.

"Night, what's going on? I know you have a short temper but hurting her without even a good reason... I think it's too much."disappointed niyang saad. I was... I was hurt. Chase really believed her crap... The f**k with that!!!  Nginisihan ko sila.

" You already believed in her. Why are you still asking me?"sarkastikong tanong ko. Akmang sasagot siya tinaas ko ang palad ko to stop him . " Don't bother Chase." malamig na saad ko at tuluyang umalis. Dumirecho ako kung saan nakaparada ang motor ko. Umalis ako at tumungo ng bar. My head is messed up and I want to kill that NEW GIRL...

HELLACIOUS VENGEANCEOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz