CHAPTER 31: THE TRUTH 2

15 2 0
                                    

Maxine's POV

Masakit... Napakasakit ng katawan ko. Magbabayad ang mga put*ng in*ng inutil na iyon sa ginawa sakin. Dahan- dahan ko minulat ang mga mata ko at namutla ako ng makitang magkayakap ang mag-ama.
"W-What are you doing here Incarnate?"namamaos na tanong ko....

"H-Hanggang kelan mo ba ako parurusahan? W-why didn't you tell me that you already found our daughter? G-Ganyan na ba kalaki ang galit mo s-sakin? S-Sinisikap kong intindihin ka Ella. Dahil mahal na mahal kita pero sa ganitong klaseng impormasyon parang sumobra ka na. Alam k-ko na  s-sinaktan kita, and I'm guilty of that. "mahinang tanong niya sakin. Nakita ko naguguluhan ang mukha ni Lenzey.. Sinulyapan ko ang mga kaibigan ko at malungkot silang nakatingin sa amin. "But I didn't regret that. At kung mauulit ang ganung pangyayari. Iiwan parin kita, you know why? Because I love you. And I can't afford to loose you. Literally loose you."malambing na saad niya.  "Binantaan ako noon Ella. Kung hindi kita iiwan ay mamamatay ka, may nakatutok na baril sayo. I have no other choice but to hurt you. I need to leave for you to live. Kelangan ko mag sakripisyo, hirap na hirap ako iwan ka. At napakasakit sakin makita kang umiiyak, I broke my promise because I hurted you again. "malungkot na hikbi niya.  Tumulo ang luha sa mga mata ko. "I know I'm a coward Ella. I know I'm nothing like Steven..... Pero sana bigyan mo ko ng karapatan malaman na natagpuan mo na ang anak natin. Okay na ko kahit yun na lang. I know that you regret loving me and I perfectly understand. But one thing I'm sure. That loving you was paradise, and even if I may look stupid. I'll continue loving you from afar."nakangiting saad niya ngunit kahit nakangiti makikita mo parin ang sakit at pagsisisi sa kanyang mukha. Pinahid ko ang sariling luha.

Alam ko Jie, naiintindihan kita at pinatawad na kita. Saad ko sa aking isip ngunit wala akong tibay ng loob para isantinig iyon. Nakita ko kung paano nag patuloy ang pag agos ng luha sa mata niya. 

"M-Mama? P-Papa?"naguguluhang tawag ng aming anak sa amin. Nakita ko nginitian siya ni Bonjie at hinalikan sa noo.

"I-Im so sorry at ngayon lang si P-Papa anak. I'm sorry for being irresponsible. I'm sorry f-for I am not a good father. I am so sorry..."sinserong paghingi niya ng tawad... Hinawakan siya ni Lenzey at nginitian.

"Hindi po kayo ang may kasalanan, hindi kayo ni Mama ang may sala. Hindi natin alam ang mangyayari sa hinaharap. Masaya po ako at hinanap niyo ako at masaya na ako na kumpleto tayo."seryosong sagot ng anak namin.

"Thank you princess. I am very happy to see you again."naluluhang saad nito. Tiningnan ko sila at hindi ko mapigilang ngumiti. If destiny wasn't to harsh on us maybe we will have a wonderful family.

May biglang pumasok sa room. Sila Nathalie pala. Nathalie, Lhorton, and Steven stood there looking intently at Bonjie. Nababasa ko ang selos sa mga mata ni Steven. I sighed at that sight. Ayaw ko siya nagseselos, I know I'm being unfair. Mahal ko si Steven pero aaminin ko na higit pa din ang nararamdaman ko kay Bonjie.

"I'm glad you're okay Max" nakangiting saad ni Nathalie.

"Happy to see you awake Max."saad ni Lhorton na pilyong nakangiti. Yumukod ito at tinanguan ko lang.

"I'm glad that you're awake hon." malambing na saad ni Steven at lumapit sakin at hinalikan ako sa harap nila. Nakita ko napaiwas ng tingin si Bonjie at nakita ko ang inis sa mukha ni Lenzey ng makita si Nathalie at Steven. Ilang araw lang akong tulog marami ng nagaganap.

"Lenzey we will discuss your behavior earlier."seryosong saad ni Steven. Nakita ko nangunot ang noo ni Bonjie at Lenzey. Mag ama nga sila.

"Don't use that tone to my daughter Thompson."banta ni Bonjie dito. Steven just smirked at him.

"It's my normal tone Incarnate."sarkastikong sagot nito. "Drake Saavedra is in the mansion, wala paring malay dahil sa ginawa mo."galit na saad niya sa anak ko. At doon ako nainis.

"Who gave you the permission to talk to my DAUGHTER that way Steven?" malamig na tanong ko. Nakita ko umiba ang awra niya.... "Ayaw ko ginaganyan mo ang anak ko. At wag mong hintayin na mainis ako sayo." banta ko sa kanya.....

"Well, you're daughter almost kill that Saavedra. And maybe you need to know that your daughter is one of the notorious gangsters in the Philippines. Are you familiar with Angels of Death? Your daughter is one of that two, she's Bloody Psycho and her friend Alexis is Bloody Mary." bored na saad nito. Nagulat ako sa nalaman.  "And gusto niya siya ang pumaslang sa organisasyon na kaaway natin Max. Pinigilan namin siya ngunit ayaw niya papigil at muntik na siyang mapahamak kanina!"bulyaw nito.

"Mapahamak? Are you blind or just plain stupid?" malamig na saad ni Lenzey kay Steven. Nakita ko nagpipigil ng inis si Steven sa kanya. "Nakita mo na duguan si Saavedra sa harap ko and you even said I almost killed him. And then you're saying that muntik akong mapahamak!? Nagpapatawa ka ba?" sarkastikong dagdag nito..... "And like what you said I'm Bloody Psycho, and Bloody psycho loves to see blood." mahinahon ngunit may diing saad niya..... Magsasalita pa sana sila ng itaas ko ang palad ko tanda na gusto ko sila tumahimik...

" Lenzey I know you only wanted to help. But this is not your fight, it's mine. At ayoko mapahamak ka kaya wag ka makialam sa gulong ito. Maliwanag?" seryosong saad ko. Nakita ko dumaan ang sakit sa mata ng anak ko.

"Unbelievable!" pekeng tawa niya. "I'll finished what I started Mama, and you can't stop me from doing that." seryosong saad niya at derechang lumabas.

"Uuwi na tayo. Nathalie Ikaw na ang bahala sa hospital bills. Tara na."malamig na saad ko. Tumango na sila. Binigyan ako ni Rhealene ng damit at nagbihis ako sa CR. Nagaalala ako sa anak ko.

"The car is ready." seryosong saad ni Lhorton. Tumango lang ako. "Chase umuwi ka na." utos niya sa pamangkin.

"B-but Midnight--"hindi na natapos ang sasabihin niya dahil sumabat na ako.

"Kami na ang bahala sa kanya." seryosong saad ko. Nakita ko siyang bahagyang natigilan at tumango nalang. Nauna na siyang lumabas....

"I want to meet that Drake Saavedra." seryosong sabi ko.

"He's in the mansion. Nakatali at nakakadena ang mga paa." sagot ni Steven. Tumango lang ako at lumabas na kami.

HELLACIOUS VENGEANCEWhere stories live. Discover now