Chapter 29

12 2 1
                                    

A/n:

Hope you enjoy reading ❤️. Sorry for the short update.... I'll try to update more often..... Mwuah God bless 💓

Chase's POV

I received a text message from Tito Lhorton.

From : Tito Lhorton

Midnight need you.

Hindi na ako nag reply at dali daling nagbihis at sumakay sa sasakyan papunta sa bahay nila Night. What happened to my future wife? Okay lang kaya siya. Bakit ganun nalang si Tito kung mag text. Pag karating ko ay pumasok agad ako sa mansion. Hindi pa nila ako napapansin. Pinapagalitan ni Mr. Velasquez si Night. Tsk!

"What did you say?"malamig na tanong nito. "Selfish? I'm selfish? Sa lahat ng tao hindi ko lubos akalain na kaya mo kong pagsalitaan ng ganyan Noah." bakas sa tono niya ang hinanakit. "Kilala mo ko at alam mo kung ano ang prinsipyo ko. Alam mo kung paano ako kumilos Noah. And yet you still called me selfish!"  matigas na bulyaw niya. "Pare-pareho kayong lahat, kung selfish ako, ano naman ang maitatawag sa inyo? I'm doing this not for my self but for my mother! I'm doing this because I love her and I'm furious of everything!" How I hate seeing you cry baby. Bakit ba ganito ang nangyayari sa buhay mo. Bakit ang tapang tapang ng pagkatao mo. "Ang bababaw ng isip niyo! Sa ating lahat kayo ang hindi nakakaintindi! Sometimes learn to put yourself in others shoes for you to understand!" galit na bulyaw niya. Sunod-sunod pumatak ang mga luha sa mga mata ni Night. "Akala niyo ba madali sakin makita si Mama na walang malay? Akala niyo ba nakakatulog ako? Akala niyo ba hindi ako nasasaktan? Tangina! Durog na durog na ako. At hindi niyo iyon naiintindihan kasi hindi kayo ang anak na naghihintay na magising ang nanay niya!"umiiyak na sigaw niya. Hindi na ako nakatiis sa mga luha niya. Kaya sumagbat na ako.

"M-Midnight?"natigil sila ng marinig ang boses ko. Nakita ko tumingin sakin si Night, as if her eyes are telling me to go near her. Lumapit ako kay Night at niyakap ito. "Shhh... Everything will be alright...." malambing na saad ko, hinaplos ko ang buhok Niya. Humiwalay  ako ng yakap at pinunasan ang luha sa mata niya. Humarap si ako kina Tita. "Ako na po ang bahala kay Night. Lalabas na muna kami."paalam ko sa kanila at umalis na kami. Dinala ko siya sa sasakyan.

"Do you want to go somewhere?" mahinang tanong ko. Nakita ko pinunasan niya ang luha niya at humarap sakin. She sighed and smiled. Kahit ngumiti siya mababasa parin ang kalungkutan sa mga mata niya.

"Happy Bar. I want to unwind."mahinang sagot niya. Tinanguan ko lang siya at nag maneho na papunta doon.

Pagkarating namin sa bar umorder na agad siya ng maiinom. Hindi ako iinom dahil gusto ko siyang damayan at alam ko mag lalasing siya...


"I'm so tired of acting." malungkot na saad niya. Nakinig lang ako. "I'm tired of pretending that I'm okay, that I'm strong that I'm not hurting." saad niya at pekeng tumawa. "Tama naman sila na tao lang ako. Nasasaktan, nauubos, napapahamak, umiiyak at nadudurog. Pero, bakit hindi nila ako maintindihan? Bakit hindi nila ako kayang pagkatiwalaan?"seryosong tanong niya. Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin sa mga mata niya.

"Always remember that I'm here for you Night. Tandaan mo kahit hindi ka nila paniwalaan, andito ako na palaging maniniwala sayo. Kahit hindi ka nila maintindihan, andito ako na palaging iintindi sayo."nakangiting saad ko.  "Kakampi mo ako palagi Night. I will never turn my back on you."saad ko at niyakap siya.... Humiwalay na ako sa yakap at umupo sa harap niya. Inom parin siya ng inom, pero hindi na malungkot ang itsura niya. Medyo lumiwanag na...... Ang sarap isipin na magiging kami hanggang sa huli. Sana nga mahalin niya na ako eh para maipakita ko na ang lahat. Hindi ko maiwasang mapangiti sa naisip.


"Oh ano nginingiti mo jan?" baling niya sakin umiling lang ako. " Mapapagkamalan kang baliw sa ginagawa mo Echavez. Tsk tsk tsk ......" nangaasar na saad niya...

"Baliw sayo pwede ." balik tukso ko sa kanya. Nakita ko bumungisngis siya at umiling. Nagpatuloy lang siya sa pag inom. Hanggang sa may groupong lumapit sa pwesto namin.

"What a sweet scene." nakangising saad ni Drake. Nakita ko kung paano nawala ang mga ngiti ni Night at napalitan ng pagkaasar.

"Wag niyo akong simulan Saavedra. Hindi maganda ang takbo ng utak ko ngayon."mahina ngunit may diing banta ni Night. Tinawanan lang siya nila Drake.

"Bakit Santillan? Sinisisra ko ba ang date niyo? Hmmmm.... Boyfriend mo ba to si Echavez? Nice catch, seryosong aangat ka agad jan..... Kilala Ang mga Echavez dahil sa taglay na yaman at kapangyarihan ng mga ito. Kaya ma swerte ka at nagustuhan niya ang isang tulad mo..." nang-iinsultong saad niya. Nakita ko kinuyom ni Night ang mga kamay niya.

"Leave us Drake. Nakikiusap ako.... Wag kayo manggulo, tatawag ako ng pulis kung ayaw niyo parin tumigil." Pigil inis na saad ko.

"HAHAHAH... Wag mo akong tinatakot, Echavez... Dahil alam natin sa oras dumating ang mga parak hindi  kana humihinga ."nakangising sagot niya. "Gusto lang naman namin mag saya. At mag higanti narin, dahil matindi ang ginawang kasalan sakin ng syota mong barumbado!!" bulyaw niya. At kinwelyuhan si Night. Hindi umimik si Night. Matabang niyang tinapunan ng tingin si Drake. Hahakbang na sana ako papalapit ng hawakan at pigilan ako ng groupo ni Drake. Nagpupumiglas ako sa hawak nila.

"Wag mo siyang I damay dito Saavedra. Wag mong simutin ang natitira kong pasensiya. Dahil hindi mo gugustuhing masaksihan ang kaya kong gawin pag nagkataon."seryosong saad ni Night.

"HAHAHAHAHA"halakhak ni Drake. "Yun na nga Santillan. Gustong gusto ko malaman kung ano at saan ka dadalhin ng matinding galit." sagot niya at sinenyasan ang tao niya na may hawak sakin. Huli na Ng maintindihan ko ang punto niya dahil nasapak na ako. Napadaing ako sa natamo. Sasapakin pa ulit sana ako ng may humablot sa tao ni Drake. Nakita ko ang nakakatakot na mukha ni Night. Pag hablot Niya ay derecho niya itong binagyan ng sapak. Dumugo ang ilong nito.

HELLACIOUS VENGEANCEWhere stories live. Discover now