LABING DALAWA

32.9K 447 34
                                    


Chapter 12


Marahan akong nagmulat ng mga mata kahit nararamdaman ko ang bigat nito. Hindi pa ako tuluyang nakakamulat nang bumungad naman agad sa akin ang litrato kong napakalaki. I'm home... but why? Last time I check nasa El Paradiso ako.

Pilit akong bumangon para makaupo nang bigla akong nakaramdam nang pananakit ng ulo.

“Sh*t!” I hissed and irritability back at my bed.

Bakit parang binibiyak ang ulo ko sa sakit? Mamamatay na ba ako?

Mariin akong pumikit at inalala ang mga nangyari kagabi, kung paano at bakit ako napunta sa kwarto ko. At kung sobrang sakit ng ulo ko.

Bukod sa uminom akong mag-isa, at nakaubos ng hindi ko na mabilang na alak, wala na akong maalala. Bakit kasi ako uminom ng malala? Nakakainis.

Matapos ng ilang minutong pag-iisip, agad na kumumot ang noo ko nang maalala na parang nakita ko nga pala si Aiko kagabi doon. Siya kaya ang nag-uwi sa akin dito? Pero paano niya nalaman ang bahay ko?

Muli akong nagmulat ng mga mata at binaba ang tingin ko sa aking katawan. Ni hindi 'man lang niya ako binihisan?!

“Manang Diday!” sisigaw ko at naiiritang tiningnan ang sarili ko.

Ayaw na ayaw ko pa naman sa lahat iyong matutulog ako sa kama ko nang hindi pa nakakapag-shower or makapagpalit 'man lang ng suot kong damit na nanggaling sa labas. Paano kung mapunta lahat ng germs dito sa kama ko? Fvck!

Nagmadali akong bumangon kahit matindi pa rin ang sakit ng ulo ko. Mas lalo lang itong sasakit kung hihiga lang ako at mag-iisip.

Nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa kwarto ko. Napabuntong hininga ako at nagpipigil na magalit bago nilingon ang pinto.

Magsasalita na sana ako para pagalitan si Manang Diday nang hindi siya ang nagbukas ng pinto. Nanlaki ang mga mata ko at gulat sa nakita.

Anong ginagawa niya dito nang ganito kaaga?

“Natnat? What happened?”

Hindi ako makapagsalita at tiningnan lang siyang mabuti. He looks exhausted.

“Are you alright? Bakit ka sumisigaw?” Lumapit siya sa'kin at hinawakan ako sa magkabilang braso. Gumala pa ang mga mata niya na parang may hinahanap.

Nakatingin lang ako sa kan'ya nang nagtataka. Mas mukha pa siyang hindi okay kaysa sa'kin, tapos ako ang tinatanong niya.

“I'm fine.” Lumayo ako at ginalaw ang magkabilang braso ko para alisin ang pagkakahawak niya sa akin.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong nasa harap ko na siya. Nahihiya ako na natatakot na baka masktan ko ulit siya sa tuwing dumidikit siya sa akin.

“S-sigurado ka?” pagkukumpirma pa niya.

Hindi ko siya sinagot at binaba ang tingin sa mga kamay niyang tila hindi mapakali pagkatapos kong alisin ang pagkakahawak niya sa'kin. Hanggang sa tinago niya na lang ito sa bulsa niya.

Bahagya na lang akong umiling at sinawalang bahala ang mga nakita. It's not my place to make an issue. We're not a couple anymore.

Tumaas ang tingin ko at tiningnan siyang mabuti. “Bakit ka pala nandito?” tanong ko.

“I slept here,” tipid niyang sagot na isang malaking katanungan sa'kin.

“What? Where? Sa tabi ko ba?” I asked out of surprise. Tumingin ako sa kama ko at pilit na inalalang muli ang mga nangyari kagabi.

✔ || Midnight Mask Where stories live. Discover now