Chapter 3: Calypse

10 3 0
                                    

[Calypse pronounce as Ka-lip-se]

"Guys, pwede ba kayo ngayon? I found some small article titled Calypse pero kulang ang info na nandon. I need to travel to the country side," anas ko habang ini-scroll ang article na binanggit ko.

I really found one after I spend the whole night surfing the internet to seek but, it's only one article. Ta's ang nakalagay lamang ay isang lugar kung saan nandon daw ang sagot sa lahat lahat patungkol sa Calypse.

*sigh

"Beh, sensya na, gusto man kitang samahan kaso lang pinagbabantay ako ngayon ni mama sa bakery namin," saad ni Clara na ka-video call ko kasama yung dalawa.

"Eh? May bago bang tinapay na ginawa si Tita?", singit naman ni Gia na kumakain ng umagahan eh tinapay ang nasa isip. Di ba siya nabubusog sa kinakain niya? Tsk.

"Wala Gia, namimili pa lang si mama ng mga ingredients sa paggawa ng cupcakes," malamig na sambit ni Clara na parang inaasahan na ang sinabing iyon ni Gia.

—_____—

Haist.

"Ikaw Jake? Sasama ka?", I ask. He sigh.
Alam ko na ang kanyang sagot.

"Uuwi si Dad, gusto niya kaming mag-bonding," saad niya habang nag t-type sa kanyang laptop. He's excited that he's dad will coming back from states. Ayokong sirain ang bonding nilang mag-ama.

"Papalampasin kita pero pasabi naman kay Tito, yung pasalubong niya sa amin! Naghihintay kami~", pabiro kong sambit na ikinatawa niya.

"Yes naman, yung pasalubong namin!", segunda pa ni Gia.

Napailing na lamang ako sa kanilang tatlo.

*sigh

So, pano ba yan self. Mag-isa kang pupunta sa probinsiya.

"Ako Thela? Di mo ako tatanungin?", Gia asked, oo nga pala.

"Ikaw ma—",

"Hindi rin eh, sorry," she cut me off.

—_____—

Nagpatanong ka pa talaga.

Bwisit naman oh! Kinuha ko ang suot kong tsinelas at ipinakita sa kanya.

"Nakikita mo to?", I asked and Gia nodd.

"Pagdating ko galing sa probinsiya, mar-receive ito ng ulo mo," nagbabanta kong saad. Tumawa lamang ang dalawa.

"By the way Thela, saang probinsiya ka pupunta?", tanong ni Jake na ikinataas ng pag-asa ko na sasama siya,

"Bakit? Sasama ka?", I asked excitedly. Pero umiling siya.

*my hope is down again...

"I just asked, malay mo makasunod kami sa iyo, saan nga at ilang days ka doon?", he asked again.

I pout and look at the screen of my laptop.

"Quezon Province, at 3 days lang ako doon," sagot ko, napaangat naman ng tingin si Jake at napatango-tango. Then he stop and look at me. No, sa likod ko siya nakatingin.

I start to feel wierd. Anong meron sa likod ko at nakatingin silang tatlo doon? Don't tell me may multo dito? Nah, walang multo dito. Sinigurado iyon ni Papa bago niya binili ang condong ito.

Then Jake raise his hand and wave.

"H-hi po, Tito," he muttered in a nervous tone of voice.

Tito?

0______0

Dahan-dahan akong lumingon sa aking likod.

Shit!

Tale of the Forgotten Knight (Calypse Series #1)Where stories live. Discover now