Fine

78 6 1
                                    

ANGELO

SIMULA NOONG gabing 'yon, palagi nang nasa bahay si Savannah. Ganito siya noong mga bata pa kami kaya para sa akin, normal lang ito. Magkaibigan kami ni Savannah, at wala akong nakikitang malisya sa palagi niyang pagbisita. Kaya lang, hindi ko maiwasang mag-isip para sa mga iniisip ni Isla.

Hindi ko gusto ang nakikita niya sa amin ni Savannah. Ayaw kong isipin niya na may namamagitan sa amin, dahil ang totoo'y wala naman talaga. Ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko maidiretso sa kanya 'yon. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sa kanya na wala naman talaga.

"Sir, uhm, si... Ma'am Savannah po ba ang hinihintay n'yo kaya... wala pa rin kayong pinakikilala kina Sir Thomas at Ma'am Eliana hanggang ngayon?"

Hindi ako nakasagot nang tanungin niya 'yon. May dalawang rason kung bakit mas pinili kong manahimik kahit gustong-gusto kong sumagot.

Una, dahil ayaw kong magpatuloy ang nararamdaman niya para sa akin. Naisip ko na baka sa paraang ito, mapagtanto niya na wala siyang pag-asa, at hindi ako ang para sa kanya.

Pangalawa, ayaw kong pagbigyan ang kung ano mang nararamdaman ko para sa kanya. No'ng gabing 'yon, gustong-gusto kong magpaliwanag na walang namamagitan sa amin ni Savannah, at mali ang iniisip niya.

Hindi ko gusto ang pakiramdam na 'yon. Hindi ko gusto na parang obligado akong magpaliwanag, at gusto kong mapanatag siya.

Bakit ko siya papanatagin kung wala naman akong gusto sa kanya? Ano ngayon kung maisip niyang kami nga ni Savannah? Wala lang dapat sa akin 'yon. Hindi ko kailangang magpaliwanag at aluin siya dahil wala naman akong gusto sa kanya.

Kaya lang, pagkatapos ng gabing 'yon, hindi na ako nakatulog nang mahimbing. Hindi ako kumportable na may tumatakbo sa isipan niyang hindi naman totoo tungkol sa akin. Wala na nga lang akong pagkakataon na ayusin 'yon.

"So, are you free tomorrow?" tanong ni Savannah na hindi ko alam kung saan galing. Ano nga ulit ang pinag-uusapan namin?

Dumiin ang hawak ko sa manibela ng sasakyan. Magkalapit ang lokasyon ng pinagtatrabahuhan namin kaya nang magpasundo siya, pinagbigyan ko na.

Ang plano ko, ihahatid ko siya sa kanila para makapagpahinga na ako. Masyadong mabigat ang training namin ngayong araw kaya gustong-gusto ko na umuwi. Kaya lang, gusto ni Savannah na sabay kaming mag-lunch sa bahay. Tumutol ako roon ngunit dahil kinausap niya si Mama, wala na akong nagawa.

"Tomorrow is Sunday," puna ko dahil wala akong pasok niyan. Mas gusto kong magpahinga kaysa lumabas ng bahay.

"Kaya nga. Wala kang pasok, so wala akong nakikitang problema para hindi mo ako masamahan bukas."

"Ano ba ang mayroon bukas?"

Sandali siyang hindi umimik kaya napasulyap ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya at bahagyang nakataas ang kilay. Alam ko na kapag ganito ang itsura niya, tatarayan na niya ako.

"You're not listening." Humalukipkip siya at hinarap akong mabuti. Tinuon ko naman ang atensyon sa kalsada. "Akala mo ba hindi ko napapansin? Simula nang dumating ako, ganyan ka na."

Kumunot ang noo ko. "I don't know what you're talking about."

Tumawa siya na may halong panunuya. "I know, Terrence. Baka nalilimutan mong magkababata tayo?"

Hindi ako nagsalita dahil hindi ko siya maintindihan. Ano ba ang gusto niyang sabihin? Saan patungo ang usapang ito?

"Alright." Bumuntong-hininga siya at nilubayan na ako ng tingin. "May event kami bukas sa MOA, at gusto kong nandoon ka. First event ko 'yon, so I need you to be there."

Tango's UniformWhere stories live. Discover now