Focus

91 8 2
                                    

ANGELO

HINDI KO inasahan na may igugulo pa pala ang magulo kong isip! Ang masaklap, hindi lang utak ko ang nawindang sa nangyari. Sa simpleng ginawa at mga sinabi ni Isla, biglang hindi ko na maituwid ang sistema kong nabuhol nang matindi!

How can a girl like her do this to me? Sa mga salita pa lang niya, hindi ko na maiayos ang sarili ko. Kaya hindi n'yo aakalain kung ano na lang ang nangyari sa akin nang hawakan niya ako habang nagpapaliwanag!

Bakit nga ba kasi siya nagpapaliwanag na parang gustong patahanin ang galit ko? At bakit naman parang gustong-gusto ko ang nangyaring iyon? Ano, Angelo? Huwag mong sabihin na talagang bibigay ka sa nararamdaman mo?

Hindi ako nakatulog dahil sa gano'n kababaw na dahilan. Ilang araw na akong ganito, at habang tumatagal, lumalala talaga ang lahat!

"May lakad ka, Angelo?"

Hindi talaga puwedeng ganito ako. Hindi puwedeng sa bawat araw, si Isla ang iniisip ko. Dapat may gawin ako para mahinto na ang kahibangang ito!

"Don't mind him, Thomas!"

"Tinatanong ko lang ang anak natin, Eliana. Alas sais pa lang ng umaga kaya bakit parang ang aga naman kung may lakad siya ngayon. Wala naman siyang pasok."

"Talaga bang tinatanong mo 'yan? Of course ihahatid niya si Savannah sa work. Right, son?"

Pero paano? Saan ako mag-uumpisa? Saan ako mag-uumpisang ayusin ang binuo kong plano kung sa bawat pag-uusap namin, palagi akong bumabalik sa umpisa? Palagi kong nalilimutan kung ano talaga ang dapat kong gawin?

"Angelo, anak?"

Paano ko kukumbinsihin ang sarili kong huwag magpadala sa nararamdaman kung sa bawat araw na nakikita ko siya, parang gusto ko na lang kalimutan ang lahat at...

"Good morning po!"

Napasinghap ako nang marinig ang boses ni Isla na kalalabas lang ng kusina. May dala siyang isang pitsel ng tubig at isang baso na inabot niya kay Papa.

"Magandang umaga rin sa 'yo, Isla," nakangiting bati ni Papa bago pasadahan ng tingin ang suot na uniporme ni Isla. "Bakit nandito ka pa? Baka mahuli ka niyan sa pagpasok."

Mabuti na lang tinanong ni Papa ang gusto kong itanong. Ang alam ko kasi, alas sais pa lang nasa byahe na siya papuntang school. Ano pa ang ginagawa niya rito?

"Opo, papasok na rin ako. Tinulungan ko lang po sandali si Nana Myrna kasi hindi po makapapasok ngayon si Ate Maria. Wala po siyang katulong sa mga gawain."

Tumango si Papa bago kinuha ang baso at sinalinan iyon ng tubig. "Kung gano'n, ihahatid na kita sa eskuwelahan mo. Paalis na rin naman ako—"

"Thomas, baka ikaw naman ang mahuli niyan. Her school is out of the way. You can talk to Cesar or Ram instead para ikuha siya ng tricycle sa terminal."

Napatingin ako kay Mama dahil medyo hindi ko nagustuhan ang pagpigil niya kay Papa. Oo, walang masama sa gusto niyang mangyari, ngunit kung hindi makakaabala kay Papa ang paghatid kay Isla, bakit ayaw niya?

Sandaling natahimik si Papa na kinakunot ng noo ko. Bakit parang sasang-ayon siya kay Mama kung kanina lang ay ayos lang sa kanya na ihatid si Isla?

"Tama po si Ma'am Eliana," biglang sambit ni Isla sabay tingin kay Mama. Sunod niyang tiningnan ay ako ngunit sandali lang. Para ngang nagsisi pa siya na napatingin siya sa akin! "Malaking abala po kung ihahatid n'yo pa ako. At isa pa, hindi po ako mahuhuli. Alas otso pa naman po ang pasok ko. Sakto lang po 'yon."

"Hmm.." Hindi kumbinsido ang mukha ni Papa kaya bumaling siya sa akin. "Angelo, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naintindihan iyon. Anong tanong?

Tango's UniformTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon