Chapter 45: Goodbye and Hello

1.8M 45K 24.3K
                                    

Troy's Point of View


"DOUBLE CELEBRATION PALA 'to. Congrats!" singit ni Marky. "Anong masasabi mo, Troy? Hindi na pala single si Travis. So this means lahat tayo magkakaroon na ng sariling pamilya. Ang bilis ng panahon."

"I didn't see this coming. Congrats." Oo, hinding hindi ko nakita na mangyayari 'to. Hindi ko kayang ipaliwanag 'yong nararamdaman ko ngayon. I'm not happy, but I need to pretend that I am for my brother. "Masaya ako para sa inyo."

Nagkaroon ng katahimikan. Pati isip ko natahimik. What the hell is happening?

"May dumaan bang anghel? Ang tahimik n'yo eh," singit ni Jeydon. "Tara, inom pa tayo."

"Oo nga, magsaya lang tayo. Dapat masaya tayo!" sigaw ni Travis.

Uminom ulit kami.

Tiningnan ko si Tiffany at si Travis. Hindi ko alam kung kaya ko bang maging masaya para sa kapatid ko. Pakiramdam ko nasasaktan ako. Nalilito na naman ako.

Nagulat kaming lahat no'ng hinalikan ni Tiffany si Travis. Parang may kung anong kumurot sa puso ko. Alam ko nasaktan talaga ako. Anong ibig sabihin no'n? Mahal ko pa rin ba si Tiffany? After all these years? Mahal ko pa rin pala siya.

"Thank you for that, my soon-to-be wife. Cheers pa ulit!"

Bakit sa lahat ng lalaki na papakasalan niya ang kapatid ko pa? Gusto ba talaga akong pahirapan ni Tiffany? At bakit sa lahat ng babae na mamahalin ni Travis, si Tiffany pa. Alam naman niya kung gaano ko minahal no'n si Tiffany. Damn.

"Restroom lang ako," paalam ni Tiffany.

"Sasamahan na kita," sambit ni Travis.

I need to talk to her. Parang sasabog na 'yong dibdib ko. Kailangan kong sabihin sa kaniya kung ano talaga 'yong nararamdaman ko para sa kaniya. Kailangan kong sabibin kung hindi sasabog ako.

Uminom ulit ako pagkatapos pumunta ako sa restroom. Nakasalubong ko si Travis pero hindi niya kasama si Tiffany. Naghintay ako sa labas ng restroom. No'ng palabas na siya, hinila ko agad siya palabas. Gulat na gulat siya no'ng makita niya ako sa harap niya.

"Why didn't you tell me?" Nakaramdam na ako ng galit. "You should have told me!" Hindi ko na naiwasan na pagtaasan siya ng boses.

"Why should I tell you? Why do you need to know? It's not your business anyway," sagot niya at tumalikod siya sa 'kin. "Babalik na ako."

Hinila ko siya pabalik. Tiningnan ko siya. "I have all the right to know. I was once your man and he's my freaking brother!"

Lahat na ng emosyon nararamdam ko ngayon, isama mo pa 'yong alak na nainom ko kanina, parang sasabog na 'yong puso ko. Tinulak ko siya papunta sa pader at tiningnan ko ang mata niya.

"No'ng ikakasal ka na ba kay Jaycee, sinabi mo ba sa 'kin ha?! Nag-abala ka bang kausapin ako at sabihin 'yon sa 'kin, ha?! Hindi, 'di ba? Basta ka na lang nagpakasal. Hindi mo man lang ako hinintay! Basta mo na lang akong tinalikuran na hindi mo man lang pinaglaban! Kinalimutan mo na lang ako ng gano'n gano'n na lang! Ang sakit no'n Troy, eh! Ang sakit sakit na hanggang ngayon dala ko pa rin 'yong sakit!"

"Dahil siya 'yong nandiyan no'ng wala ka! Siya 'yong hindi nang-iwan sa 'kin kahit anong nangyari!" Hindi ko napigilang maiyak. "Siya 'yong nandiyan all along. Siya 'yong dapat na minamahal ko pero tangina talaga eh, ikaw pa rin 'yong nandito sa puso ko. Ikaw at ikaw pa rin 'yong hinahanap ko kahit na anong gawin ko. I still fucking love you, Tiffany!" Pinatong ko ang ulo ko sa mga balikat niya. I want her so badly and I know it's not fvcking right. "I still fucking love you."

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon