Prologue

209 33 19
                                    

꧁࿈Couh's POV࿈꧂

NAGKATINGINAN kami ni Mochel bago kami nagtungo sa kinaroroonan ng aming lola kung saan nakaupo siya sa isang patuya-tuyang bangko na gawa sa kahoy. Hindi kami sanay na nandito si lola at isa pa ay nakakatakot ang kaniyang awra dahil sa grumpy face niya. Humuhuni lang kasi ito palagi at minsan kapag ginawa niya yun ay tumataas ang balahibo ko.

"Guòlái."
("Come here.")

Nagkatinginan kami ni Moch bago sabay na sumagot sa lola naming intsik.

"Shì, A-ma."
("Yes, Lola.")

Kaagad namin kaming dalawa na umupo sa may tapat nito kung saan na may upuan din sa harapan. Matanda na si Lola. Hindi na siya halos makatayo at pagganselyo na lang kaniyang pinagkakaabalahan. Kulubot na rin ang kaniyang mukha at ang mahabang buhok nito ay kulay abo at naka-braid pa.

"Mga apo. A-ma has a zèngpǐn (present)."

"What is it A-ma?" tanong ni Moch kay lola.

"Kayo tanda pa sa aking story, hindi ba?"

"Yung pamana ng family natin, A-ma?" tanong ko.

"Shì."

She smilled at us weirdly. Nakakatakot talaga si lola. Bigla kasing nagtaasan ang mga balahibo ko. Pagkatapos ay nakita ko kaagad na kinuha niya ang isang maliit na kahon sa may tabi niya.

Ang kuwento ni A-ma sa amin ay kapag nag-wish daw kami ni Mochel at ilalagay ang ilang piraso ng aming mga buhok at itali saka ilalagay sa kahon at itago ay magkakatotoo raw ang aming hiling. Hiling na dapat ay napagkasunduan namin.

"Tanggapin niyong dalawa ito. Iyan aking regalo sa inyo para kayo ay mas magkadikit pa hanggang sa dulo."

"Is that even true, A-ma?" Moch asked.

"It is . . . At gumagana lang iyan sa magkakambal gaya ninyo."

"A-ma, na-try niyo na ba ito sa kakambal mo?" tanong ko.

Biglang nag-iba ang ekspresyon ni A-ma sa tanong ko. Matagal na akong takot sa kaniya. Si Moch naman ay hindi masyado. Nadadala pa niya ito sa pagtataray. Ako hindi. Hindi kasi ako katulad ni Moch na malakas ang loob.

"Shí, mahaba kuwento mga apo. Basta ito sa inyo na. Gawin niyo gusto riyan para kayo dikit, ha."

"Kailangan ba talaga namin ito gawin, A-ma?"

"Oo, Couh dahil 'yan pamana pa sa mga ninuno natin."

𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 ✅Where stories live. Discover now