✟ CHAPTER 1 ✟

191 27 36
                                    

꧁࿈Jessica's POV࿈꧂

THE make-up artist started to put a golden powders with subtle metallic flakes on my cheeks while she blended it. She use fluffy brush to distributes the color evenly. Then, she line my eyes with a flat brush and bronze shadow. Dinagdagan dagan niya ako ng mascara para ma-define pa ito. Last thing, she put a nude lip gloss on my lips.

Bigla akong napangiti nang makita ko ang aking mukha sa salamin. Nababagay naman ang kolerete na inilagay sa mukha ko. Ito na ang araw na pinakahihintay ko.

"Jessica," narinig ko ang boses ni Wendy sa gawing likod ko.

Nakita ko naman sa repleksyon ng salamin ang paglapit niya sa akin. Suot na rin niya ang kaniyang "Maid of honor gown" na kulay purple. Malapad ang kaniyang ngiti na abot na ang bibig nito sa kaniyang tainga. Para bang siya ang ikakasal dahil mas excited pa siya kaysa sa akin.

"Ang ganda-ganda mo insan," puri niya sa akin, mga sampung beses na.

"Kanina ka pa, Wendy," saway ko.

"Truth, naman iyon, insan." While she twirls my fake curly hair.

"Stop it." Palo ko sa kamay niya.

Mahina siyang natawa sa aking ginawa at pagkuwan ay narinig ko ang tinig ni Aunty Wella sa may pintuan.

"We're going," usal niya.

Nilingon ko siya sabay ngiti sa kaniya. Lumapit siya sa akin at siya ring pagtayo ko sa aking kinauupuan.

UMALIS na kami sa bahay para pumunta sa simbahan para sa aming kasal ni Alexander. Limang buwan din naming inasikaso ang araw na ito.

Malakas ang pagtambol ng aking puso nang nakatayo na ako sa bunganga ng simbahan. Mahigpit kong hinawakan ang bouquet sa aking kamay para maibsan ang pangangatog ng aking tuhod. Nagsimula nang maglakad ang principal sponsor at nakatuon lang aking mata kay Alexander kung saan ay nagsimula ng umiiyak. Ang guwapo niya sa kaniyang itim na tuxedo. Naging mas matipuno rin siyang tingnan sa kaniyang hairstyle na naka-brush up hair.

Nagsimula na akong maglakad nang dahan-dahan, para akong lumulutang at hindi ko maintidihan na nararamdaman ko. Hindi ko na rin namalayang tumutulo na ang aking luha. Dala na rin siguro sa saya ng aking kalooban.

Nang marating ko ang kinaroroonan ni Xander ay kinuha na niya ang aking kamay. Humarap na kami sa altar. Tumingin sa akin si Alexander at pinahiran ang aking mga luha.

"Maganda ka pa rin kahit kumalat na ang make-up mo."

I pouted before I answer. "Ang sama mo."

"Yes, and I love you too," sagot niya.

"Silly." Mahinang hinampas ko siya.

Sabay kaming nakangiti at pagkatapos ay humarap na sa pari na magkakasal sa amin.

💀💀💀

NAKAUPO akong nakatingin sa isang malaking salamin habang nagsusuklay sa aking buhok. Hinihintay ko ang asawa ko na lumabas sa banyo para kami ay matulog. "Matutulog nga ba?" asik ng aking isipan.

Nandito kami sa Baguio, isa sa mga bahay-bakasyunan nila Xander. Dito kami magha-honeymoon. Suot ko ang isang sexy nighty-dress na kulay pula na bigay ng abnormal kong pinsan na si Wendy. Ayoko sana itong suutin dahil hindi ako komportable pero sige na lang para naman ito sa asawa ko.

Abala akong pinagmasdan ang aking sariling repleksyon sa salamin. Nang may naramdaman akong parang nakatingin sa akin sa may likuran kahit na wala naman akong nakita maski anino o bulto ng tao, napahinto ako saglit sa aking pagsusuklay. Nagsimula na rin akong kabahan kaya lumingon agad ako sa aking gawing likuran upang masigurado ko kung may tao sa loob gayong sarado naman ang aming pintuan. Namutawi ang aking nararamdaman nang marinig ko ang mga patak ng tubig galing sa banyo kung saan nandoon si Xander na naliligo.

𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 ✅Where stories live. Discover now