✟ CHAPTER 3 ✟

92 20 17
                                    

ISANG lumang carousel ang umikot-ikot na walang nakasakay ang natanaw ko sa hindi kalayuan. Nakita ko na itong carousel na ito. Ito yung carousel kung saan may naalala ako noong pumunta kami ni Xander sa E.K kaya nawalan ako nang malay.

Pinasyal ko ang aking mga mata sa magkabilang sulok pero itim lang ang paligid at ang carousel lamang ang nandirito.

Matitingkad ang mga ilaw nito na may kulay asul, berde, pula, at dilaw habang ito ay kumukutitap. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa carousel para hanapin ang batang kamukha ko nang bata pa ako. Oo, yung batang kamukha ko na may dalang maliit na kahon. Yung batang nasa Baguio rin . . . tama! Ganun pala yung mukha ko nung bata pa ako. Pero bakit ako nito ginagambala? Sino ba siya? Bakit hindi ko maalalang may kakambal ako?

Habang abala ako sa paghahanap ng tao sa lugar ay naisip kung dito masasagot ang lahat ng aking katanungan sa lugar na ito. Nilingon ko ang paligid kaliwa't kanan dahil wala akong makitang tao maliban sa akin.

Habang umiikot ang carousel ay nabigla ako nang biglang nagputukan ang maliliit na bombelya galing sa carousel dahilan para mapayuko ako upang hindi matamaan sa mukha galing sa nababasag na bombelya.

Narinig kung dahan-dahang huminto ang tunog sa pag-usad ang carousel habang nakapikit ang aking mga mata.

Hindi ko pa man din nabubuksan ang aking mga mata ay may nararamdaman akong may kung anong maliit na bagay sa aking mga kamay. Nakatayo na ako ngayon.

Marahan kong ibinuka ang aking mga mata para siyasatin ang mga pangyayari. Biglang nag-iba ang lokasyon. Para akong nilulunod sa dilim na lugar na ito.

Isang maliit sa bilog na puti lamang ang aking nakikita sa de-kalayuan at paligid ay nababalot ng kadiliman. Kinapa ko ang aking hawak habang nakatuon pa rin ang aking mga tingin sa maliit na liwanag na iyon. Ano itong nasa kamay ko? Nang kapahin ko ito ay parang isang maliit na kahon ito.

"Nasaan nang galing ang ito?"

Hindi ko mapigilang magtanong na para bang may sasagot sa akin.

Iginalaw ko ang aking mga daliri para hanapin ang pwedeng pagbuksan nito. Nang maramdaman ng aking hintuturo ang latch ay kaagad ko itong binuksan. Ipinasok ko ang aking kamay at kinuha ang laman nito. Madulas at buhol-buhol ang laman nito. Ramdam ko ang pagkunot ng aking noo ko ng magkaroon ako ng ideya kung ano ang nasa loob.

Buhok. Nilabas ko ito sa kahon at kinapa ko ulit ito at nakasigurado akong nakatali ang dalawang putol na pumpong ng buhok ito. Ano ito? Ano ang ibig sabihin ng buhok na ito?

Hindi pa man nasasagot ang katanungan sa aking nasaksihan ay biglang lumago ang liwanag sa harapan ko. Liwanag na may dalang usok na dahilan para kilabutan ako ng husto.

𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 ✅Where stories live. Discover now