✟ CHAPTER 16 ✟ (Alexander's POV)

30 9 0
                                    

Alexander's POV

MADILIM at masikip ang aking kinalalagyan ngayon. Halos hindi na ako makahinga dahil sa sikip. Ramdam na ramdam ko rin ang mga patak ng aking mga pawis galing sa aking sintido patungo sa akong ilong at bibig. Medyo nalasahan ko na ang maalat na tubig galing doon. Hindi ko makita ang kabuan dahil piniringan niya ang mata ko nung nakapasok na ako sa trunk.

Kung hindi ako makakalabas dito sa mahabang oras baka ay mawalan ako ng malay-tao dahil limitado lang ang nakukuha kong oxygen sa paghinga. Hindi pa ako masyado makagalaw dahil ang liit ng trunk ng sasakyan na ito.

Mahabang minuto ang umaandar ang sasakyan. Hindi na rin ako nag-attempt na gumawa ng ingay o magwala dahil masasayang lang ang lakas ko at baka mahimatay na nga ako.

Mayamaya ay tuluyan ngang huminto ang sasakyan at narinig ko ang pagbukas ng sasakyan. Hindi man lang ako nasilawan. Mukhang hindi kami huminto sa isang open space na makikita ang araw.

Naramdaman ko ang kamay na kumuha sa mga piring ko. Nakita ko si  Jessica o Mochel—pati ako naguguluhan na kong sino ang nasa harapan ko. Kung ang asawa ko ba ito o ang baliw na kapatid niya. Kung si Mochel talaga ito bakit ngayon lang siya nagpapakita? Nasaan na ang kapatid niya na ang asawa ko.

"Lumabas ka riyan!" sigaw niya sa akin.

Tinitigan ko siya ng masama. Kahit na gusto ko na talagang lumabas sa trunk na iyon ay nahihirapan pa rin ako sa sitwasyon ko.

"Lalabas ka ba o . . . " Sabay kuha niya sa may bulsa niya ang baril. Baril ko iyon, talagang nakita niya pa iyon. Biglang kumalabog ang puso ko dahil alam kong kaya niyang pumatay ng tao. Pinatay nga niya ang mga kasambahay sa aming tahanan. Itinutok niya ang baril patungo sa akin.

Nagpumilit akong tumayo kahit hindi ko talaga kayang balansehin ang sarili dahil sa maliit ang lugar at nakatali pa ang mga kamay at paa ko.

Nang tuluyan na akong makalabas ay tinulak niya ako paabante. Muntik pa nga akong matisod.

Nakatingin ako kaliwat-kanan sa destinasyon namin at nasa isang underground parking lot kami. Parang parking lot ito ng kompanya namin. Ano ang gagawin niya rito?

Gusto ko siyang tanungin ngunit naka-duct tape nga ang aking bibig. Kaya napalingon lang ako sa kaniya habang tulak-tulak  pa rim niya ako patungo sa isang elevator doon.

Pinindot niya yun at ilang segundo pa lang ay bumukas na ito.

Paakyat na kami at alam kong saan kami patungo dahil sa pinindot niya na floor. Floor 20, yun ay secret room lamang ng pamilya ko. Kami-kami lang pamilya ang nakakapasok dun. Bukod sa sekreto siya ay may face recognition ito na naka-install. Ako, si daddy at mommy lang nakarehistro. Alam ni Yca ang tungkol sa kuwartong yun. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Mochel.

Tumunog na ang elevetor at nasa destinasyon na kami. Itinulak niya ulit ako kaya natisod ako sa may bunganga ng elevator. Hinila naman niya ako na parang pusa patungo sa loob ng malaking kuwarto na naroon. Pagkapasok namin doon ay nakaupo lamang ako sa sahig na may malaking fur mat doon.

T'saka kumuha ang baliw na babae sa harapan ko ng cellphone. Itinapat niya sa mukha ko at saka nag-open ang cellphone ko. Kinuha niya na rin ang duct tape sa bibig ko.

"Kung gusto mo akong patayin, Mochel ay sabihin mo muna kung ano ang ginawa mo sa asawa ko?"

Ngumisi ito sa unang tugon ko, "At ang kapatid ko pa talaga ang una mong iniisip, Alexander? Ganoon mo ba ka love ang kapatid ko?"

"Baliw ka Mochel, dapat ay namatay ka na lang talaga!"

"Sssh, be quite tatawagan ko ang may gawa sa akin nito."

𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 ✅Where stories live. Discover now