✟ CHAPTER 2 ✟

94 24 17
                                    

Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi at tinabig ko ang kaniyang kamay sa pagkahawak niya sa aking braso. Iba ang nararamdaman ko sa caretaker. Nakakatakot siya. Tiningnan ko siya na parang may mga nagbabagang apoy ang aking mga mata.

Nasa six feet siya at payat na lalaki dahil sa kapayatan nito ay parang kuba na siya tingnan. May sumbrero sa ulo palagi na parang banig at matalim kung tumingin ng tao.

"I-I'm sorry, Ma'am. P-paalala lang po ito para sa kaligtasan niyo po." nauutal na sabi ni Mang Ricardo.

Inilagay ko ang mga bitbit kong dala sa lupa at nagsimulang tugunin ang mga sinasabi ng matanda. "Bakit mo sinasabi sa akin iyan, Manong?"

Iling lang sa ulo niya ang kanyang sagot sa akin. At saka niya dinampot ang mga supot sa lupa na inilatag ko kanina lamang. "Dadalhin ko na po ito sa loob, Ma'am Yca. Kalimutan niyo na lang po ang sinabi ko."

Hindi pa man din ako nakasagot sa sinabi niya ay nagsimula na siyang maglakad patungo sa bahay.

Naiwan niya akong tulala dahil sa sinabi niya. Hindi agad ako nakapag-isip agad-agad kung ano ang itatanong ko. Kailangan ko malaman ang mga babalang natangap ko ngayong araw. Hindi maaring ganun na lang. Marami na ang nangyari, dinagdagan niya pa.

Sinundan ko siya kaagad sa paglalakad; isang pulgada ang layo niya sa akin para tanungin siya. Ngunit-para makuha ko ang kaniyang atensyon ay iniba ko ang tanong. "Manong Ricardo, bakit ho siya nakasunod sa akin? Bakit niyo po alam na may nakasunod sa akin? Sino ho, siya? Bakit ako?" sunod-sunod kong tanong. Patuloy lang siyang naglalakad na parang walang narinig.

Matagal ko ng alam na may gumagambala talaga sa akin. Yung babae sa panaginip ko. Kaya bakit alam ng caretaker na ito ang tungkol dun? O alam niya ba talaga ang tungkol dun? Pero-paano? Kailangan ko itong malaman.

Napahinto siya sa paglalakad kaya napahinto na rin ako. Tiningnan ko siya at nakita kong walang kurap siyang nakatitig sa kinatatayuan ni Alexander sa may pintuan kaya biglang napakunot ang noo ko. Nararamdaman kong may takot talaga siya sa asawa ko.

Lumingon siya sa akin. Nakita ko sa kaniyang mukha ang pagkabalisa. Bago pa man niya binuka ang bibig niya ay kitang-kita ko ang mata niyang parang nakatingin sa kinaroroonan ni Xander. Nang masigurado niya sigurong hindi pa lumalapit ang asawa ko na nakatanaw lang sa amin ay nagsalita na siya, "Mag-ingat ka, delikado ang buhay mo rito. Umuwi na kayo sa Maynila. Ginagambala mo siya!" halos pabulong niyang sigaw sa akin na parang ayaw niya may makarinig pa na iba sa amin.

Naramdaman ko mas kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Marami na akong nakikita, naririnig, at babala sa lugar na ito. Pero hindi pa rin malinaw ang kaniyang sinabi mas pinapagulo lang niya. Nadagdagan na naman ang isipin ko.

Habang pinoproseso pa rin ng aking utak ang sinabi niya ay nakaramdam ako ng malamig na hangin mula sa aking batok. Kaagad na nagtayuan ang mga balahibo at napahawak naman ako sa batok ko. At nung nabaling naman ako kay Mang Ricardo ay nakita ko siyang na nakamaang ang bibig habang dahan-dahan niyang naihuhulog ang bitbit niyang dalang mga plastic bag. Para siyang nakakita ng multo galing sa 'king likod. Maya-maya't ay bigla itong kumaripas nang takbo palayo sa akin. Naiwan ako sa aking kinakatayuan.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. At dahil sa pagtakbo ng caretaker at nasa direksyon ako ni Xander nakaharap. Nakatitig rin siya sa kinaroroonan ko.

Mayamaya ay tumakbo na ito sa kinaroroonan ko.

Habang nakikita ko siyang patakbo sa kinaroroonan ko ay iniexamin ko ang mukha nito. Bakas naman ang kaniyang pag-alala.

Siguro ay tama nga ang hinala ko. Palagay ko yung nagpakita sa akin kahapon ay karugtong sa mga panaginip ko. Siguro ay may kuneksyon ang pamilya ni Xander sa multo o hindi kaya ay may kinalamanan sila? Or worst ay baka si Xander ay masamang tao na-baka may pinatay siyang tao at alam yun ng caretaker.

𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon