✟ CHAPTER 17 ✟

30 9 2
                                    


Jessica's POV

NANGINGINIG ang aking mga kamay habang nakatingin sa hawak kong ballpen na nabalot ng sariwang dugo. Napalingon ako sa aking asawang walang buhay. Pinaslang ko siya!

Nanginginig akong tiningnan ulit ang ballpen sa kamay ko at hinulog ko ito sa sahig at napatakip sa aking bibig. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Halos hindi ko maigalaw ang aking katawan dahil sa panginginig.

Totoong gusto kong patayin si Alexander pero wala akong maalala sa nangyari. Huli kong naalala ay doon sa kuwarto namin ni Xander. Pero sigurado akong ako ang pumatay sa kanila dahil ballpen na nakita ko sa kamay ko.

Hindi ko namalayang napaatras ako at sumandal sa pader. Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa nangyari at napasigaw ako sa galit. Bigla kong naramdaman ang mga luhang pumatak sa aking mga mata. Luhang kay pait at habang naluluha ako ay natatawa ako.

Natatawa ako dahil sa nangyari. May mga alaala akong naalala ako habang nagwawala ang sarili ko sa galit, inis, saya, at hinapis. Feeling ko ay sinasaniban ako ni Mochel. Siya ang pumapatay pero hindi ko alam kung bakit masaya akong nawala ang mga taong iyon sa buhay ko.

Mukhang nasisiraan na talaga ako ng bait. Napalakas ang aking pagtawa habang tumutulo ang aking mga luha. Tawa na parang pagbubunyi at nasisiyahan sa lahat ng nangyari.

Mayamya ay  napalingon ako nang marinig ko ang mga yapak. Nang tumingala ako ay sunod-sunod na mga pulis ang pumasok sa loob.. Nginitian ko lang sila at hindi pa rin tumigil sa pagtawa. Kaagad nila akong dinampot at pinusasan.

Mga agik-ik na lang ang maririnig mula sa bibig ko habang nakasakay kami sa elevator. Nang lumabas kami ay nakita ko ang iilang mga tao na naroon sa first floor. Maraming tao, ang iilan ay nagbubulungan at ang iba ay napatakip sa kanilang bibig.

Nahagip ng aking mata si Michael, na kitang-kita sa mga mata nito ang pagkaawa niya sa akin.

PAGDATING namin sa presinto ay kaagad nila akong ini-interview sa isang maliit na isang kuwarto na may isang malaking salamin. Isang pulis lang ang nasa loob at tinanong ako ng kung anu-ano. Ngunit wala silang masyadong mahihita sa akin dahil blanko lang ako. Ayoko sumagot, mas mabuti nang hindi dahil hindi ko naman kayang tanggapin sa sarili ko na napatay ko ang mga taong yun.

PAGKARAAN ng tatlong araw ay ibinalik nila ako sa mental institution. Pero iba na ngayon, nasa malinis na facility na ako at hindi na seldang iyon na marumi. Mas mabuti na rin sa akin na narito ako kaysa sa labas ng mental. Wala na akong mauuwian kung makalabas man ako. At sigurado rin akong hindi na ako magkakaroon ng trabaho dahil sino ba naman ang tatanggap sa isang baliw na pumaslang sa pitong tao at higit pa.

Pati ako ay napaniwala ko na ang sariling baliw ako. Mabuti na lang at may progress ang pag-stay ko rito. Gusto ko rin namang mamuhay ng normal.

Medyo boring lang nga lang sa institution na ito dahil puro mga baliw ang kasamahan ko, syempre. Wala rin akong masyadong kaibigang nurse dahil medyo takot sila sa akin. Takot sila dahil sa nakaraan ko. Some called me as psychopath. Kahit na binababy nila ako gaya nang ginagawa nila sa ibang pasyente ay nahahalata ko pa rin ang kanilang panginginig dahil sa takot. Ayaw siguro nilang isunod ko sila.

Habang nakatanaw ako sa labas at nililibang ang mga mata sa mga dahon na nagsasayawan dahil sa preskong hangin galing sa isang puno ay may biglang kumalabit sa aking balikat kaya na napalingon ako. Nakita ko ang isang babae na suot ang puting bestida na may puting cap sa ulo nito. Ngumiti siya sa akin, gaya sa palagi nilang ginagawa sa pasyente rito sa loob.

"Yca, may bisita ka . . ."

Napakunot ang aking noo sa tugon niya. Wala na akong kilala na puwedeng bumisita sa akin dahil lahat sila ay wala na.

𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 ✅Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang