✟ CHAPTER 11 ✟

31 8 1
                                    

(NOTE: Kung nagtataka ka kung bakit biglang ang laki ng gap na nawala ay basahin muna ang isang special chapter na kung saan ay si Lukas ang naka-POV.)

DALAWANG linggo na ako na nandito sa bahay nina Kuya Lukas. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong naisip na solusyon para ituro ang kasalanang nagawa ni Alexander.

May nakuha ring illegal na doktor sina Kuya Lukas na nagpatuloy na kunin na lang ang natira ng batang nasa sinapupunan ko. Malaki ang ibinayad nila Kuya Lukas para hindi rin magsalita ang nag-raspa sa akin. Nangangako rin akong babayarin sila kapag naging okay na ang lahat. Mabuti na lang nariyan sila Kuya Lukas kung hindi ay patay na ako ngayon. Hindi pa rin ako okay ng mga tatlong araw buhat ng raspa pero bumibili naman ang mag-asawa ng gamot para inumin ko para maibsan ang sakit. At ayoko ko ring maging pabigat sa kanila. Kaya kahit papaano ay gumagawa pa rin ako sa mga gawain bahay.

Habang abala akong naghuhugas sa aming pinagkainan ay biglang may kumatok sa may pintuan. Kaagad akong nahinto at nagkatinginan kami ni Ate Sally. Hindi kami sumagot at saglit na huminto sa aming ginagawa para marinig ang boses ng nasa labas ng bahay.

Ako na ang lumapit at pinakinggan ng maaigi kung sino ang nasa labas pintuan. Nakahinga ako nang maluwag ng makilala ko ang boses sa labas. Isang mayuming magsalita: si Veronica. Pero kailangan ko pa ring ikumpima na siya nga ito kaya sinilip ko sa maliit na butas na nasa pintuan. Ang butas na yun singlaki lang ng isang butunes. Ay tama nga ako, si Nica nga ang nasa labas nakatayo.

Kaagad ko itong binuksan at nakita ko sa may kalsada ang Lola niya na nakasakay ng wheelchair.

"Anong ginagawa niyo rito, Nica?"

Hindi ko alam paano nila ako natuntun rito at bakit sila napunta rito pero masaya akong makita silang dalawa.

"Ate, tama nga ang sabi ni lola na nandito ka. . ." Sabay yakap niya sa akin.

"Paano niyo nalamang nandito ako, Nica?" tanong ko kay Veronica.

Lumingon muna si Veronica sa Lola niya na nakatanaw lang ito sa lupa. "Matagal ka ng hinahanap ni Lola, Ate. At, kahapon lamang bigla siyang nagsisigaw nang makita ang mukha mo sa balita. Kailangan ka raw niya makausap para sa importanteng bagay."

"Pero paanong nalaman ni Nana na nandito ako kina Kuya Lukas? Any anong importanteng bagay? "

"Hindi ko rin po alam. Isa lang palagi niyang sinasabi sa akin, Ate. Itong bahay niyo." Sabay duro niya sa bahay na katabi lang ng maliit na bungalow nina Kuya Lukas. "At, dagdag niya pa ay nasa kamay ka raw nina Kuya Lukas."

Lumingon ako sa loob para tingnan si Ate Sally, na kanina pang nakahawak sa aking damit. Parang ayaw niya akong palapitin kina Veronica. Mahina kong tinapik ang kaniyang balikat para siguraduhin sa kaniyang mababait naman sila Veronica.

Pagkatapos ay lumapit ako sa aking Nana. Nang nasa tapat na ako ng kaniyang inuupuan na wheelchair ay nakatungko akong nakaharap sa kaniya. Bigla niyang hinaplos ang aking mukha ng makita niya ako at nakitang may namumuong mga luha nito. Parang nasasabik siyang makita ako at may halong pag-alala ang mga mata nito.

"Nana, paano niyo po nalamang narito ako? At ano po ang gusto niyo pong sabihin sa akin?" nakatitig ako sa mga mata niya habang tinatanong ko siya.

"Si Mochel, Si Mochel ang may kagagawan ng lahat, anak . . ."

Nabigla ako sa kaniyang sinabi. Si Moch? Paanong si Moch, eh matagal ng patay ang kakambal ko? "Ano po ang ibig niyo pong sabihin, Nana? Matagal na pong patay ang kapatid ko," mahinahon kong sambit dito.

"Gusto ka niyang kunin, Couh . . ." halos pabulong na sagot ni Nana.

"Po? Pero, siya po ang tumutulong sa akin ng mga oras ng aking kagipitan. Siya ang nagturo sa akin na si Alexander ang pumatay sa kaniya at kinikilala kong kamag-anak."

𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 ✅Where stories live. Discover now