✟ CHAPTER 8 ✟

56 15 1
                                    

Nakatingin lamang si Alexander sa nabasag na baso sa sahig. Mahabang katahimikan ang namuo sa hapag-kainan. . .

Ilang segundo ay inayos ni Alexander ang kaniyang damit na para bang narumihan ito, bago siya umupo ulit sa kaniyang upuan. Kinuha niya ulit ang kaniyang kutsara at tinidor at nagsimula ulit sumubo. Nakaramdam ako ng inis sa kaniyang ginawa kaya umalis ako sa kaniyang harapan at umakyat sa aming kuwarto.

Halatang ayaw niyang pag-usapan ang tungkol dun. Siguro ay may kinalaman talaga siya sa pagkamatay ng aking kakambal.

Pabagsak kong isinarado ang pinto at nagtungo kaagad sa kama at umupo sa may gilid nito. I tried to came to my senses because of what happen. Hindi mapakali ang sarili ko.

Habang nagkukuyakoy ay napansin ko sa may gilid ng kama ang camera na dala-dala namin noong nag-honey moon kami sa Baguio. Something urge me to grab the camera. Kaya sinunod ko ang kutob ko.

Binuksan ko ito at nakita ko ang mga larawan noong kinasal kami. Hindi ko na maramdaman ang kilig at parang nabalot ako ng inis dahil may hinala akong may alam si Alexander tungkol sa namatay kong kapatid.

Kung hindi nila sasabihin sa akin ay gagawa ako nang paraan para malaman ko yun. Hindi puwedeng hindi magbabayad ang taong pumaslang sa kapatid ko. Kahit si Alexander—kaya ko siguro.

Habang nag-swi-swipe ako sa mga pictures at video ng camera ay bigla akong napahinto sa isang kuha no'ng nasa Baguio kami. Sa pagkakatanda ko ay kuha iyon ng isang binata roon na inutusan niyang kunan kami ng litrato. May naaninag kasi akong kakaiba sa larawan. May parang blurd na usok na hugis babaeng—na parang kamukha ko sa tabi ni Alexander. Bigla kong natapon ang camera sa sahig nang ma-confirm kong kamukha ko ang usok na nasa tabi ni Alexander.

Si Mochel iyon! Sigurado ako.

Napalingon ako nang pumasok si Xander sa loob ng kuwarto. Nakatitig ako sa kaniya habang siya ay nakatuon ang tingin sa basag na camera sa sahig. Tinakbo niya ito at kaaagad pinulot isa-isa.

"Ano bang problema mo? Bakit pati camera ay pinagdidiskithan mo," halatang galit na ang kaniyang boses.

Hindi ako umimik. Ayoko na magsalita dahil alam ko sa sariling galit ako sa kaniya. Inirapan ko siya at saka tumayo para layuan ko siya.

Ayaw ko makasama ang mamatay tao. Worst—kapatid ko pa ang pinatay. Not confirm but may kutob ako.

"Alam kong buntis ka kaya iniintindi lang kita pero huwag naman sana tayo umabot rito na itatapon o babasagin mo ang gamit nasa loob ng bahay. Alam mo namang malas ang mga iyan 'di ba." medyo mahinahon na niya itong sinabi sa akin.

Nangingit ang ngipin ko kaya hindi ako nakatiis at lumingon ulit at magtanong. "Xander, aminin mo sa akin? Kilala mo ba ang kapatid ko? Ang kambal ko?" hindi talaga ako matatahimik kapag wala akong sagot maririnig mula sa kaniya.

Iniksamin ko ang mukha niya. Biglang nag-iba ang awra niya. Cold look, kapag ganito ang mukha niya medyo natatakot na ako.

"Bakit kailangan mo pang malaman, eh okay naman tayo?" sagot niya.

Nilapag niya sa ibabaw ng drawer ang  basag na camera at binuksan ang unang baitang ng drawer. May kukunin yata siya.

"So, alam mo talaga tungkol sa kapatid ko? Nasaan na siya? Anong ginawa ng amain mo sa kapatid ko?"

Lalapitan ko na sana siya nang makita ko ang bagay na kinuha niya sa loob ng drawer. Naramdaman konang malakas na pagtambol ng puso ko habang binugahan niya ng hininga ang isang kwarenta'y singkong baril at pinunas niya ito sa damit.

Napaatras ako nang isang hakbang.

"Ano namang magagawa mo kapag nalaman mo ang katotohanan, Jessica?" tinitigan niya ako. Nakatutok ang baril niya sa may sahig.

𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 ✅Where stories live. Discover now