✟ CHAPTER 4 ✟

62 17 9
                                    

Hindi ko namalayang nakatulala ma pala akong nakatanaw sa malawak na kalsada sa harapan ng ospital. Maraming naglalaro sa aking isipan. Inisip ko pa kung ano ang dapat kong unang gawin para mahanap at masagot ang katanungan kong bakit ako minumulto. Matatahimik lang siguro siya kapag aalamin ko ang katotohanan sa likod ng kaniyang kamatayan.

Dalawang linggo akong nanatili sa ospital at ngayong araw na ako makakauwi.

Nakalapat ang aking likod sa isang sementong haligi ng ospital sa may labas. Habang nakatanaw lang sa mga taong dumadaan sa aking harapan. Naka-cross arm ako at ang iba ay nakita ko sa gilid ng aking mata na nakatingin sa akin dahil siguro sa benda na nasa ulo ko.

Hinihintay ko ang aking asawa kung saan kinuha niya ang mga kagamitan na naiwan pa sa aking kuwarto.

Biglang nabuhayan ang tulala kong isip nang may tumapik sa aking balikat. Nabigla ako . . . nagalaw ko kasi ang aking buong katawan na para bang nakainom ako ng ilang tasang kape dahil sa gulat. Mukhang naging phobia ko na yatang may humahawak sa akin, particularly sa balikat.

Lumingon ako at nakita ko ang aking butihing asawa na may bitbit na isang duffle bag. Yung gamit na naiwan sa kuwarto.

"Okay, ka lang ba? Para kang nakakita ng multo," halatang nagulat siya nang makita niyang nailundag ko ng mahina ang aking buong katawan sa kaniyang pagtapik.

Mapakla akong ngumiti sa kaniya. "Wala, mahal nagulat lang ako nang bahagya. Tara na?" anyaya ko sa kanya.

Pinalupot niya ang kanyang kaliwang kamay sa aking may bawyang habang ang kaliwa nito ay hawak ang maliit na duffle bag.

Nagtungo na kami sa kaniyang sasakyan. Inalalayan niya pa akong makapasok sa loob ng kotse. Nang makaupo na ako sa likod ng sasakyan ay nginitian ko siya at saka siya nagtungo sa driver set.

Hindi pa man pinaandar ni Xander ang sasakyan ay kinabit ko na ang seatbelt. Habang kinakabit ako ay may naamoy akong mabango sa loob ng kotse. Calming and soothing siyang amuyin. Alam na alam ko ang bango nito dahil paborito ko itong bulaklak.

Napaangat ako sa ulo ko at nakita kong nakangiting inaabot ng asawa ko ang isang pumpong ng Lavender.

Hindi ko mapigiling kiligin kaya napangiti rin ako, "Salamat, mahal," usal ko.

Nag-duck face lang siya at bumalik siya nang tingin sa manebela. Nakita ko sa salamin sa may tapat ang aking asawa na hindi mawala ang matatamis nitong ngiti.

Inamoy-amoy ko naman ang bulaklak habang sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan.

Pagkatapos kong amuyin ang bulaklak ay nilagay ko ito sa aking may hita at napansin ko kaagad ang isang maliit na card. Nakabitay ito sa plastic na nakapalibot sarosas na kung saan nabasa ko kung saang flowershop ito pinagbilhan.

Violet's Flowershop; ito ang pangalan ng tindahan. Ito rin yung tindahan kung saan pinagbilhan ko nung tinanong ako ni si Xander na maging girlfriend niya.

Napasinghap ako bigla nang maalala ko ang matanda sa flowershop.

Naalala kong nabangit niya sa akin ang pangalang Couh. I need to talk to her. Kailangan kong malaman ang katotohanan sa likod ng pangalan ni Couh. Baka kasi ako si Couh or baka iyong multo? O baka may kakambal talaga ako? Bakit kasi kamukha ko siya? Iyan ang mga tanong na hindi ko pa masagot.

Nabigla na lamang ako ng biglang huminto ang sasakyan dahilan maabante ang katawan ko sa harapan. Buti na lamang ay naka-seatbelt ako dahil kung hindi ay nabungo na ang aking ulo sa likod ng driver set. Kaya kailangan na kailangan talagang mag-seat belt lalo pa kung wala ka sa huwisyo palagi.

𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 ✅Where stories live. Discover now