1

37 6 1
                                    


Maraming typo at grammatical errors, at hindi edited ang mga chapters. Kung ayaw mong mag-isip, matakot, masindak at maguluhan. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo tumigil ka na sa pagbabasa dahil hindi para sayo ang istoryang ito. Huwag unahing basahin ang dulo, unahin sa pinakuna upang hindi kayo ma-spoil. Makakarating din tayo sa dulo mga mahal ko. Ngunit sa mga magbabasa ng istoyang ito, maraming salamat sa inyo lalong-lalo na sa aking mga steffers. Don't forget to leave a comment and vote this chapter. (^^)

- B C G

Vien's Pov:

"Class dismiss" saad ni miss Perez ng tuluyan ng tumunog ang bell.

Napatingin ako sa mga kaklase ko na nagsimula ng umalis habang nakikipagkuwentuhan sa kanilang mga kaibigan. Naiwan naman ako rito sa classroom habang inililigpit ang aking mga gamit.

Isinukbit ko na ang aking bag sa aking likuran ng tuluyan akong matapos sa aking ginagawa.

Lumabas ako ng aming room ng walang ginagawang anumang ingay, at tahimik lamang na tinahak ang daan patungo sa labas ng aming paaralan. 

Napatingin ako sa aking paligid, napakabilis naman ng ibang mga estudyante na umalis. Kaunti na lamang ang nakikita kong mga estudyante na palakad-lakad sa paligid. Maari na may mga bagay sila na kailangan pa na gawin, ngunit wala na akong pakialam pa roon.

Ngunit bigla akong napatigil sa aking ginagawang paglalakad. Napapikit na lamang ako bago ko maramdam ang pagliparan ng aking buhok dahil sa hangin na tumatama sa akin. Hindi ko man ninais na maramdaman ang mga nangyayari ngayon, ngunit nagsipagtaasan pa rin ang aking mga balahibo.

Hindi hangin ang may kagagawan nito dahil nasa loob pa rin ako ng paaralan. Ngunit ito ay nagmumula sa mga kaluluwa na paulit-ulit akong ginagambala.

Hindi ko alam kung kailan ako masasanay sa mga bagay na kanilang pinag-gagawa. Ngunit isinumpa ko sa aking sarili na kailanman ay hindi ko na sila papansinin. Ituturing ko sila bilang isang mga bagay at katauhan na kagagawan lamang ng aking isipan.

Nang ako ay makabawi sa mga pinagagagawa nila ay iminulat ko ng muli ang aking mga mata at itinuloy ang aking paglalakad palabas sa paaralan.

Hindi lingid sa aking kaalaman na pinagtitinginan na ako ng mga estudyante na andirito. Alam ko na iniisip nila na weirdo ako, ngunit...mas mabuti na iyon kaysa isipin nila na may sira ang ulo ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang itinagal ko sa aking mabagal na paglalakad, ngunit ngayon ay andito na ako sa labas ng aming paaralan at maghihintay na lamang ng masasakyan.

Napatingin ako sa kalangitan at doon ako kinilabutan sa hindi ko malamang kadahilanan. Madilim, nagbabadya ang isang napakalakas na ulan. Tila ang madilim na kalangitan ay may hindi magandang ipinahihiwatig. Ngunit hindi ko na lamang ito pagtutuunan pa ng pansin, dahil baka isa na naman itong kagagawan ng aking isipan.

Ibinababa ko na aking paningin ng akin nang maramdaman ang tuluyang pagbagsak ng emosyon ng kalangitan.

Umatras na lamang ako, upang sa gayon ay hindi ako mabasa ng ulan. Binalak ko ang kumuha ng payong sa aking bag, ngunit napatigil din ng aking maalala na wala nga pala akong dalang payong.

Napatingin ako sa ibang mga estudyante na kasama ko ngayon rito sa may waiting shed na naghihintay din ng kanilang mga masasakyan. Binuksan nila ang mga hawak nilang payong at upang sa gayon ay may pananggala sila sa pagtalsik ng ulan patungo sa kanila.

Hindi tumagal ay may dumating na isang jeep at dalawang tricycle na naging dahilan upang magsipag-unahan ang mga kasama ko rito na sumakay.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng aking panahon na makipagsiksikan sa kanila, lalo na't tila ayaw pa ng aking katawan na umuwi. Hindi ko alam kung bakit, ngunit tila may saltik ata ang aking katawan

Fake Words ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon