21

5 2 0
                                    

Maraming typo at grammatical errors, at hindi edited ang mga chapters. Kung ayaw mong mag-isip, matakot, masindak at maguluhan. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo tumigil ka na sa pagbabasa dahil hindi para sayo ang istoryang ito. Huwag unahing basahin ang dulo, unahin sa pinakuna upang hindi kayo ma-spoil. Makakarating din tayo sa dulo mga mahal ko. Ngunit sa mga magbabasa ng istoyang ito, maraming salamat sa inyo lalong-lalo na sa aking mga steffers. Don't forget to leave a comment and vote this chapter. (^^)

- B C G


Vien's Pov:
Hindi kami hinayaang pumasok sa loob ng kuwarto kung saan naroroon si Mikay kung kaya'y nanatili lamang kami rito sa labas.

Kailangan daw ang magulang o guardian ng pasiyente, kaya hindi namin alam ni Mira kung paano ba sila tatawagan. Kung paano ba sa kanila sasabihin na may nangyaring hindi maganda sa nag-iisa nilang anak.

Magkakasama pa rin kaming apat habang naghihintay sa waiting area, naghihintay sa posibleng sabihin ng Doctor.

Naka-upo lamang ako habang nasa malalim na pag-iisip ang aking utak, samantalang si Mira naman ay nakahihilo na dahil sa paglalakad nitong pabalik-balik na siyang pursigidong pinipigilan naman ni Kirk.

"Sabi ng nurse kailangan na raw ang guardian, hindi kasi sila puwedeng gumawa ng isang bagay ng walang pahintulot mula sa guardian."

Tumango-tango ako dahil sa sinabi ni Dylan at kalaunan ay napabuntong hininga na lamang.

Mukhang ipagpapaliban muna namin ang takot sa maaaring sabihin ng mga magulang ni Mikay dahil ang mas mahalaga sa mga oras na ito ay ang kaligtasan mismo ni MIkay.

Bago ko pa man tuluyang makuha sa aking bulsa ang aking telepono, upang tawagan sana sila tito at tita ay tuluyan ng lumabas ang Doctor mula sa kuwarto.

"Doc, how's my friend? Is there any severe damage?" Kinakabahang aniya ni Mira at napahawak na sa braso ng Doctor.

Tumingin ito kay Mira at tumingin sa amin bago muling tumingin kay Mira upang magsalita.

"Iha, kaano-ano mo ang pasyente?" tanong ng Doctor na naging sanhi upang tanggalin ni Mira ang pakakayapos niya rito at tumayo ng maayos.

"Friend po, don't worry po, we are about to call her parents."

Tumango ang Doctor bago kami isa-isahing tingan at magsalita.

"Well,  wala kayong dapat ipagalala dahil hindi severe ang kondisyon ng kaibigan ninyo. Mabuti na lamang at maagap niyo siyang nadala rito. Anyway go call her guardian, the patient need them here" Aniya bago tuluyang maglakad papalayo at iwan kami rito sa hallway.

"Ma-attitude ang loko," napailing na lang kami sa sinabi ni Kirk, mukhang masama nga ang timpla ng mukha ng Doctor.

"Vien, please call Mikay parents, I'm not brave enough to lie about what happened. Please," tumango ako at ngumiti na lamang sa sinabi ni Mira.

Alam ko, dapat may isang matapang sa magkakaibigan sa lahat ng oras, at ako 'yon.

Tumingin ako kay Kirk at kay Dylan bago tumango, senyas na pumasok na sila sa kuwarto ni Mikay at sila na ang bahala sa dalawa kong kaibigan.

Hindi rin naman ako lumayo pa at hinintay na lamang ang mga ito na pumasok sa loob bago kunin ang cellphone ko at hanapin sa contacts ang pangalan ng ina ni Mikay.

Huminga ako ng malalim ng magsimulang mag-ring ang telepono ko, pagkatapos ng ika-apat na ring ay tuluyan na itong sinagot ni tita Kyla, ang ina ni MIkay.

"Uhmm hello po tita," aniya ko.

Ewan ko pero hindi ako nakararamdam ng anumang kaba sa pagkakataong ito, nang malaman ko na maayos na ang kalagayan ni Mikay ay nawala ang pangamba ko.

Fake Words ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora