19

3 2 0
                                    


Maraming typo at grammatical errors, at hindi edited ang mga chapters. Kung ayaw mong mag-isip, matakot, masindak at maguluhan. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo tumigil ka na sa pagbabasa dahil hindi para sayo ang istoryang ito. Huwag unahing basahin ang dulo, unahin sa pinakuna upang hindi kayo ma-spoil. Makakarating din tayo sa dulo mga mahal ko. Ngunit sa mga magbabasa ng istoyang ito, maraming salamat sa inyo lalong-lalo na sa aking mga steffers. Don't forget to leave a comment and vote this chapter. (^^)

- B C G


Vien's Pov:
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makuha ng isipan ko ang mga narinig kahapon. Hindi ko mawari kung bakit may pagdududa pa rin sa akin kahit na nalaman naming si Mercedes ang maaaring mamamatay tao sa magkapatid.

Kahit na lumabas mismo ang mga salitang iyon sa labi ng kanilang ina ay hirap pa rin akong paniwalaan ito. Siguro ay dahil hindi ko matanggap na ang kaluluwang nagpapakita sa akin ay isa pa lang huwad at sinungaling.

"Vien, the bus is already here. Let's go." aniya ni Mira ng hindi ko na naman mamalayan na nariyan na pala ang bus na aming sasakyan.

Nang tuluyan na kaming mauppo sa bus ay ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa maramdaman ko na lamang ang pag-andar ng sasakyan.

Simula ng umalis kami kahapon sa home for the aged, hindi ako gaanong nagsasalita. Maging ang dalawa kong kasama kahapon ay ganoon din, magsasalita kung kinakailangan at hindi kung hindi naman.

Sa buong biyahe kahapon ay binalot kami ng katahimikan. Pagdating namin sa camp ay ang huling kanta na lamang nina Mikay ang aming naabutan. Laking pasalamat na lamang namin dahil wala sa aming nakapansin, dahil kung hindi baka pagbalik namin sa paaralan ay manatili kami sa detention room.

Ngunit dahil sa patuloy kong pagmamasid sa aking paligid may napansin ako sa aking kaibigan na si Mikay na hindi ko naman madalas mapansin.

Tuwing umaga babati iyan sa amin, kahit pa nasa malayo siya. Sa text, tawag at sa personal, kung alin ang pupuwede. Subalit wala siyang ginawa sa mga ito ngayon. Pagkasakay niya sa bus deretso siya upo, ni hindi man lamang niya kami nagawang tapunan ng pansin.

"Mira, mukhang may problema ata si Mikay. Naninibago ako, hindi man lamang umimik sa atin."

Hindi na ako nakatiis at tinanong ko na ang aking katabi sa aking napansin. Napatingin si Mira kay Mikay at kalaunan ay nagkibit balikat at sinagot ako habang nakatuon ang atensiyon sa kaniyang cellphone.

"Maybe she's tired or jealous to the two of us because we hang out more often. I don't know."

Hindi selosa si Mikay, maniniwala pa ako kung si Mira iyon. Pero si Mikay? Hindi. Pagod nga lamang siguro ang aming kaibigan dahil marami nga naman siyang ginawa sa tatlong araw na camp na iyon.

Paniguradong magsasabi naman iyan sa amin kung may problema pagkarating namin sa condo.

•••

"Vien, Mira. Uhmm, how do I start this?"

Pagkarating na pagkarating namin sa condo ay iyan kaagad ang itinuran ni Mikay. Hindi pa kami nakapag-aayos, hindi pa kami nakapagpaapahinga, nagsalita na kaagad si Mikay na naging dahilan upang magkatitigan kaming dalawa ni Mira.

Mukhang tama nga ang kutob ko, may problema, may problema si Mikay.

"Is there something wrong Mikay?" agarang tanong ni Mira at dali-daling tumabi kay Mikay na nakaupo sa sofa.

Wala na rin akong nagawa kundi ang kumuha ng isang upuan at ilagay ito sa kanilang harapan. Gusto kong makita ang reaksiyon ni Mikay sa mga salitang bibitiwan niya.

"I have a dream, a very bad dream. At sa tingin ko hindi lamang iyon isang panaginip, sa tingin ko ang napanaginipan ko ay hindi lamang isang panaginip, kundi isang babala."

Muli ay nagkatitigan kami ni Mira. Wala pa man ay nakararamdam na ako ng pagkabahala sa maaring sasabihin pa ni Mikay. Higit sa lahat lubusan akong nag-aalala para sa kaibigan ko.

"Mikay, sabihin mo sa amin. Sabihin mo sa amin ang panaginip mo. Sabihin mo sa amin ang mga babala sa panaginip mo."

Huminga ng malalim si Mikay habang si Mira ay nakaalalay naman sa kaniya dahil sa mga haka-haka namin na posibleng mangyari. Habang ako naririto, unti-unti ng nakararamdam ng t-takot.

"My dream is a warning, I know that. Sabi sa panaginip ko mag-ingat tayo, especially the two of you. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyong mag-ingat but in my dreams may dalawang kaluluwa ang nagnanais na matulungan. Ang isa ay nais matulungan dahil nais ng katahimikan, at ang isa ay nais matulungan para mas lalong makapaghasik ng lagim. N-natatakot ako."

Sa ikatloong pagkakataon ay nagkatinginan kami ni Mira at sa pagkakataong ito ay unti-unti ng inaalo ni Mira si Mikay dahil unti-unti ng lumalabas sa kaniyang mga maa ang isang mainot na likido. Habang ako heto, napapahilamos na lamang ng mukha, dahil pati ang kaibigan namin ay dinadamay na nila.

"Mikay I think this is the right time for you to know why me and Vien are always leaving you."

Wala kaming iba pa na mapagpipilian, maliban na lamang sa pagsabi kay Mikay ng buong katotohanan. Marapat na malaman niya ang totoo dahil walang may alam sa amin ni Mira kung ano ba ang posible pa na mangyari.

Kinakabahan ako, natatakot ako, nababahala ako. Hinayaan ko na si Mira ang magkuwento kay Mikay  ng lahat.

Ikinuwento lahat ni Mira. Lahat-lahat, walang labis, walang kulang.

"I don't know, wala akong kaalam-alam na may nangyayari na palang g-ganito. Mira, Vien, I'm afraid."

Kasabay ng muling pagtulo ng luha ni Mikay ay ang siyang pagtangis din ni Mira, habang ako ay pilit pinipigilan ang nagbabadyang pagtulo ng luha sa aking mga mata.

"Hindi ako tulad niyo na nakakakita ng mga kaluluwa, hindi ko alam kung paano ko p-protektahan ang sarili ko. Natatakot ako."

Parang batang nagrereklamo si Mikay sa kaniyang kalagayan. Umiiyak, nalilito, hindi na mawari pa kung ano ba ang marapat na kaniyang gawin.

"Shhhh, nandito ako. Nandito kami ni Mira, proprotektahan ka namin kahit ano pa ang mangyari." Kahit mamatay pa kami.

Subalit kasabay ng pagtigil ni Mikay sa kaniyang pag-iyak ay may napansin akong isang bagay. Isang bagay na marapat pala ay kanina ko pa napansin, isang bagay na magiging dahilan upang maging lima kami sa laban na ito.

"Mikay, ano 'to? Bakit may kulay pula?" tanong ko habang hawak ang isang recorder, voice recorder.

Nanlaki ang mga mata ng dalawa kong kaibigan at doon ay dali-daling tumakbo si Mikay sa direksiyon ko ay may pinindot na kung ano na naging dahilan upang mawala ang kulay pula rito.

"Sorry, recorder 'yon ni Dylan at naka-on. Sorry, mukhang narinig ni Dylan ang usapan natin. "

Napanganga ako sa sinabi ni Mikay ay dali-daling hinanap ang cellphone ko para tawagan si Dylan upang sabihin na huwag niyang ipagkakalat ang nalaman.

Maliban sa wala na naman akong mapagpipilan kundi ang isama si Dylan sa paghahanap ng katotohanan ay patuloy pa rin akong nakararamdam ng kaba para sa aming kaibigan.

Ayaw ko na baka isang araw ay ang pagdiskitahan ng mga kaluluwa ay ang kaibigan namin na wala naman ginagawa at walang kaalaam-alam sa mga nangyayari.

Plagiarism is a crime, punishable by law.
                                                 
-BCG-

All rights reserved 2022.



Fake Words ✓Where stories live. Discover now