24

4 2 0
                                    

Maraming typo at grammatical errors, at hindi edited ang mga chapters. Kung ayaw mong mag-isip, matakot, masindak at maguluhan. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo tumigil ka na sa pagbabasa dahil hindi para sayo ang istoryang ito. Huwag unahing basahin ang dulo, unahin sa pinakuna upang hindi kayo ma-spoil. Makakarating din tayo sa dulo mga mahal ko. Ngunit sa mga magbabasa ng istoyang ito, maraming salamat sa inyo lalong-lalo na sa aking mga steffers. Don't forget to leave a comment and vote this chapter. (^^)

- B C G


Vien's Pov:
Pagkabahala. Iyan ang tanging nararamdaman ko habang pabalik kami sa hospital.

Nagawa na namin, natapos na namin, pero bakit parang may mabigat na bagay ang nakapatong sa dibdib ko?

Kanina, habang prinoproseso namin ang pagpapalibing kay Mercedes, parang hindi tama. Hindi ko alam pero ng tuluyan nang mabensisyunan si Mercedes parang nagdududa ako sa ginawa namin.

Natulungan namin si Clara sa pamamagitan ng pagpapabensisyon sa katawan ni Mercedes upang ito ay matahimik na at hindi na manggambala pa. Ngunit may iba, hindi ko matukoy kung ano pero may mali.

Tapos na, maayos na, pero mas lalo akong nakararamdam ng kakaibang kilabot.

Ilang beses ko nang pinagkiskisan ang mga palad sa bawat isa upang mabigyan ako nito ng sapat na init, ngunit kulang, hindi sapat.  Sinarado ko na rin ang mga bintana sa kotse pati na rin ang aircon dito, subalit hindi pa rin mawala-wala, kahit anong gawin ko ay patuloy pa rin akong nakararamdam ng kakaibang lamig dahil sa pagkabahala na nadarama.

"Vien are you really fine? We can buy some meds if you want."

Umiling-uling ako kay Mira at saka ito tiningnan, hindi puwedeng hindi ko sabihin kay Mira ang bagay na ito.

"Mira, paano kung mali pala tayo? Paano kung si Clara talaga ang masama?"

Hindi ko maiwasan ang maging balisa, nanlalaki ang aking mga mata at hindi ko na mawari pa ang siyang dapat kong madama.

Nanginginig ako, nanlalamg, kinikilabutan, sa hindi malamang kadahilanan.

"Vien, we just did what their mother want. We help and that's all, we finished it so we must enter the hospital now to go to Mikay. Get it?" Aniya at tuluyan ng lumabas sa sasakyan at pumasok na sa hospital.

Umiling-iling ako, Vien wala kang ginawang mali, ginawa mo lang ang dapat mong gawin.

Pumikit ako ng ilang sandali at doon ay antanda ng krus.

Lumabaas ako ng sasakyan at ng tuluyan na akong makapasok sa hospital ay tila mas lalo akong nahibang.

Nagsipagtayuan ang aking mga balahibo, nanlalamig ang aking mga kamay, namumuo ang malamig na pawis sa aking noo, bakit ako nagkakaganito?

Nagiging balisa ako ngunit mabuti na lamang at wala ng mga tao at nurse sa paligid, gabi na, malapit ng maghating-gabi.

"Vien look!" Sigaw ni Mira habang tumatakbo patungo sa aking direksiyon.

"Kirk was calling me all this time." Aniya habang may namumuong luha sa kaniyang mga mata.

Mayroong limangpung missed calls si Kirk kay Mira.

Napahilamos ako sa aking mukha at nagsimula na rin na tumulo ang aking mga luha. Hindi, mali, mali ang iniisip ko.

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa at doon, doon ko napatunayan na tama ang lahat ng mga haka-haka ko sa mga nagdaang oras.

Tumutulo ang aking mga luha habang nakatingin ako sascreen ng cellphone ko, may tatlongput-pitong missed calls si Dylan sa akin.

"Vien, I'm scared, I'm scared." Paulit-ulit ang siyang sinasabi ni Mira habang ipinpakita sa akin ang kaniyang celphone.

Fake Words ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon