6

12 4 0
                                    


Maraming typo at grammatical errors, at hindi edited ang mga chapters. Kung ayaw mong mag-isip, matakot, masindak at maguluhan. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo tumigil ka na sa pagbabasa dahil hindi para sayo ang istoryang ito. Huwag unahing basahin ang dulo, unahin sa pinakuna upang hindi kayo ma-spoil. Makakarating din tayo sa dulo mga mahal ko. Ngunit sa mga magbabasa ng istoyang ito, maraming salamat sa inyo lalong-lalo na sa aking mga steffers. Don't forget to leave a comment and vote this chapter. (^^)

- B C G


Dylan's Pov:

Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko. Matuwa, malungkot, malito? Ewan ko. Ayaw ko naman na magtatalon sa tuwa dahil baka mapagkamalan pa akong bakla nila mama pati na rin ng mga tropa ko.

Pero putcha! Kinikilig pa rin talaga ako hanggang ngayon. Hinalikan ako ni Vien! Putcha talaga!

Sino ba naman ang hindi mawawala sa katinuan kapag ang matagal mo nang ginugusto ay bigla kang hahalikan ng basta-basta. Akala ko ang mga tropa ko lang ang nagbibigay ng mga mix signals yun pala pati si Vien din.

Gago! Paano pala kung pinagtri-tripan lang ako ni Vien? Paano kung ginawa niya lang yun dahil ako lang ang nasa tabi niya? Paano kung---, ewan, para na tuloy akong babae rito, nago-overthink hahaha.

Is that kiss a sign of saying thank you? Or is that kiss a sign of  her feelings towards me?

Napasabunot na lang ako sa buhok ko at biglang napa-sign of the cross. Ay Lord ipilit po natin, gusto rin po ako ni Vien, please po.

Seryoso naman ako kay Vien e. Seryosong-seryoso, yung tipong kaya kong maghintay muli ng ilang taon. Siguro hindi naman manhid si Vien para hindi niya maramdaman na gusto ko siya. Ang kaso, hindi nga naman ako umamin, kaya baka isipin niya na balak ko lang siyang paglaruan.

Okay, okay, okay, aamin ako. Pero hindi ngayon.

Vien is not just a girl, she was not just an ordinary one. She caught my attention not because of her beauty, not because she's smart. I like her because she was just being herself. She do not pretend, she has a respect, she was precious like a shining diamond. And I like her, I sincerely like her.

"Gago! Nauulol na si Dylan!" Inambahan ko ng suntok si Peter ng mapansin nito ang kanina ko pang palihim na pag-ngiti.

Please Vien, huwag mo munang guluhin ang isip ko, nauulol na ata talaga ako sayo.

Itinaas ko ang middle finger ko ng nagsipagtawanan muli sila at tuksuhin ako. Mga gago talaga.

Mabuti na lamang at nagtawag na si coach ng iba kong team mate, siguro ay may ipapabuhat na naman. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinilit na alisin si Vien sa isipan dahil mahirap makapaglaro kapag ang naalala mo ay ang halik niya.

Ay putcha! Saktong-sakto. Sapul na sapul. Sa pagmulat ko ng aking mga mata, nakita ko ang taong kanina pa gumugulo sa aking isipan. Paulit-ulit kong ipinipikit ang aking mga mata at pinagsasampal ang magkabilang pisngi dahil sa aking nakikita.

Putcha! Legit mga pre, andiyan si Vien. Hindi man ganon kalapit ang distansya naming dalawa ay masasabi ko na nakatingin siya sa mga mata ko. Ngunit bago pa niya makita ang muli kong pagngiti ay nag-iwas na ako kaagad ng tingin. Baka sabihin niya pa na ang saya-saya ko kahapon kahit totoo naman.

Sa kawalan ng magawa ay napatakbo na lang ako sa iba kong team mate. Panigurado na kung hindi pa ako umalis sa puwesto kung saan nakita ko si Vien ay wala na akong ibang magagawa kundi ang magpasulyap-sulyap sa kaniya.

Umiling-iling na lang ako at sumunod na sa ginagawa ng iba kong kasama sa pag warm-up.

Nang magkaroon na ng hudyat si coach ay nagsipagpuntahan na kami sa aming puwesto at doon sinimulan namin ang aming practice.

Fake Words ✓Where stories live. Discover now