13

7 3 0
                                    

Maraming typo at grammatical errors, at hindi edited ang mga chapters. Kung ayaw mong mag-isip, matakot, masindak at maguluhan. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo tumigil ka na sa pagbabasa dahil hindi para sayo ang istoryang ito. Huwag unahing basahin ang dulo, unahin sa pinakuna upang hindi kayo ma-spoil. Makakarating din tayo sa dulo mga mahal ko. Ngunit sa mga magbabasa ng istoyang ito, maraming salamat sa inyo lalong-lalo na sa aking mga steffers. Don't forget to leave a comment and vote this chapter. (^^)

- B C G


Vien's Pov:
Wala akong nararamdaman na kakaiba ngayon at ipinagpapasalamat ko iyon. Mayroon daw kaming isang aktibidad ngayon at mas mabuti kung walang magpapakita sa akin na mga kaluluwa, upang sa gayon ay maisagawa ko ang aktibidad na ito ng maayos.

Unang araw pa lamang ngunit makikita mo na sa mga mata ng mga naririto ang kasiyahan na kanilang nadarama. Si Mikay ay kasama pa rin ang mga kasama niya sa club, dumaan lamang siya kanina sa puwesto namin upang sa gayon ay malaman niya ang aming sitwasyon.

Dumating ang mga guro at iba pang mga staffs kung kaya't nagsipag-upo na kami at hinayaan ang aming mga tenga na makinig sa kanilang mga sasabihin.

"Magandang umaga sa mga estudyante na naririto, kamusta ang tulog niyo? Maayos ba?" Tanong ng principal sa paaralan nina Kirk.

Marami ang tumango at sumagot ng 'opo', ngunit marami rin ang nagreklamo. Mainit raw at masakit sa likod ang matulog sa tent, subalit wala naman dito na naging sagot ang mga guro at principal kundi ang isang maliit na ngiti.

"Kung gayon ay hayaan naman natin na magsalita sa ating harapan si Miss Perez upang ipaliwanag ang magaganap sa aktibidad natin ngayon."

Nagsipalakpakan muna kami bago tumigil ng mahawakan na ni Miss Perez ang mikropono. Mukhang si Ms. Perez ang nag-organisa at ang punong abala sa pagtitipon na ito, dahil napapansin ko na palaging siya ang hinahanap ng mga principal at ang mga pinasasalita ng mga ito sa harapan.

"This is a group activity that consumed five member each. You can choose your groupmates. Isa itong aktibidad na mayroong limang estasyon at sa bawat estasyon ay may mga tanong na marapat ninyong masagot. Sa una hanggang sa pang-apat na estasyon mayroon kayong tatlong tiyansa upang sumagot, ngunit sa pinakahuli na estasyon mayroon na lamang kayong isang tiyansa upang sumagot. Sa bawat estasyon na mapupuntahan ninyo ay kailangan ninyong mapindot ang buzzer at kung tatama kayo ay mayroong lalabas na isang ribbon sa ibaba at marapat na maitali ito sa isa sa mga kasama ninyo. But, don't worry the questions and some riddles can be answered by a elementary student. This activity is not all about measuring your intelligence, this activity measures your strength, teamwork and analysis. I hope you will enjoy this activity. "

Nakuha ko kaagad ang sinabi ni Miss Perez, sa haba ba naman nito at higit sa lahat ay napakadetalyado pa kaya madali talaga itong makukuha.

Nang magbigay ng hudyat ang isang guro ay nagsimula na kaming lahat na maghanap ng aming mga ka-grupo. Lima ang kailangan sa isang grupo at dapat ang grupo na bubuuhin ay magkakasama sa isang paaralan.

Tumayo ako at naglakad patungo sa water dispenser, nauhaw ako bigla. Ng may marinig akong mga yapak patungo sa aking direksyon ay inangat ko ang aking tingin at doon ko nakita si Mira, si Mikay, si Peter at si D-dylan.

"Yes! Kumpleto na tayo!"

Ngumiti na lamang ako at nagsimula nang maglakad ng kasama sila upang maipalista ang aming grupo. Mukhang hindi lamang ito isang simpleng aktibidad na pagkatapos mong sumagot at kumuha ng ribbon ay aalis ka na. Mga senior high students kami, kaya nasisiguro ko na may iba pang mangyayari at ipapagawa sa amin dahil hindi na kami mga bata.

"Ngayong may grupo na kayo, nais kong sabihin ang bagay na ito. Walang kaming sasabihin kung nasaan ang mga buzzers, ngunit bibigyan namin kayo ng mapa at hahayaan kayong maghanap sa mga ito. May makikita kayong mga tao na nagbabantay sa paligid kung kaya'y hindi kayo maliligaw. Simulan na ang laro."

Fake Words ✓Where stories live. Discover now