10

9 3 0
                                    


Maraming typo at grammatical errors, at hindi edited ang mga chapters. Kung ayaw mong mag-isip, matakot, masindak at maguluhan. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo tumigil ka na sa pagbabasa dahil hindi para sayo ang istoryang ito. Huwag unahing basahin ang dulo, unahin sa pinakuna upang hindi kayo ma-spoil. Makakarating din tayo sa dulo mga mahal ko. Ngunit sa mga magbabasa ng istoyang ito, maraming salamat sa inyo lalong-lalo na sa aking mga steffers. Don't forget to leave a comment and vote this chapter. (^^)

- B C G

Vien's Pov:

"Mama! Papa! Hindi ako makagalaw! Hindi ko po kayo makita!" 

Sigaw ng batang si Vien habang umiiyak at walang ibang magawa kundi ang tawagin ang pangalan ng kaniyang mga magulang dahil hindi na siya makagalaw. Isang batang musmos ang humihingi ng saklolo mula sa kaniyang mga magulang.

"Wag kang mag-alala, ililigtas kita, tahan na." saad ng isang estrangherong nilalang bago ngumiti sa batang si Vien at dahan-dahan itong sagipin mula sa kotseng maya-maya lamang ay bubulusok na ng tuluyan.

Hinihingal ako at bigla akong napaupo dahil sa isang panaginip na paulit-ulit ko ng napapanaginipan sa nagdaang mga gabi.

Ilang araw na akong nagtatanong kung bakit ko iyon napapanaginipan at ilang araw na rin akong madalas na umiiyak sa aking silid. Umiiyak dahil sa panaginip na iyon, tila bumabalik ang mga mapaiit na alaala, kung saan naging isa akong batang musmos na ulila.

Maliban pa roon ay ipinagtataka ko kung bakit sa ilang mga gabing nagdaan na napanaginipan ko ang bagay na ito ay natatapos ito parati sa isang estrangherong magsasagip sa akin.

Kung tama at malinaw pa ang pagkaka-alala ko sa mga nangyari noon, isang babae ang sumagip sa akin sa trahedyang iyon. Sabi ng mga pulis, kaya nakaligtas ako ay dahil bago pa bumulusok ang sinasakyan namin, tumilapon ako mula sa sasakyan dahil sa maliit na timbang ko. Sabi naman ng mga nakakita at ng ibang mga tao, isa iyong himala dahil sa malala ang natamong mga sugat at namatay ang aking mga magulang. Subalit ang pinaniniwalaan ko ang mga nakita at naaalala ko.

Isang babae ang sumagip sa akin, hindi ko alam kung bakit, pero nasisiguro ko na isa iyong kaluluwa dahil pagkatapos niya akong sagipin ay naglaho rin siya na parang bula. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon nais ko siyang makilala, kung andirito pa siya sa mundong ibabaw.

"Mama, papa, tulungan niyo po ako. Kung ano man ang mga malalaman ko sa mga magdaraan na araw, tulungan niyo po akong tukuyin kung alin ang totoo at alin ang mga kasinungalin."

Kung naririnig man ako ng mga magulang ko ngayon, sana ay gabayan nila ako dahil mismong ako naguguluhan na at nalilito ng lubusan.

Pagkatapos kong gawin ang mga dapat kong gawin ay lumabas ako ng aking kuwarto at nagtungo sa hapag upang kumain. Andoon na ang dalawa kong kaibigan, tila hinihintay na lamang ako bago sila tuluyang magsimula. Tanghali na pala ngunit kagigising ko pa lang, mukhang nasa lima hanggang sampung minuto na silang naghihintay sa akin.

Ngumiti ako kay Mikay at maging kay Mira bago hayaan si Mikay na magdasal upang basbasan ang pagkain na narito sa aming hapag.

Pinikit ko ang aking mga mata bago ako nag-antanda ng krus at hinayaan ang aking isipan na pakinggan ang dalangin ni Mikay.

"Panginoon, kami po ay nagpapasalamat sa mga pagkaing narito sa aming hapag-kainan ngayon. Salamat po, dahil hindi mo po kami hinahayaan na magutom at salamat din po dahil palaging may laman ang aming ref at palagi kaming busog. Gabayan mo po kami parati, gabayan mo po kami sa lahat ng aming gagawin. Sa ngalan ni Jesus, Amen."

Sabay-sabay naming binanggit ang huling salitang binitiwan ni Mikay, ang salitang 'Amen'. Pagkatapos noon ay muli kaming nag-antanda ng krus bago tuluyang magsimula sa pagkain.

Fake Words ✓Where stories live. Discover now