Epilogo

5 2 0
                                    

Maraming typo at grammatical errors, at hindi edited ang mga chapters. Kung ayaw mong mag-isip, matakot, masindak at maguluhan. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo tumigil ka na sa pagbabasa dahil hindi para sayo ang istoryang ito. Huwag unahing basahin ang dulo, unahin sa pinakuna upang hindi kayo ma-spoil. Makakarating din tayo sa dulo mga mahal ko. Ngunit sa mga magbabasa ng istoyang ito, maraming salamat sa inyo lalong-lalo na sa aking mga steffers. Don't forget to leave a comment and vote this chapter. (^^)

- B C G



EPILOGO

Iba ang kasiyahan na aking nadarama sa araw na ito, isang espesyal na pakiramdam na walang sinuman ang makapapantay.

Ito ang araw na kung saan natalo ko na ng tuluyan ang aking butihing kapatid. Tuluyan na siyang naglaho at ako ang siyang tanging nanalo.

Salamat sa tulong ni Vienna Imperial, ang anak ng aking mga dating kaibigan.

Hindi ako makapaniwala na wala ng magiging hadlang pa sa aking mga nais, wala nang haharang pa sa aking mga daraanan. Magagawa ko na ang lahat ng walang sinuman ang siyang pumipigil sa akin.

Kaharap ko ngayon ang isang dalagang tumulong sa akin, si Vienna. Lumuluha at nagmamakaawa na patayin ko na rin siya sa pamamagitan ng pagsanib ko sa kaniyang katawan.

Ngunit pasensiya munting dalaga, wala sa plano ko ang patayin ka, kundi ang nasa plano ko ay ang pahirapan ka at hayaan kang magdusa.

"Hindi ako tanga para lang patayin ka, kailangan may isa sa inyo ang mag hirap, at pasensiya Vienna kung ikaw ang ninais ko na magsabuhay ng karakter na iyon."

Hindi mawala-wala ang kakaibang ngiti sa aking mga labi at mas lalo ko lamang itong ipinakikita pa lalo sa tuwing lumuluha at nagagalit ang batang Imperial.

Wala akong nararamdaman na anumang awa, tanging pagkagalak lamang simula sa oras na ito ang siyang aking madarama.

Tadhana na ng anak na Imperial ang mga nnagyayari simula ng tinalikuran ako ng kaniyang mga magulang at piliin ang aking kapatid.

Si Verlin at Matilda Imperial ay kasamahan ko sa isang grupo sa aming paaralan. Aaminin ko na mabubuti silang mga tao kung kaya'y hindi ko inaasahan kung bakit nag-traydor sila...sa akin.

Kilala sila bilang mga mahuhusay na lider ng paaralan habang ako ay kilala dahil sa angking talino na taglay ko. Naging magkakaibigan kaming tatlo at tunay na nasiyahan ako ng mga oras na iyon dahil nagkaroon ako ng mga kaibigan, ngunit ang kasiyahan na iyon ay hindi nagtagal ng malaman kong kaibigan din pala nila ang aking kapatid.

Lumayo ako sa kanila kung kaya'y nakisama ako sa ibang mga estudyante na kasing edad ko rin. Palagi ko na lamang sinasabi sa aking sarili na mga bata pa nga talaga sina Verlin at Matilda sa pag-iisip at sa kanilang edad.

Panganay ako sa kanila ng ilang taon kaya hindi sila kawalan dahil mas marami akong alam-koneksiyon at mas kilala ako kaysa sa kanila.

Ngunit nang humingi ako sa kanila ng tulong noong mga oras na nais ko ng mawala si Mercedes ng maaga upang magawa ko na ang lahat ay tinalikuran nila ako.

Nalaman ko na lamang na hindi na nila nais tumulong dahil napag-alaman nila na pinatay ko ang aking kapatid, kaya dali-dali silang nag-impake kasama ang kanilang anak.

Walang makapapantay sa galit na nadrama ko noong mga oras na iyon, kung kaya'y tuluyan akong nabalot ng aking galit na siyang dahilan upang magawa ko ang bagay na kailanman ay hindi ko pagsisisihan.

Kagaya ng ginawa ko sa mga kaibigan ni Vienna ay sumanib ako sa kaniyang ama at kinontrol ko ang katawan niya at gamit ang katawan ng kaniyang ama ay wala akong ginawa upang sa gayon ay tuluyang mahulog ang kanilang sinasakyan sa isang bangin.

Fake Words ✓Where stories live. Discover now