20

4 1 0
                                    

Maraming typo at grammatical errors, at hindi edited ang mga chapters. Kung ayaw mong mag-isip, matakot, masindak at maguluhan. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo tumigil ka na sa pagbabasa dahil hindi para sayo ang istoryang ito. Huwag unahing basahin ang dulo, unahin sa pinakuna upang hindi kayo ma-spoil. Makakarating din tayo sa dulo mga mahal ko. Ngunit sa mga magbabasa ng istoyang ito, maraming salamat sa inyo lalong-lalo na sa aking mga steffers. Don't forget to leave a comment and vote this chapter. (^^)

- B C G


Vien's Pov:
Nagkahalo-halo na ang mga nararadaman ko, ngunit pinaka-nangingibabaw sa lahat ay ang pagkabahala sa puso ko.

Nababahala ako dahil sa dalawang dahilan na hindi ko lubusang maisip kung bakit marapat na ito'y ikabahala pa. Una, dahil sa nalaman ko noong nakaraang mga araw. Nalaman ko na idinamay na nila ang kaibigan ko.

Napag-alaman namin dahil na rin kay Mikay na nagkaroon siya ng isang panaginip na kung saan inilahad niya na kailangan namin ang mag-ingat dahil sa dalawang nilalang na kaniyang napanaginipan. Si Clara at si Mercdes.

Isa pang dahilan ng aking pagkabahala ay ang patuloy kong pag-iisip sa magkapatid na Ybanez. Nakuha na namin ang sagot galing mismo kay Clarisse Ybanez , ngunit kaakibat nito ay ang pag-aksiyon namin ng mabilis.

Subalit kahit pa isipin at mabahala ako sa mga bagay na ito ay masasabi ko na nabawasan ang kaba na aking dinadala dahil lima na kami na sasabak sa pagtuklas ng kanilang katawan.

"Guys, I don't know kung bakit lima na tayo ngayon but we must hurry. Ayaw naman siguro ninyong maabutan tayo ng gabi sa lugar nila diba? Kaya tara na."

Hindi na kami nagkaroon pa ng oras upang sabihin kay Kirk kung bakit kasama sina Mikay at Dylan. Alam at ramdam ko na gustong magtanong ni Kirk, subalit wala na talaga kaming sapat na oras upang mag-usap pa sa bagay na iyon.

Bago pa ako tuluyang makalabas ng building at sumunod sa tatlo ay may pumigil sa akin. Si Mira.

"Vien, I know just like me you have doubts too. But we must save Clara, we already have the answer from their mom. We can do this." Saad at niyakap ako ng mabilis bago magpatiuna sa paglalakad patungo sa sasakyan.

Siguro, isang siguro lamang. Maaari na nasa isip nila na ang dalawa ay ang siyang aming kukunin at papabendisyunan, ngunit hindi. Isa lamang sa kanilang dalawa, at ang ililigtas namin ay si Clara.

Maililigtas namin siya sa pamamagitan ng pagkuha sa bangkay ni Mercedes. Dahil kapag nabensisyunan at natahimik na si Mercedes ay mawawala na ito at hindi na manggagambala pa. Habang si Clara naman ay may misyon pa na kailangan tapusin ayon kay Mira noong nagpapakita ito sa kaniya kung kaya'y hindi pa namin maaari na galawin ang kaniyang labi.

Hindi ko inaasahan na ang paniniwalaan, dapat paniwalaan ay si Clara. Lalo pa't si Mercedes ang una kong nakilala, siya ang kaluluwa na hindi ko inaasahan na gagawa ng masama.

Baka tama nga ang iba, huwag tayong padadala sa hitsura, ngunit kahit pa ganoon ay nasa tig-kalahati ang porsyento na meron ako para sa magkapatid.

Kahit na nanggaling mismo sa ina nila ang dapat namin malaman, hindi pa rin ako ganoon katiwala lalo na at hindi ito ang karnal na ina ni Mercedes.

"Vien, ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala, hindi ka kumikibo man lamang." Nabalik ako sa aking ulirat ng may magsalita. Si Dylan.

Ganoon na ba katindi ang aking pag-iisip at hindi ko na namalayan na nasa sasakyan na ako at kanina pa kami bumabiyahe?

"Ah oo, iniisip lamang kung bakit ko ba tinulungan ang mga iyon."

Hindi ko masisisi ang sarili ko. Nakadarama ako ng kaunting pagsisi dahil kung hindi ko naman pinakailaman si Mercedes kagaya ng hindi ko pangingialam sa ibang mga kaluluwa, hindi sana ako ngayon nalilito at binabagabag ng sarili kong sistema.

Fake Words ✓Where stories live. Discover now