11

8 3 0
                                    

Maraming typo at grammatical errors, at hindi edited ang mga chapters. Kung ayaw mong mag-isip, matakot, masindak at maguluhan. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo tumigil ka na sa pagbabasa dahil hindi para sayo ang istoryang ito. Huwag unahing basahin ang dulo, unahin sa pinakuna upang hindi kayo ma-spoil. Makakarating din tayo sa dulo mga mahal ko. Ngunit sa mga magbabasa ng istoyang ito, maraming salamat sa inyo lalong-lalo na sa aking mga steffers. Don't forget to leave a comment and vote this chapter. (^^)

- B C G


Vien's Pov:

Araw ng linggo ngayon, wala kamaing pasok. Kagaya kahapon, pagpapatuloy namin ngayon ang ginagawa naming paghahanap ng mga impormasyon ukol kay Clara at kay Mercedes. Kaya pala nahihiwagaan ako sa mga mata nila dahil mag-kadugo pala sila.

Nandirito kami sa condo ni Kirk. Dito namin ipagpapatuloy ang naudlot na paghahanap namin ng mga impormasyon.

Aaminin ko kahapon, nakaramdam ako ng kaunting kaba ng mapagtanto na may nakikinig pala sa aming usapan. Ngunit kalaunan ay naging kampante rin naman ang aking kalooban dahil si Kirk pala iyon. Alam kong mapagkakatiwalaan namin siya.

"May nahanap ba kayo na impormasyon tungkol sa mga magulang nila? "

Tanong ko habang patuloy na nakatutok sa computer ni Kirk. Wala akong ibang makita na impormasyon nila, maliban sa social media account ni Clara na wala namang ibang litrato maliban sa mukha niya. Sinubukan ko rin na hanapin ang social media account ni Mercedes ngunit walang lumalabas. Mukhang hindi siya gumagamit nito noon.

"I can't find there parents whereabouts. What should we do?"  Sagot ni Mira habang nakatutok sa laptop niya.

"Don't worry guys, I found their location. I mean their hometown bago sila mamatay."

Sabay kaming napatingin ni Mira kay Kirk ng sabihin niya ang mga katagang ito. Lumapit kami sa puwesto niya at tumabi sa kaniya upang sa gayon ay mas mapadali ang pagbibigay niya sa amin ng impormasyon.

"Here. Limang oras ang byahe simula rito papunta sa lugar nila. And you know what's more great is that, it was just near onto our camping site tommorow."  Aniya ni Kirk habang may ngiti na nakapinta sa kaniyang labi.

"May camping kayo?" takang tanong ko sa dalawa habang nagtataka.

Bakit hindi nila sa akin sinasabi na aalis pala silang dalawa. Pinakatitigan nila ako at nangunot ang kanilang mga noo na naging dahilan upang kumonot din ang noo ko. Anong problema ng dalawang 'to?

"Really Vien? You did not remember it?"

Mas lalo akong nagtaka ng ang isagot ni Mira sa tanong ko ay isa rin na katanungan.

"Ano bang hindi ko naaalala? At saka kailan ang camping niyo para naman masabi natin kay Mikay na aalis kayo." Saad ko.

Napabuntong hininga si Mira habang napailing-iling naman si Kirk sa sinabi ko. Teka naguguluhan na ako sa dalawang ito. Puwede naman kasing sabihin na lang kaagad kung ano ang nakalimutan ko, para maalala ko diba?

"Explain it Kirk." Tanging saad ni Mira bago kami iwan ni Kirk sa sala at magtungo siya sa kusina. Anong problema noon?

"Vien ang camp na 'yun is like a vacation for us. There are activities, games at para na rin maging maayos ang pag-iisip at kalusugan ng ibang estudyante dahil sa exams. I heard we can also learn something from it. Joining there would also add some points to some of our subjects. At ang sabi ni Mira, sabay-sabay kayong tatlo nila Mikay na nagbayad para sa camp."

Nakikinig lamang ako kay Kirk habang prinoproseso sa aking utak ang mga lumalabas sa bibig niya. Unti-unting pumasok sa isipan ko na may camp nga pala. At kung hindi nila ipinaalala siguro ay nasa condo lang ako bukas at hindi makasasama dahil hindi ko naalala.

Fake Words ✓Where stories live. Discover now