Akala ko tapos na ang kabaliwan nila.
Mali na naman pala ako.
Matapos ang "initiation" na halos naging mini swimming session sa classroom, inakala kong magiging tahimik na ang lunch break. Kaya habang umaalis na sila papuntang cafeteria, plano ko sanang umiwas muna kaso hindi pa man ako nakaka-isip ng paraan, narinig ko na 'yung sigaw ni Eion mula sa hallway.
"Hoy, Miss Veridane! Sama ka na!"
Lahat napalingon.
"Ha?"
"Lunch break, diba?" sabi niya, nakangisi. "Bawal kumain mag-isa. Rule number four."
"Wait, may rule four pa?" tanong ko, halos walang gana.
"Oo," singit ni Leifren na tumatakbo papunta sa akin, "Rule number four: bawal iwan ang Section 16 kapag lunch. Team meal 'yan!"
"Team meal?" ulit ko. "Anong klaseng team 'to-fraternity?"
"More like... survival squad," sagot ni Eion sabay kindat.
Bago pa ako makatanggi, hinila na nila ako palabas ng classroom. Ramdam ko 'yung mga tingin ng ibang section habang dumadaan kami sa hallway parang nagtataka sila kung anong ginagawa ng isang babae sa gitna ng kilalang "problematic" section.
Pagdating namin sa cafeteria, ang unang pumalo sa ilong ko. Amoy spaghetti, burger steak, at problema.
Lahat ng estudyante napatingin. May kumikindat, may nagbubulungan, may halatang nag-uusap tungkol sa amin.
"Uy, tingnan mo, 'yung bagong babae sa Section 16!" bulong ng isa.
"Grabe, may babae na sila? End of the world na yata 'to."
"Baka bet ni Xavien."
Narinig ko 'yon. Napairap ako.
"Relax," sabi ni Eion, nakangisi. "Masanay ka rin dito eventually."
"Duda ako."
Umupo kami sa pinaka-dulong mesa  obvious na 'yun talaga ang spot nila. Kahit mga seniors umiwas. Sa gitna si Xavien, tahimik lang, habang si Eion nasa tabi ko, as usual, maingay.
"Okay guys," sigaw ni Leifren, "Rule number five!"
Napalingon ako. "May rule five na agad?"
"Oo," sagot ni Cyrille habang ngumunguya ng fries. "Kapag may bagong member, kailangan niyang manlibre."
"Excuse me?" halos hindi ako makapaniwala.
"Tradition," sabi ni Eion habang ngumisi, "at least hindi na prank. Just lunch."
Tiningnan ko sila isa-isa. Lahat nakatingin sa akin, parang mga asong nag-aabang ng pagkain.
"Fine," sabi ko sa huli. "Pero next time, kayo naman."
Sabay-sabay silang sumigaw, "DEAL!"
Tumayo ako para pumila sa counter. Akala ko simple lang 'to, bibili lang ng food tapos tapos na. Pero habang nasa pila ako, may narinig akong pamilyar na pangalan mula sa kabilang linya.
"Uy, 'yan ba 'yung babae sa Section 16?"
Napalingon ako. Tatlong lalaki halatang varsity. Lalo na 'yung nasa gitna, matangkad, may suot na varsity jacket, at ngiting gusto mong sabuyan ng softdrink.
"Sayang, ang ganda pa naman," sabi nung isa, "napunta sa mga baliw."
Kung makabalik naman tong mga pangit nato.
                                      
                                   
                                              ESTÁS LEYENDO
ALPHA CLASS: SECTION 16
AcciónALPHA CLASS: SECTION 16 Sa loob ng Veridane Academy, may isang section na hindi basta klase ang Section 16, kilala bilang Alpha Class. Dito pinagsama-sama ang mga estudyanteng may pinakamagulong record, mga matatalino pero pasaway, mga anak ng implu...
 
                                               
                                                  