ALPHA CLASS (13)

2.5K 106 3
                                        

Tahimik ang buong bahay pagkapasok namin ni Yesho. Ni hindi siya nagsalita buong biyahe, ni hindi man lang ako tiningnan.

Ako rin wala akong gana makipag-usap. Wala akong gustong sabihin kasi alam kong sa bahay pa lang, may round two na naman ng sermon.

Pagpasok namin sa loob, parang bumigat agad ang hangin. Ang mga ilaw, ang sahig, pati 'yung orasan sa pader parang lahat ng bagay dito, nakatingin sa akin.

Ang bahay ng mga Veridane laging mukhang perpekto. Tahimik. Malinis. Pero para sa akin, para akong nakakulong sa loob ng isang malaking kulungan na gawa sa marmol.

Pagdating namin sa sala, tahimik lang si Yesho habang hinuhubad 'yung coat niya. Ako naman, diretsong upo sa sofa, sabay bagsak ng bag sa gilid.

"Ang tigas talaga ng ulo mo, Luna," mahina pero seryosong sabi ni Yesho, habang nakatayo pa rin sa harap ko.

"Kailangan bang sa pangalawang araw mo pa lang may report ka na sa principal?"

Baka magtaka kayo si Yesho graduated na siya ng college kumbaga pagala gala nalang siya sa mga school na pinapasukan ko. Bodyguard.

23 na si Sir Vaustine habang si Yesho 25 na, Ang babata palang nila nung mag-graduate sila ng college.

Si Yesho ay teacher din sa dati kong school.

"Eh hindi ko naman kasalanan 'yung nangyari," sagot ko agad. "Bakit ba lahat ng tao akala ako 'yung laging pasimuno?"

"Because that's what always happens," sagot niya, malamig. "Every school, same story."

"Wow," natawa ako ng mapait. "Thanks for believing me, Kuya Model Student."

Napahinto siya, tumitig sa akin. "Luna, hindi kita sinisisi. Gusto ko lang matuto ka na. Hindi ka pwedeng laging padalos-dalos-"

"Hindi ako padalos-dalos!" singit ko, napataas ang boses. "Ang daming nakakita na ako 'yung pumipigil, pero kahit ganun, si Lolo pa rin 'yung unang magagalit sa'kin. Hindi mo ba nakikita? Lahat ng mali, sa akin lagi!"

"Luna-"

"Wag mo na akong sermunan, Yesho. Hindi ako gaya mo."

Biglang bumukas 'yung pinto sa may hallway.

Tahimik. Pero sa bawat yabag, lumalakas 'yung kaba ko.

Si Lolo.

Si Principal Sebastian Veridane ngayon, hindi bilang principal, kundi bilang matandang pinuno ng pamilyang ayaw magpatalo.

"Narinig ko lahat ng sigawan," malamig niyang sabi habang lumalapit. "So, ito pala ang sinasabi mong pagbabago, Lunara?"

Napasinghap ako. "Lolo-"

"Pangalawang araw mo pa lang sa bagong paaralan, gulo agad. Hindi pa ba sapat 'yung mga pangyayaring dahilan kung bakit ka lumipat?"

Paulit-ulit nalang.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa sofa. "Hindi ko nga kasalanan yung nangyari kanina bakit ba ayaw mong maniwala?!"

"Lunara!" biglang lumakas ang boses niya, dahilan para mapaatras si Yesho. "Hindi mo pwedeng palaging idahilan na hindi mo kasalanan. Sa buhay, minsan kailangan mong tanggapin na ikaw ang problema!"

Tumayo ako, diretso ang tingin sa kanya. "Ako raw ang problema?"

"Luna-" sabat ni Yesho, pero tinaasan ko lang siya ng kamay.

"Ako ang problema kasi hindi ako katulad ni Yesho, ganun ba?"

Tahimik si Lolo pero halata ang panginginig ng panga niya.

ALPHA CLASS: SECTION 16Donde viven las historias. Descúbrelo ahora