CZAIA'S POV
Pag-flash ng camera may sandaling parang tumigil ang lahat yung liwanag, yung hangin, yung tawanan nila lahat parang nakalutang lang sa gitna ng oras.
"Isa pa!" sigaw ni Eion habang hinahabol si Daevon na nagtatago sa likod ng mesa.
"Hindi mo ako mapipilit sa group selfie!" sigaw ni Daevon.
"Ayoko ng angle mo, pre!"
"Angle mo mukha mong kalbo!" balik ni Eion sabay hagis ng tissue.
Nagtawanan ulit lahat.
Si Zeraphiel pinipigilan si Malric na nakahawak na ng softdrink si Cyrille pinapagalitan si Thoren dahil ginawang brush holder ang bote ng tubig.
May halo pa ring gulo pero sa gitna ng lahat may peace yung klaseng tahimik na hindi mo naririnig pero ramdam mo.
Ako naman nakatayo lang sa tabi hawak ko yung sarili kong braso habang pinagmamasdan sila. Yung mga taong minsan kong itinaboy pero ngayon sila rin yung dahilan kung bakit ako nandito ulit.
Napatingin ako kay Xavien.
Tahimik pa rin siya pero ngayon hindi na ganon kabigat yung presensya niya. Nakatingin siya sa camera habang nakangiti nang bahagya hindi pilit hindi rin buo pero sapat para magmukhang totoo.
Sa sandaling iyon parang biglang sumikip yung dibdib ko hindi dahil sa sakit kundi dahil doon ko narealize na siguro hindi lang ako yung natuto baka pati siya rin.
"Okay na yung picture!" sigaw ni Zeraphiel sabay taas ng kamay.
"Finally," sabi ni Eryx."pwede na tayong kumain ulit!"
"May pagkain pa ba?" reklamo ni Thoren.
"Wala na!" sabay-sabay nilang sagot.
Tumawa ulit ako ang gaan sobra. Parang kahit isang gabing ganito lang sapat na para kalimutan ko muna lahat ng bigat.
Maya-maya unti-unting nagsi-alisan, yung iba nag-ayos na ng gamit may bumaba para magpaalam sa guard may nagtatawanan pa rin sa may hagdan.
Inabot na pala kami ng gabi dito sa rooftop kasi hapon na rin nung pumunta ako dito kanina.
Hanggang sa napansin kong kami na lang ni Xavien ang naiwan sa rooftop.
Tahimik.
Ang tanging naririnig ko lang ay yung mahina at tuloy-tuloy na tunog ng hangin.
Kinuha ko yung bote ng tubig ko at naupo sa bench naramdaman kong lumapit siya pero hindi agad nagsalita. Pumwesto lang siya sa kabilang dulo mga dalawang hakbang ang layo sa akin.
Ilang minuto kaming ganon lang walang nagsasalita pero kahit walang salita ramdam kong may gustong sabihin pareho.
"Matagal-tagal na rin simula nung huli tayong ganito." siya ang unang bumasag ng katahimikan.
"Ganito?" tanong ko.
Tahimik siyang tumingin sa langit. "Na walang gulo. Na hindi tayo nag-aaway."
Napayuko ako. "Siguro kasi pareho tayong pagod na."
"Pagod?"
"Tsk." Napangiti ako nang mahina. "Oo. Pagod sa pride sa inis sa lahat."
Ngumiti rin siya nang bahagya. "Tama ka."
May ilang segundo ulit ng katahimikan.
Tapos bigla siyang nagsalita. "Czaia... sorry."
Napatigil ako.
VOUS LISEZ
ALPHA CLASS: SECTION 16
ActionALPHA CLASS: SECTION 16 Sa loob ng Veridane Academy, may isang section na hindi basta klase ang Section 16, kilala bilang Alpha Class. Dito pinagsama-sama ang mga estudyanteng may pinakamagulong record, mga matatalino pero pasaway, mga anak ng implu...
