ALPHA CLASS (2)

2.8K 108 15
                                        

"Luna." Tumabi si Yesho sa'kin.

"Pagod na ako sa sermun ni dad, Yesho." Narinig kong bumuntong hininga ang kuya ko sa aking tabi.

"I'm sorry." Tumingin ako sa kanya.

"For what?"

"Dahil dumagdag ako sayo, I mean tama ka dapat ako yung kakampi mo sa lahat ng bagay pero anong ginagawa ko? ako pa mismo yung nagsusumbong kay dad--"

"Tama rin naman yung ginawa mo tsaka mali rin naman yung mga ginagawa ko kaya okay lang yun pero sana isipin mo muna yung kalalabasan kapag nagsumbong ka kay daddy."

"Luna..." Bumuntong hininga ako. "Simula pagkabata stress na sayo si mommy at daddy alam mo yan. Kaya nga diba tinaboy kana ni lolo Veridane dahil sa mga ginagawa mo diba? dahil palagi nyang sinasabi na baka ikaw pa ang makapatay sa kanya."

"Sabihin mo matanda na siya ako pa dadahilan ng ikakamatay nya." Narinig ko ang mahina nyang pagtawa.

"Lolo mo pa rin siya, Luna. don't talk like that."

"Lolo ko pa pala yun." Natahimik siya.

Hindi na kasi ako tinuring na Apo ni Lolo Veridane dahil sa mga ginagawa kong katarantaduhan.

"Matulog kana dahil sa Veridane kana papasok bukas."

"Iniisip ko..." Panimula ko. "Nandun pa kaya yung mga naging classmates ko nung Elementary?" tumingin ako kay kuya.

"Why?"

"Kasi diba nakapatay ako noon at saksi sila sa mga ginagawa ko--"

"Luna matagal na panahon na yun we know na nakamoved on na sila."

"Sana...." Muli akong bumuntong hininga.

"Matulog kana okay?" Hinalikan muna ni kuya ang aking noo bago ito umalis sa tabi ko.

Mga ilang minuto pumasok na rin ako sa loob ng bahay.

KINABUKASAN late na ako nagising dahil napasarap ang aking tulog. Nag-asikaso na muna ako.

Nagsuot lang ako ng White Crop tank top with  cherry Embroidery Lantern Sleeve Cardigan, Long Sleeve Tops Fall Winter Cloth tapos light blue jeans.

"Ihatid na kita." sabi ni Yesho pagkababa ko.

"Wala kang pasok?" takang tanong ko.

"Meron pero gusto kitang ihatid sa Veridane." Tumango nalang ako kay Yesho.

Hindi na ako kumain ng breakfast dahil late na nga ako eh.

Habang sa loob kami ng sasakyan habang tinatahak ang daan papuntang VA nagsalita si Yesho.

"Magpakita ka muna kay lolo.."

"Baka matuluyan na yun kapag nakita nya ulit ako." Halos pabulong kong sagot hindi inaalis ang tingin sa kalsada.

"He want to talk to you." Hindi na ako nagsalita.

Nakarating kami sa VA sinamahan ako ni Yesho sa office ni Lolo.

Sinalubong kami ng Secretary ni lolo.

ALPHA CLASS: SECTION 16Where stories live. Discover now