Sa mga lumipas na mga araw na halos pare-pareho ang mga nangyayari sa araw ko. Ang asaran, kulitan at awayan ng mga lalaki sa Section 16.
"Ano ba ang kukulit nyo naman!" Sigaw ko kila Marlic, Leif, at Eryx.
Paano ba naman kasi kinukuha nila yung bag ko dahil may pagkain ako doon.
"Stop it guys." Hulog ng langit si Xavien dahil tinigilan ako ng tatlong itlog.
"Gutom na kami." Reklamo ni Leif may pahawak pa sa tyan na akala mo talaga gutom e' halos kakatapos nya lang kumain ng burger ni Zeraphiel kanina.
"Order whatever you want." Inabot ni Xavien ang kanyang cellphone sa tatlo kaya naman nag-agawan sila.
"Bakit kasi pinatalsik tayo sa cafeteria?" inis kong bulong sa kanya.
"You know palaging nagkakagulo sa cafeteria kapag nandun tayo kaya your lolo decided na patalsikin tayo." Paliwanag nya.
"Kahit kailan talaga si tanda." narinig ko ang mahina nyang pagtawa kaya napatingin ako sa kanya. "Tumawa ka?" takang tanong ko.
Ilang linggo na ako dito puro ngisi o kaunting ngiti lang ang nakikita ko sa kanya kaya nakakagulat na bigla siyang tumawa.
"Don't mind it, aasarin lang ako nila Eion kapag nalaman nilang tumawa ako." 
wow parang big deal naman sa mga sigbin ang pagtawa mo.
"Anyway, thanks ah."
"For what?"
"For watawat." Kumunot ang kanyang noo kaya natawa ako. "Corny no? okay lang yan HAHAHA." Umiwas ako ng tingin.
Really Czaia? Sa kanya ka pa talaga nag-joke?
"Zussss lumihis daw ba naman." Sumulpot si Eion sa tabi namin ni Xavien.
"Manahimik ka." pinandilatan ko siya ng mata.
"Ito naman." Umakbay siya sa'kin tsaka tumingin kay Xavien. "Wala tayong pasok ngayon until tomorrow afternoon, anong gagawin natin?"
"Bakit wala?" tanong ko.
"Wait kalang ha kinakausap ko pa si bossing." Napairap ako kay Eion. "Ano boss? outing na ba?" Tinaas baba nya pa ang kanyang kilay habang nakatingin kay Xavien na nakangiti.
"Creepy like a monkey--"
"HAHAHA." natawa ako.
"Sige tumawa ka susumbong kita sa lolo mo--"
"Tara samahan pa kita sa kanya ngayon."
"Yabang yarn?"
"Well." inirapan nya ako kaya natawa nalang ako kasi parang bata itong mukong nato.
"Search for place."
"YOWN!!!" sigaw ni Eion. "Guys may outing tayo bukas!" Sigaw nya kaya yung mga sigbin ayun nag-ingay na naman.
Daevon: Ako na sa gitara bukas
Zeraphiel : Saan tayo? sana maraming pagkain!
Elric : Sagot ko na yung beer natin bukas
Malric: Beach tayo ha!
Leifren : Doon tayo sa maraming chix para maganda yung view!
Thoren : Puro kalukuhan Leif, pero sana nga sa maraming chix.
Cyrille: Kami na bahala ni Kiel sa pagluluto 
Eryx : Tawa nalang ambag ko total gwapo naman ako
                                      
                                   
                                              ESTÁS LEYENDO
ALPHA CLASS: SECTION 16
AcciónALPHA CLASS: SECTION 16 Sa loob ng Veridane Academy, may isang section na hindi basta klase ang Section 16, kilala bilang Alpha Class. Dito pinagsama-sama ang mga estudyanteng may pinakamagulong record, mga matatalino pero pasaway, mga anak ng implu...
 
                                               
                                                  