CZAIA’S POV
Dalawang linggo.
Dalawang linggo akong hindi nakapasok dahil sa pagiging grounded ko, Una. One week tapos naging two weeks dahil tumakas ako.
Yung two weeks parang dalawang taon yung lumipas.
Mula nung araw na yon nung umalis ako nang hindi lumilingon sa Alpha Class paulit-ulit kong tinanong sa sarili ko kung tama ba yung ginawa kong magalit sa kanila kahit wala naman silang ginagawang masama sa akin.
Tinutulungan lang naman nila akong tapusin yung gulong ginawa ng mga Varsity pero bakit parang napasama pa sila sa kanilang ginawa?
Pero sa tuwing naaalala ko yung gulo, yung mga boses nila yung mga dahilan kung bakit ako napuno lagi kong sinasagot ang sarili ko ng OO. Tama lang na magalit ako sa kanila kasi pinapakialaman nila yung gulo na dapat ako lang yung involved.
Pero heto ako ngayon nakatayo sa tapat ng building na dati ay pinangakuan kong hindi ko na babalikan pero ngayon nandito ako para muling magsimula at....
Mga ala-ala ng nakaraang dapat kinalimutan na.
Nagulat ako dahil ibang-iba na ang buong building na pagmamay-ari ng ALPHA CLASS.
Dati, kulay abo. Dati, amoy alikabok, parang bahay ng mga multo. Pero ngayon bagong pintura, may ilaw sa bawat bintana at sa mismong labas ng building sa mismong entrance may karatulang nakalagay.
SECTION 16 BUILDING — RECONSTRUCTED.
Napasinghap ako.
Hindi ako handa rito.
Hindi ko akalaing ganito kalaki yung binago nila.
“Grabe...” mahina kong sabi halos pabulong.
Ang hangin amoy bagong gawa. Ang mga paso sa gilid ng entrance punô ng mga bulaklak. May mga estudyanteng dumadaan, nagkukuwentuhan dahil ang dating building na sira-sira ngayon ay may buhay at maganda na.
Pero parang lahat sila nakatingin dito sa building na minsan naging kasumpa-sumpa sa buong campus.
Huminga ako nang malalim bago pumasok.
Sa bawat hakbang ko papasok bumibilis yung tibok ng puso ko hindi ko alam kung bakit ganto kabilis tumibok ng husto ang aking puso.
Natatandaan ko pa yung unang beses kong pumasok dito. Sira ‘yung ilaw, amoy kalawang at puro ingay ng Section 16. Pero ngayon parang ibang mundo.
Puti at kahoy ang theme. May mga hanging lights, maayos ang hallway may glass panels sa gilid kung saan pumapasok ang liwanag ng araw.
“Hindi totoo ‘to...” mahina kong sabi habang hinahaplos ang pader.
Ang mga pader na dati ay may mga bakas ng suntukan may marka pa ng sapatos ngayon parang bagong simula.
May ilang estudyanteng dumaan.
“Ang ganda no?” sabi nung isa.
“Section 16 gumawa niyan.”
“Anong nakain nila't pinaganda nila ang Alpha Building?”
“Parang ang ganda na tumambay dyan.”
“But remember, That's just for the Alpha Section, we don't have the right to enter their territory.”
Narinig ko pang bulungan nila kaya napahinto ako.
Grabe ang mga ALPHA STUDENTS.
Sila pa rin ang dahilan kung bakit ganito kaganda.
YOU ARE READING
ALPHA CLASS: SECTION 16
ActionALPHA CLASS: SECTION 16 Sa loob ng Veridane Academy, may isang section na hindi basta klase ang Section 16, kilala bilang Alpha Class. Dito pinagsama-sama ang mga estudyanteng may pinakamagulong record, mga matatalino pero pasaway, mga anak ng implu...
