ALPHA CLASS (23)

2.1K 97 1
                                        

CZAIA'S POV

HUMINGA ako nang malalim at bago pa man ko mapigilan ang sarili ko napatingin ako sa hagdan papunta sa rooftop.

Rooftop, huh...” mahina kong sabi.

Sa totoo lang gusto ko lang naman ng hangin pero bakit parang gusto ko ring makita sila?

Unti-unti akong naglakad paakyat bawat hakbang parang may mabigat na echo sa dibdib ko. Hindi dahil sa takot pero dahil sa dami ng bagay na hindi ko pa rin nasasabi.

Pagdating ko sa 3rd floor huminto muna ako. Kinuha ko yung tubig na binigay ni Caelum at ininom ulit.

“Sige na nga.” bulong ko halos napangiti sa sarili ko.

Pero habang paakyat ako ng huling flight ng hagdan naririnig ko na ang mga boses nila. May halakhakan may asaran may kaluskos ng mga gamit.

Parang dati lang.

Narealize ko na kung gaano ko pala yun na-miss.

Pagbukas ko ng pinto tinamaan ako ng malamig na hangin. Malawak ang rooftop may mga nakapatong na lata ng pintura at ilang foldable table at mga kalat na hindi ko alam kung proyekto ba o art installation na ng mga 'to.

At sa gitna andun ang buong Section 16.

Si Eion, nakaupo sa railing habang may hawak na sandwich at kung saan-saan nakatingin.

Si Daevon nakahiga sa sahig na parang walang pakialam sa mundo.

Si Leifren may hawak na tablet habang si Zeraphiel at Elric nagtutulakan na parang bata.

Si Malric at Thoren nag-aasaran habang si Cyrille naman nakataas ang paa sa bench at nagdo-drawing.

At syempre si Xavien, nakatayo malapit sa gilid nakasandal sa pader habang hawak yung maliit na kahon ng brush.

Walang nakapansin sa'kin agad.

Nakatayo lang ako sa may pinto habang tahimik parang hindi sigurado kung papasok ba o bababa na lang ulit.

Hanggang sa si Eion ang unang nakakita sa'kin.

"Czaia?...."

Napatigil ang lahat.

Parang biglang tumigil yung hangin o baka ako lang yung tumigil huminga.

Marahang bumaling sa akin si Xavien hindi ko alam kung anong mas matindi yung kaba sa dibdib ko o yung mga tingin niya.

Tahimik, mabigat pero may halong ginhawa sa ilalim.

"Akala ko grounded ka pa." sabi ni Eion na pilit na binibiro pero halatang nagulat.

"Technically." sagot ko, pilit na kalmado. "Extension na lang."

May ilang tumawa may iba naman parang hindi alam kung anong sasabihin. Si Caelum, nakaupo sa may mesa ngumiti lang sa'kin ng bahagya na parang sinasabi ng tingin niya. Buti bumalik ka.

Lumakad ako papasok mabagal lang ang aking bawat paghakbang ramdam ko yung mga mata nilang nakatingin sa'kin pero for the first time hindi na siya mabigat.

May kaba pa rin pero may halong kagaanan.

"Gusto mo?" tanong bigla ni Eion sabay abot ng sandwich.

Napatingin ako sa kanya. "Hindi pa nga ako nakaupo pagkain agad?"

"Tradition yan pag may bumabalik." sabat ni Daevon.

"Welcome back sandwich."

Napairap ako. "Hindi naman ako umalis nang tuluyan."

ALPHA CLASS: SECTION 16Donde viven las historias. Descúbrelo ahora