NAGSIMULA na nga pagiging grounded ko, bantay sarado ako sa lahat ng katulong dito sa bahay. Maski ang mga security guard ay umabot sa lima.
Napabuntong hininga nalang ako dahil gustuhin ko man talagang tumakas ay hindi ko magagawa dahil maraming nakabantay.
"Hija may bisita ka sa baba." Dahil bukas ang pinto ng aking kwarto pumasok si manang.
"Sino?" Kunot noo kong tanong kay manang.
"Si Rina."
"Papuntahin mo nalang dito ayuko sa baba, ayukong makita ang pagmumukha ng mga security ng aking ama."
"Bumaba kana rin mamaya kagabi ka pa walang kain."
"Idala mo nalang yung pagkain ko dito." sabi ko nalang.
Lumabas si manang ng aking kwarto tapos napabuntong hininga nalang ako.
Mga ilang minuto pa.
"Huy babae bakit hindi ka bumaba?" Inirapan ko si Rina.
Agad siyang humiga sa kama ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Pinapunta ako ni Kuya Yesho dito baka daw wala kang makausap dito kaya pinapunta nya ako."
"Hindi ko kailangan ng kausap."
"Grabe ka!" Binato nya ako ng unan. "Nandito na nga yung kaibigan mo para samahan ka para hindi ka mabaliw dito mag-isa tapos ganyan pa sasabihin mo."
Binato ko rin siya ng unan sa mukha bago umalis sa kama.
"Ang oa mo." Pumunta ako sa tapat ng bintana tsaka sumandal sa pader. "Anong balita sa rides nyo?"
Dumapa siya sa kama. "Okay naman mas okay sana kung kasama ka, matik panalo ka na naman sa pustahan."
Napangisi ako. "Kelan ba kayo nanalo sa'kin?" tiningnan nya ako ng masama.
"Ganyan ka kapag pinupuri lumalaki ang ulo."
"Sabihin mo magaling lang talaga ako kesa sayo." Muli nya akong inirapan.
"Nakakainis ka, hmp." Napailing nalang ako dahil sa kaartihan ng babaeng to. "let's make cookies?"
"Wala ako sa mood, Rina."
"Tara na."
Umalis siya sa kama tsaka ako hinila palabas ng aking kwarto, pababa na kami ng hagdan ng bigla kaming harangin ng bodyguard ni daddy.
Napahinto kami sa dulo ng hagdan sa ibaba.
"Saan po kayo pupunta?"
Napairap ako.
"Don't worry hindi ko itatakas si Czaia takot ko nalang talaga sa daddy nya. Gagawa lang kami ng cookies dyan sa kitchen." Pagkatapos muli akong hinila ni Rina papunta sa kitchen.
"I don't know how to cook--"
"Bakit sinabi ko bang ikaw ang gagawa? Ako na, baka masunog pa itong bahay nyo kasalanan ko pa yun. " Naupo nalang ako sa upuan dito sa may breakfast table tsaka pinanood ang kaibigan ko.
Tinawag nya si manang para itanong kung saan yung mga gamit sa paggawa ng cookies.
Hinahayaan namin si Rina na maluwag na gumalaw dito sa bahay dahil gustong-gusto ito nila mommy dahil napakabait na sweet pa tapos isama mo pa yung pagiging matinong babae, hindi basag-ulo.
Napairap nalang talaga ako sa kawalan.
"So boring." Sabi ko sa kanya.
"Hindi ko kailangan ng suggestion mo." sabi nya habang busy sa kanyang ginagawa.
ESTÁS LEYENDO
ALPHA CLASS: SECTION 16
AcciónALPHA CLASS: SECTION 16 Sa loob ng Veridane Academy, may isang section na hindi basta klase ang Section 16, kilala bilang Alpha Class. Dito pinagsama-sama ang mga estudyanteng may pinakamagulong record, mga matatalino pero pasaway, mga anak ng implu...
