Kinabukasan ang langit kulay abo. Walang araw pero mainit ang hangin yung tipong bago magbagyo.
Pagpasok ko sa VA, iba na yung pakiramdam. Tahimik pero hindi na ordinaryong tahimik parang lahat ng tao kahit walang alam sa totoong nangyayari ramdam nila na may paparating.
Nasa rooftop kami ngayon ng Section 16. Lahat nandito. Si Eryx may hawak na tablet tuloy-tuloy sa pagkuha ng feeds. Si Leifren nag-aayos ng earpiece, si Daevon naka-squat sa gilid hawak yung combat gloves. Si Malric, Eion at Zephyrn abala sa mga drone camera na ikakalat nila mamaya.
At si Xavien... tahimik lang na nakasandal sa railings habang hawak yung lumang lighter niya.
"Last update." sabi ni Eryx habang pinapakita sa amin yung screen. "The Black Division regrouped last night sa old VA zone. May tatlong confirmed members na spotted. Vince Rayos Smith, Ruther Klein, and Kain Velez."
"Mga baliw talaga." sabi ni Daevon, "Babalikan pa talaga yung lugar kung saan sila natalo."
"Ganon talaga ang mga taong gustong patunayan na buhay pa sila." sabat ni Leifren.
Tahimik akong nakikinig lang pero ramdam kong lahat ng mata paminsan-minsan lumilingon sa akin. Hindi ko alam kung dahil ako ang dahilan ng gulong to o dahil gusto lang nilang siguraduhing okay ako.
"Czaia." tawag ni Xavien sa mababang tono. "Ikaw sa akin. Hindi ka aalis sa tabi ko kahit anong mangyari."
Umikot agad ang mga mata ko. "Hindi mo ako pwedeng ikulong."
"Hindi kita kinukulong. Pinoprotektahan lang."
"Same thing."
"Hindi." Tumitig siya sa'kin, seryoso. "Kasi kapag sinabi kong stay close ibig sabihin gusto kong maramdaman kong humihinga ka pa."
Tahimik ako. Hindi ko alam kung paano sasagutin yun. Sa mga ganong linya ni Xavien hindi mo alam kung pinoprotektahan ka ba niya o pinapahina.
Pagkatapos namin sa rooftop agad naming pinuntahan ang OLD VA ZONE.
Lumang gusali, wasak na pader. Naka-tape pa yung caution signs pero halatang ilang taon nang walang nagbabantay.
Tahimik kami habang papasok sa loob. Tatlong team kami.
Eryx, Zephyrn, Malric sa surveillance at comms.
Leifren at Daevon sa perimeter.
Ako at si Xavien, papasok sa main hall.
Bago kami pumasok hinawakan ni Xavien ang braso ko.
"Pag sinabi kong retreat lalabas ka no questions asked."
"Hindi ako aalis hangga't-"
"Czaia.." tumigil siya, tumingin diretso sakin. "Hindi ako lalaban kung alam kong hindi mo susundin yung plano. Hindi ito hero act."
Umiling ako. "Hindi rin ako damsel in distress."
Ngumisi siya. "Good. Then we fight smart."
Pagpasok namin puro alikabok agad ang sumalubong sa'min may mga basag na salamin, may lumang blood stains pa sa sahig doon ko lang narealize ito nga yung lugar. Yung eksaktong corridor kung saan bumagsak si Vince noon.
Parang biglang bumigat yung hangin. Ramdam ko yung pintig sa dibdib ko at sa bawat hakbang bumabalik yung mga sigaw at ingay ng nakaraan.
"Hey." Boses ni Xavien. Malapit siya sakin halos magkadikit na kami. "Focus."
Tumango ako. "I'm fine."
"Hindi mo kailangang maging fine." sagot niya. "Kailangan mo lang maging handa."
VOCÊ ESTÁ LENDO
ALPHA CLASS: SECTION 16
AçãoALPHA CLASS: SECTION 16 Sa loob ng Veridane Academy, may isang section na hindi basta klase ang Section 16, kilala bilang Alpha Class. Dito pinagsama-sama ang mga estudyanteng may pinakamagulong record, mga matatalino pero pasaway, mga anak ng implu...
