"Okay, group of three. You have ten minutes," sabi ni Sir Vaustine habang naglalakad sa harap, 'yung marker umiikot-ikot sa daliri niya. "I'll be passing a short scenario for you to analyze. After that, one representative will present."
Pagkasabi niya noon, automatic na nagkagulo na naman ang buong Section 16. Literal na parang hindi marinig ang sarili mong isip sa ingay nila.
"Hoy, ikaw na 'yung magsulat, Daevon!" sigaw ni Cyrille habang hinahampas ng papel si Daevon.
"Bakit ako?! Ikaw may magandang sulat ah!"
"Eh kasi ayaw kong gumalaw!"
"Tamad mo talaga, Cyrille!"
Sa kabilang side naman, nagsasagutan sina Zephyrn at Malric.
"Gago, sabi ko magdala ka ng pen, bakit wala ka?"
"Eh akala ko ikaw may dalawa!"
"Bakit ako laging inaasahan mo?"
"Eh kasi loyal ako sayo!" sabay kindat ni Malric.
"PUÑETA, tangina mo, Malric!"
Tawanan agad buong row nila.
Sa unahan, si Xavien tahimik lang, nakaupo at binabasa na agad 'yung papel.
Meanwhile, si Eion nakasandal lang sa upuan niya, nakangisi habang pinagmamasdan ang gulo.
"Ang babata nga ni Sir Vaustine pero parang tatay na siya dito," bulong ko habang tumatawa.
"True," sagot ni Eion, "pero at least hindi siya tulad ni Prof. Quintero dati 'yung pag nagtaas ng kilay, midterms na agad ang takot ng buong batch."
Ngumisi ako. "Hindi naman siguro ganun si Sir."
Ngumiti lang si Eion. "Depende kung gaano katigas ulo mo."
Lumapit si Sir Vaustine sa amin at binigay ang papel ng case study.
"Here. Analyze this. I want your perspectives and conclusion, not just copy-paste answers. Understood?"
"Yes, Sir," sabay naming sagot.
Pag-alis niya, sabay kaming tumingin sa papel.
Nakasaad doon:
A student was accused of cheating during an exam, but he insists he didn't. The only evidence is a photo showing him looking at another student's paper. What should the class representative do?
Tahimik sandali.
Tapos, biglang nagsalita si Eion.
"Simple lang. Kung ako 'yung class rep, ipagtatanggol ko siya."
Tumingin ako sa kanya. "Kahit may picture?"
"Oo. Picture lang 'yun. Hindi solid proof. Pwedeng nagkataon lang."
"Hmm," si Xavien naman ang nagsalita. "Kung ako, kakausapin ko muna pareho. Hindi ko agad paniniwalaan kahit sino. Walang bias."
Sabay silang tumingin sa akin.
"Ano sa'yo, Luna?" tanong ni Xavien.
Medyo nagulat ako kasi hindi ko inexpect na tatanungin niya ako agad. "Uh..... maybe I'd listen first. Pero kung alam kong may mali, kahit kaibigan ko pa siya, siguro I'll still report it. Kasi rules are rules."
Tumango si Xavien. "Matino."
Ngumiti ako ng mahina. "Ikaw lang ba 'yung nagsasabing matino ako?"
Nagkatinginan silang dalawa ni Eion, tapos sabay silang natawa.
"Teka, bakit?" tanong ko, nagtataka.
"Wala," sagot ni Eion, nakangisi. "Parang first time may nagsabi ng matinong bagay sa section na 'to. Usually kasi, pag tanong ni Sir, puro 'depende kung crush ko' ang sagot."
YOU ARE READING
ALPHA CLASS: SECTION 16
ActionALPHA CLASS: SECTION 16 Sa loob ng Veridane Academy, may isang section na hindi basta klase ang Section 16, kilala bilang Alpha Class. Dito pinagsama-sama ang mga estudyanteng may pinakamagulong record, mga matatalino pero pasaway, mga anak ng implu...
