CZAIA’S POV
Paglabas ko ng classroom tahimik ang buong hallway. Ang mga ilaw malambot lang ang liwanag parang sinadya para hindi makasakit sa mata. Ang mga hakbang ko lang ang maririnig habang naglalakad ako papunta sa dulo ng corridor palabas ng building namin.
Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ang dami kong gustong tanungin pero natatakot ako sa mga sagot.
Sa totoo lang, hindi ko pa kayang harapin silang lahat. Hindi pa ako handa makita si Xavien na tahimik lang pero alam mong mabigat ang loob si Eion na laging nagbibiro kahit halata sa mata niya yung pagod.
“Hindi ko pa kaya.” bulong ko ulit sa sarili ko. “Hindi pa ngayon.”
Bago pa ako tuluyang makalabas ng Building may narinig akong mahina.
“Czaia?”
Napatigil ako.
Pamilyar yung boses. Malamig pero may lambing, mababa pero malinaw. Paglingon ko, nakasandal sa pader si Caelum may hawak na tubig nakasuot ng simpleng gray hoodie at may mga pintura pa sa kamay.
“Caelum…” mahina kong sabi. “Anong ginagawa mo dito?”
Ngumiti siya nang bahagya. “Naghihintay sa’yo.”
“Ha?”
“Kanina pa. Alam kong pupunta ka.”
Napakunot noo ako. “Paano mo naman nalaman?”
“Alam ko lang,” sagot niya sabay kibit-balikat. “May pakiramdam kasi ako pag may babalik.”
Umiwas ako ng tingin para iwasang hindi matawa sa sinabi nya. “Weird mo talaga.”
“Weird ba?” sagot niya sabay abot ng tubig sa akin. “In case di ka pa umiinom simula nung pumasok ka.”
Kinuha ko yun at uminom ng kaunti. “Thanks.”
Tahimik kaming dalawa. Hangin lang mula sa bintana ang aming naririnig. Maya-maya nagsalita siya.
“Ang tagal mong nawala.”
“Grounded,” sagot ko. “Pero technically, grounded na with extension.”
“Dahil tumakas ka.”
Napairap ako. “Hindi ko alam na may chismoso pala dito sa Section.”
Ngumiti siya. “Wala namang nagsabi. Nahulaan ko lang.”
Tumingin ako sa kanya. “Alam mo, hindi ko alam kung paano mo nagagawa yan. Lahat ng tao hirap intindihin ako pero ikaw parang—”
“Parang ang dali lang?” putol niya. “Maybe because I’ve been there.”
Napatingin ako sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?”
Huminga siya ng malalim bago nagsalita.
“Hindi mo yata alam kung paano ako napunta rito.”
Umiling ako. “Hindi pa. Hindi ka rin kasi mahilig magkuwento.”
Ngayon ko lang nga siya nakausap ng matagal eh.
Ngumiti siya ng kaunti. “Hindi ako mahilig magkuwento. Pero siguro kailangan mo marinig to ngayon.”
Umupo siya sa bench sa may hallway sabay senyas na maupo ako sa tabi niya. Ginawa ko naman kahit may halong kaba.
“Fourteen palang ako nung pumasok ako sa Alpha Class” panimula niya. Nagulat ako sa edad na kanyang binigkas. “Pinakabata ako sa kanila ngayon. Lahat sila mas matanda ng isang o dalawang taon. At noong una, ayaw nila sa’kin.”
                                      
                                   
                                              ESTÁS LEYENDO
ALPHA CLASS: SECTION 16
AcciónALPHA CLASS: SECTION 16 Sa loob ng Veridane Academy, may isang section na hindi basta klase ang Section 16, kilala bilang Alpha Class. Dito pinagsama-sama ang mga estudyanteng may pinakamagulong record, mga matatalino pero pasaway, mga anak ng implu...
 
                                               
                                                  