CHAPTER 2

234 7 3
                                    

CHAPTER 2.

Raya's POV.

"Here are the info about Mr. Drey Drick Montefalco and Kira Dia Malave.", Paglahad ng investigator ko sa brown envelope.

Agad ko itong tinanggap at sinenyasan siya na umupo. Matapos sabihin sa akin ng aking tauhan kung sino-sino yung mga taong nakakasama ng aking kambal ay agad kong ipinaimbestiga. Gusto kong malaman lahat ng impormasyon ng mga taong manloloko. Una kong inilabas sa envelope ang mga papel na info ni Mr. Montefalco.

"He is Drey Drick Montefalco. The son of Kathrine and Dreycken Montefalco. He is also a CEO of Montefalco Business Company or MBC. He is one of a successful Businessman around the world. His family is a top 1 richest family in Russia and New York. He has 50 huge malls, 40 restaurants, 30 beaches, 30 stores, and 35 bars around the world.", Mahabang salaysay ng aking Investigator na siyang ikinataas ng aking kilay.

Kung ganon. Napakayaman pala ng batang to. Kaya hindi na ako magtataka pa kung palagi kong naririnig ang last name niya. Sunod kong tinignan ang family picture nila. Manang-mana siya sa ama niya. Magkamukha silang dalawa. Itinabi ko na ang mga papers ng information niya at sunod kong nilabas ang information ng ahas.

"She is Kira Dia Malave. The daughter of Kyline and Richard Malave. She is a model. A famous model. And also they said that she is Mr. Montefalco's fiance. And...I am not sure about that Ms. Diaz.", Sambit niya na siyang ikinatango ko.

Iniligpit ko na ang mga papeles ng kanilang mga information at pinaloob na ito sa brown envelope.

"Thank you for the information Mr. Rosales.", Ani ko.

Tumayo na ako at ganom din siya. Nakipagkamayan kami sa isa't isa.

"You're welcome Ms. Diaz."

***********

It's already 11:00pm at pinagaralan ko pa ang mga information ng dalawang taong ito. May nabasa rin ako sa social media na engage na daw ang dalawa. There are some comments saying that it was fake. Many people don't believe in them. Bago nga lang daw nagkahiwalay ang kambal ko at ng Drey na yan may fiance na agad.

Alam ko naman kung bakit pinopost iyon ng ibang social media. They need money again. Wala na kasi silang ibang topic kaya gumagawa na ng fake news.

I am also stalking their accounts at wala akong nakitang status kay Mr. Montefalco na engage na sila. I only saw on status of that girl na engage na sila. Poor girl. Dineny ata ng boyfriend.

Lumingon ako sa pwesto ng aking kambal at mahimbing pa rin siyang natutulog. Dito na ako nanatili sa kwarto kung saan siya nagpapahinga. Much better upang mabantayan ko siya. Baka magising nalang ito bigla na wala ako dito sa loob. At baka magwala.

Nag-inat-inat muna ako bago tumayo at nagtungo sa kaniyang pwesto. Umupo ako sa upuan na nasa gilid ng kaniyang higaan. Tinitigan ko siya ng mabuti at wala pa ring pinagbago. Magkamukha pa rin kami hahaha. May nunal siya sa sintido pero hindi mo naman agad ito mapapansin dahil natatakpan ito ng kaniyang itim na buhok. Habang ako naman ay may nunal sa likod ng aking tenga at ganon rin ang aking natatakpan ng kulay brown kong buhok.

Magkaiba ang kulay ng aming buhok. Black yung sa kaniya at brown naman yung akin. Hindi siya as in brown talaga. May halong itim din siya. Ang kulay ng aking buhok ay nakuha ko kay Mom at Dad. Pinaghalo ang kulay ng aking buhok habang kay Aya naman ay nakuha niya kay Dad. Itim na itim. Well si Mom yung may kulay brown na buhok.

Itinabi ko sa gilid ng kaniyang mukha ang ilang hibla ng kaniyang buhok. Tanging tunog lamang ng machine ang maririnig mo sa buong kwarto na ito.

Napakatahimik at gusto ko ito.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now