CHAPTER 26

146 13 0
                                    

CHAPTER 26.

Third Person's POV.

Kanina pa nakasunod si Raya sa sinasakyan ng dalawa. Wala naman talaga silang date ni Andrew, palusot niya lang iyon. Hindi siya mapapakali na hindi mabantayan ang kaniyang kambal na ngayon ay kasama na ang binata sa iisang sasakyan. Seryoso lamang siya na nagmamaneho at hindi pinapahalata na sumusunod siya dito. Maya-maya ay huminto na ang sinasakyan nina Aya sa tapat ng airport. Pinark naman niya ang kaniyang sasakyan sa di-kalayuan at pinagmasdan ang dalawa na kakalabas lang ng sasakyan.

Kinuha niya ang kaniyang mask at shade at sinuot ang mga ito upang hindi siya makilala ng ibang tao. Lumabas na siya ng kotse at patagong sinundan ang dalawa papasok sa airport. Para siyang ninja na gumagalaw at buti nalang ay hindi siya napapansin ng mga tao. Nang makapasok sila sa airport ay nagtago siya sa isang malaking poste at sinilip ang dalawa. Nakatayo na ang mga ito sa tapat ng railings habang hinihintay ang pagdating ng mga magulang ng mag-kambal.

Dinukot niya ang kaniyang cellphone na nasa kaniyang bulsa at sinilip muna ang kaniyang kambal bago dinial ang numero nito. Nagitla naman si Aya nang mag-ring ang kaniyang cellphone na nasa shoulder bag niya. Napatingin naman ang binata sa kaniya at bumaba ang tingin nito sa cellphone na hawak ng dalaga. Agad naman nilayo ng dalaga ang cellphone matapos mabasa ang pangalan na nasa screen. Sinamaan niya ng tingin ang binata ngunit tinaasan lamang siya nito ng kilay. Inirapan niya lang ito bago lumayo sa binata upang sagutin ang tumatawag sa kaniya.

"Hello ate?", Pabulong niyang sagot sa kabilang linya.

(Ano na? Nandiyan na ba sina Mommy?), Tanong ni Raya na kunwari ay hindi nakasunod sa dalawa.

Tumingin sa unahan si Aya at nakita na niya sa di-kalayuan ang kanilang mga magulang.

"Nandito na sila ate.", Sagot niya.

(Mabuti naman. Sige. Uuwi na ako.), Tila ay nadulas na sabi ni Raya dahilan upang matigilan agad siya.

"Huh? Eh nasan ka ba? Akala ko ba may date kayo ni Kuya Andrew?", Nagtatakang tanong ni Aya.

(Ha? Oo nga. May date nga kami. Ano...nandito kami sa park, Oo.), Sagot niya habang napapakamot sa ulo.

Napatango nalang si Aya.

"Sige ate. Bye! Sasabihin ko nalang kina Mommy na may date kayo ni Kuya Andrew."

Napabuga ng hangin si Raya.

(Sige bye! Love you!)

"Love you too ate!"

Tinago na niya ang kaniyang cellphone at bumalik na sa kinaroroonan niya kanina. Napangiti agad siya nang makalapit na sa kanila ang mag-asawa.

"Mom! Dad!", Masaya niyang salubong dito.

Agad niyang sinalubong ng yakap ang kaniyang mga magulang.

"Awww~~~ang sweet talaga ni baby Aya namin.", Sambit ng kaniyang Ina.

Napasimangot ang dalaga at napanguso.

"Mom, hindi na ako baby okay?", Nakasimangot nitong sagot.

Natawa naman ang kaniyang ama at binalingan ng tingin si Drey.

"Iho! How are you? Ilang years tayong hindi nagkita. Kumusta yung pagsasama niyo ng anak ko?", Nakangiting sambit ng Ginoo sa kaniya.

Natigilan si Drey at tinignan si Aya na kausap ang Ina nito. Bumaling ulit siya sa Ginoo at ngumiti.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now